Part 55

2.8K 93 3
                                    

Fire and Ice (Part 55)

Nakita kong iminulat ni Boss ang mga mata nya, muling ipinikit at minulat ulit. Halos tumakbo na si Bry sa pag labas ng kwarto para tawagin ang doctor. Ako ay nanatili, makapigil hininga kong hinintay na tuluyan na syang dumilat at gumising. Nag dasal na sana ay tuluyan syang mabuhay.

Hindi ako makagalaw sa pagkakatayo, nakatitig lang sa susunod na mangyayari. Hanggang dumating na ang doctor at kaagad syang tinignan.

Sa wakas! Naka dilat na sya ng tuluyan. Pero hindi pa sya nakakasalita. Tila hindi pa talaga sya ok, or baka nahihilo pa. Pero masaya ang lahat, na nagawa na nitong igalaw ng kaunti ang mga kamay at subukang idilat ang mga mata.

Pinalabas muna kame ng room, at pinayuhan na wag munang pumasok, dahil pwedeng mahilo sya at mapagod pag napilitang kausapin kami. Kaylangan muna nyang obserbahan.

Nakakain ako ng maayos sa tanghali na yon, tila nagkaroon ako ng sigla, alam kong buhay sya, pinilit nyang lumaban. Sobrang nakakagalak sa pakiramdam kahit di namin sya agad makausap dahil bawal pa.

Bandang 4 pm ng hapon, nag balita na si Doc na pwede na naming sya bisitahin dahil stable na ang kalagayan nito, bawal nga lang mastress dahil kaylangan nya ng sapat na pahinga para tuluyang makarecover.

Pumasok kaming lahat, ako si Bry at Kianne. Kakaalis lang kasi ng 2. Nakaoxygen pa rin sya, pero naka dilat na ito at nakatingin lang saming lahat. Pwede na daw tanggalin ang oxygen pero baka mabigla sya kaya wag nalang muna.

Gusto ko syang lapitan, at yakapin..nakakapanibago na makita syang nanghihina. Walang reaction ang mga tingin nya at malamang na hindi pa sya pwedeng mag salita dahil nakatakip ang kanyang bibig at ilong ng oxygen.

Lumapit kami sa mismong tabi ng bed nya. Kameng 3 pero nakatingin lang sya. At hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng kaba.

Kianne: Ryne...buti naman bumalik kana, sobra kaming nag alala.. lalo na si Ashley, hindi pa yan umuuwi simula ng dinala ka dito.

Bry: Yes Ryne, tama si Kianne.. Siguro mas mabuti kung iiwan muna namin kayo, diba Kianne?

Kianne: Yeah, sige dito lang kami sa labas ni Bry. Ashley..kaw muna bahala.

Hanggang ako nalang ang natira sa room, kasama ang isang nurse na kaylangang tumutok sa kanya.

Me: Baby....

Isang salita palang ang kumakawala sa bibig ko pero tila maluluha na ako, sa tuwa at sa sobrang pag kamiss sa kanya.

Nurse: Ms.Dela Vega, ok lang tanggalin natin saglit ang oxygen mo?

Tumingin sya sa nurse na tila sumang ayon sya dito. Kaya tinanggal na muna ng Nurse ang oxygen sa bibig nya.

Muli syang tumingin sakin habang ako ay nagpapahid na muli ng mga luha. Ramdam ko ang paghihirap ng baby ko, ang laki ng pinag bago ng itsura nya, pumayat sya, at mukang hinang hina. Pero sobrang masaya ako na makita syang buhay.

Me: Baby..namiss kita...

Ryne: Ashley...I'm sorry.. You're not safe with me anymore.

Me: I dont care, ang importante ok kana..

Ryne: No...I'm sorry..

Kaso parang nahihirapan na ulit syang huminga kaya tumingin ito sa nurse at ibinalik ang oxygen nya. Muli nyang ipinikit ang mga mata na parang napagod ito at gustong magpahinga.

Nurse: Ms. Ashley siguro sa susunod nalang ulit kayo mag usap, wag natin syang biglain dahil baka makasama sa kanya.

Me: Ok I understand. Maghihintay nalang kami ng advice galing sa inyo. Thank you, please make sure makaka recover sya ng tuluyan.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin