Part 45

3.8K 111 11
                                    

Fire and Ice (Part 45)

Ryne: Guys, dahil reunion naman natin to, hindi nyo ba kakamustahin si Ashley?

Nakakagulat pa rin na marinig ko ang mga ganitong salita kay boss. Since di ko rin alam ang pinag uusapan nila dahil kausap ko si Bry. Ito yung moment na ayokong maging visible sa kanila, yung sana ay hindi nalang nila mapansin na nandun ako. Traumatic pa rin kasi ang experience ko pag 5 silang kaharap ko. Pero nandito naman si baby boss, di naman nya siguro hahayaan na mapahiya ako.

Louise: Kamusta kana Ash? Gumaganda lalo ah. Pulutan ba ulit natin to mamaya?

Shayne: Oo nga, bakit parang nag bloom ka. Anong nangyari? Mas masarap kana ngayon.

Kianne: Sssshhh!! Kung ako sa inyo, tatahimik nalang ako.

Louise: Bakit Kianne? Diba ikaw naman ang laging nangungunang pag nasahan si Ash!!

Shayne: Oo nga, laway na laway ka kamo sa kanya Kianne., kaya nga nadamay pa kami ni Louise, nalagot tuloy tayo kay Ryne.

Kianne: Tigilan nyo na si Ashley, part na sya ng circle natin.

Si Boss naman ay may pagkasarcastic na tingin sa 3, tila hinihintay lang silang matapos sa mga banat nila. Ako naman ay natigilan sa pakikipag usap kay Bry, di ko maiwasang mapayuko dahil naaalala ko ang mga nangyari dati, lalo pa at kumpleto sila ngayon. At mukang walang kaalam alam sina Shayne, at Louise sa status namin ni Boss. Kinakabahan ako, at tila nangliliit na naman ang pakiramdam ko. Yung feeling na gusto mong lumayo lalo na sa 3 manyakis, yayain ko nalang kaya si Bry sa veranda para ituloy ang kwentuhan namin.

Kianne: May sasabihin si Ryne sa inyo. *sabay yuko at napayawak sa noo*

Ryne: Ash come here.

Ayoko sanang tumayo, ang awkward ng feeling, lalo pa ng marinig ang banat nina Shayne, mukang ang baba pa rin ng tingin nila sakin.

Napansin ni Boss na ayaw kong tumayo, habang nakatingin silang lahat sakin. F*ck lang!! Yung kaninang fairy tale story namin, biglang naging reality na ngayon na nakaharap ko silang lahat.

Ryne: Ashley... baby come here!!

Bry: Baby?!!

Louise: Seriously??

Biglang napatingin sakin ang katabi kong si Bry. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung totoo ba ang sinasabi ni Boss. Same with Louise and Shayne, halatang nagulat sila. Si Kianne naman nakayuko lang at nakatingin sa kawalan.

Tumayo ako at tumungo sa kinatatayuan ni Boss. Bigla akong nasaktan sa reaction ni Bry. Hindi nya maialis ang tingin nya sakin. Habang si Boss ay nakaangat ang kaliwang braso bilang pag salubong sakin sabay akbay, yung akbay na mahigpit, yung parang gusto nyang yumakap ako sa katawan nya, at tila sinasabi nitong wag akong mag alala at mahiya, kasi I got her na.

Ryne: Yes!! You heard it right. Ashley is officially, my first girlfriend..

Di ako makatingin sa kanila, at habang nakapalibot at left arm nya patungo sa baywang ko ay di ko mapigil na hindi maawkwardan. Buti nalang si Kianne alam na, kaso yung tatlo, lalo na si Bry. Parang gusto ko nalang matunaw sa oras na yun.

Ryne: So Shayne, and Louise.. what can you say?

Shayne: Well, honestly, di naman ako sobrang nagulat. Halos mapatay mo nga kami because of her, naisip ko nang baka you two are an item.

Louise: Ako, ang pinag hinalaan ko talaga ay si Kianne ang may gusto sa kanya, and also Bry. Nagulat ako.. for real na yan Ryne? Umiibig naba ang pinaka matigas na leader namin?

Kianne: I tried to court Ashley, kaso.. kaya pala basted ako agad. But I'm happy for the both of you Ryne and Ash.

Ryne: How about you Bry?

Fire and Ice (SPG) (GxG)Where stories live. Discover now