Part 70

3K 96 13
                                    

Fire and Ice (Part 70)

***ASH's POV***

Habang naglalakad kami ni Ches, ay nakasalubong namin si Trish.

Me: Trish, nasan si Bry?

Trish: Pinatawag kasi ni Ryne silang lahat eh. Pumunta daw sa taas so ayon, hinanap ko na kayo.

Me: Bakit daw? Anong meron sa taas. At bakit hindi tayo kasama.

Trish: Kasama naman pero hanapin ko raw muna kayo. San ba kayo galing?

Me: Kay Kianne. Tara sa taas, hanapin natin sila.

Si Ches halatang wala pa rin sa sarili habang nag lalakad kami. Pag tinatanong naman, lagi lang nitong sinasabing ok lang sya.

Nakarating kami sa taas, sa isang hallway malapit sa isang resto namin natagpuan silang 5. Kumpleto ang lima ah. Medyo napahinto pa kaming 3 sa pag lalakad bago tumungo sa kinaroroonan nila dahil parang may pinag uusapan sila. Hanggang sa makita ako ni baby boss.

Ryne: Baby, nandyan na pala kayo. Come here guys.

Me: Bakit parang may seryoso kayong pinag uusapan. Anong meron?

Ryne: Nothing, tinanong ko lang kung anong gusto nila for dinner. Let's have dinner na, japanese food, ok lang sa inyo?

Me: Sure..kahit ano. Sayang naman kung hindi natin titikman ang japanese food.

Kita ko ang pag titinginan ni Kianne at Ches. Tila nag aasaran sila pareho, dahil pa-irap irap tong si Ches, si Kianne naman ay pangiti ngiti. Si Shayne and Louise naman magka akbay, patalikod na nakapayakap si Louise kay Shayne. Si Bry naman ay laging tumatabi kay Trish.

Pagkatapos ng dinner, habang nasa table pa kaming lahat.

Ryne: Guys tom. Disneyland ha. Kita kita sa hotel lobby at 8am. Sharp! Alright guys.. pahinga na tayo, kasi nakakapagod ang gagawin bukas.

DISNEYLAND

Me: Wow... as in wow talaga.. Dati napapanood ko lang sa cartoon at sa movie, ngayon totoo na sila Mickey? Thank you baby..

Walang katapusan pag yakap at pag kiss ko sa kanya sa harap ng entrance ng Disneyland kung saan nag papapicture ang lahat. Humarap sakin si baby, then she kissed me sa harap ng ibang mga tourists.

Ryne: I told you, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo. Ganun kita kamahal. I love you so much. At ngayong araw, wala tayong gagawin kundi mag enjoy, at magbonding. Kahit humiwalay tayo sa kanila para masolo kita.

Me: Alright baby boss, I love you too.

Ryne: Wait baby, may announcement ulit ako bago tuluyang maghiwahiwalay tayong 8. Guys!! All of you come here. Ok lang maghiwahiwalay tayo, mas gusto ko nga yon para masolo ko si Ash. Basta mamayang gabi sa fireworks, sa statue ni Mickey at 8pm.

Agad namang nag agree ang lahat. Di na ako masyadong nag worry kay Trish and Ches dahil kasama nila si Bry. At syempre, magkakasama ang Kianne and Co. so, all set na.

Nag start na kaming mag try pumasok sa ibat ibang attractions. Actually pambata ito pero nakakatuwa pa rin, nakakaamaze pa rin na bumalik sa pagkabata at makita ang mga paboritong disney character na sa movie lang makikita. At syempre, dahil kasama ko si baby. Sobrang sweet namin, masyado syang maalaga. Lumabas ang side nya na over protective at gusto nya talagang masolo ako kaya humiwalay kami sa napakalaking park na to. Wala kaming ginawa kundi mag picture, mag try ng mga attractions, rides, visit sa mga stores kung saan ang sarap bumili ng mga toys at tshirts, magyakapan, akbay, at mag kiss. Madalas din kaming mag visit sa mga food store kung saan nakakatuwa ang mga food na hugis mickey mouse.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon