Chapter 1

105 6 1
                                    

Jaycee P.O.V

Jaydee Villaruel. Volleyball player ng MNLU, Spiker.

Mahal ko si Frances Therese Pinlac, libero ng team namin, actually nagconfess na ako ng feelings ko sa kanya. High School palang nagkakalaban na kami. Middle siya dati ng CSA ako naman Spiker ng UST HS so ibig sabihin, high school palang gustong gusto ko na siya. High School palang nagpaparamdam na ako.

<<FLASHBACK>>

Jaydee: Lang, kilala mo yung Pinlac ng CSA? Ang ganda grabe! Crush ko na sya. Hahaha!

Lang: Agad agad Jaydee? HAHA! Tara lapit tayo. Pakilala tayo.

Lumapit sa bench kung saan nakaupo si Queen, nag aayos ng bag.

Lang: Hi! Ako pala si Lara Mae Lahat, eto si Jaydee Villaruel, players kami ng UST, pwede makipagkaibigan?

Queen: OO naman, ako nga pala si Frances Therese Pinlac.

Jaydee: nakipagkamay siya sa amin ako naman kilig na kilig. Ehhhhhh.

Queen: alis na muna ako ha? Inaantay na ako ng kasama ko. Bye! Nice meeting you Lang, Jaydee.

Makalipas ang ilang araw, nanood ako ng mga game nila Queen. Ako lang mag Isa. Lagi ako dun sa gen ad. Pagkatapos ng game, pumunta ako ng dug out. Nakapasok naman ako kasi namukhaan ako ng bouncer na nagbabantay alam niyang player ako ng UST. Sakto nakita ko si Queen, palabas ng CR. Nilapitan ko siya.

Jaydee: Queen! Sandali!

Tumigil naman si Queen, tapos lumingon, nakita niya ako tapos biglang ngumiti! Shet! Ayan na naman ang pamatay na ngiti ni Pinlac! Nakakahumaling!

Queen: oh Jaydee! May game ba kayo? Ba't ka andito? Tanong niya sakin, ngumiti lang ako tapos binigyan ko ng 1 litrong Gatorade.

Jaydee: Eto oh binilhan kita ng Gatorade para makabawi ka ng lakas. Congrats sa panalo niyo! Ang galing!

Queen: Hala nagabala ka pa, pero salamat dito ha? Sus nambola ka pa ikaw kaya dyan ang magaling.

Jaydee: di naman. Hahaha! Sige na Queen, baka inaantay ka na ng teammates mo.

Queen: sige alis na ako ha? Salamat Uli Jaydee! Tapos bineso niya ako sa cheeks.

Wala, tulala nalang ako pag-alis. Grabe! Kinilig kaya ako ng sobra dun! Kaya naman paglabas ko ng arena yung ngiti ko abot tenga talaga. Ngiting tagumpay. Inaantay ko makaalis yung bus nila. Pero biglang bagsak ang balikat ko nung nakita Kong naka convoy ang isang pulang kotse sa bus nila, lulan nun si Queen, may kasamang lalaki, yung nagdadrive, halatang may something kasi ang ganda ng ngiti nilang dalawa. Umalis na ako, at nagpunta ng mall. Tambay sa coffee bean. Nagkape ako. Wala eh, bitter pa ako. Nang biglang tumunog ang phone ko.

Amy calling...

Jaydee: Hello?

Amy: lalim ng iniisip natin ah. Tsaka bakit ka mag isa? Anong problema?

Nagpalinga linga ako. Loko tong si Amy ah. May patawag tawag pang nalalaman, di na lang lumapit.

Jaydee: Loko ka ah. Wala, may problema lang. Asan ka?

Amy: 3'oclock.

Tumingin ako sa right side, ayun ang loko. Nakaupo sa katapat na resto. Umiinom ng milkshake. Ngumiti ako tapos tinawag ko siya.

Jaydee: ba't ka andito?

Amy: ikaw lang ba may karapatan sa mall na to?

Jaydee: pilosopo.

Amy: namasyal lang, broken hearted eh, ikaw kasi.

Jaydee: Hala!

Bestfriend ko tong si Amy, nagtapat sakin Pero sinabi ko na hanggang kaibigan lang talaga turing ko sa kanya kasi nga mahal ko si Queen. Di naman siya nagalit. Close pa rin kami. No hard feelings daw.

Amy: anong problema Jaydee? Ba't ka malungkot?

Ayun nagkwento naman ako Kay Amy tungkol sa nakita ko at sinabi kong nasaktan ako. Nakinig lang siya. Tapos ngumiti. Sinabung pakatatag lang daw ako. Tumango na lang ako. Nagkwentuhan pa kami sandali, napapatawa naman niya ako sa mga banat niya. Kaya kahit sandali nakalimutan ko si Queen.

Lumipas ang mga araw. Patuloy pa rin ako sa pagdala ng pagkain o kaya Gatorade kay Queen after ng game nila. Sinantabi ko na lang ang sakit, kasi para sakin, gusto kong makita yung mga ngiti niya. Gusto ko siyang makita. Yun lang, kumpleto na araw ko.

Hanggang isang araw...

Lang: Jaydee, hanggang kailan yang kahibangan mo kay Queen?

Tingnan ko siya ng masama...

Lang: highblood agad? Di ba nga may boyfriend na yun, si Akira diba? Relax! Chill!

Jaydee: ano naman di pa naman sila kasal ah? Tskaa kahit may boyfriend na yun, wala eh, di naman matuturuan ang puso. Martry na kung martry. Basta napapangiti ko siya solve na ako.

Lang: Pero wala lang balak umamin?!

Jaydee: ......

Lang: ano?!

Jaydee: takot ako eh. Baka magalit. Tsaka baka di na ako kaibiganin nun. Diba nga hindi pa tanggap sa society natin ang same sex relationship? Tsaka baka ayaw din ni Queen.

Lang: wala namang nawawala kung susubukan mo eh. Try mo lang. 10 seconds of courage. Yun lang. wag torpe Jaydee. Wala lang mapapala sa ganyan. Para ka lang rocking chair nyan. Binigyan ka ng gagawin Pero walang mapupuntahan.

Jaydee: lalim nun ah. Sige subukan ko. Salamat Lang ah? Kaya naman swerte ako sa mga kaibigan ko eh.

Kinabukasan....

sa arena, kinausap ni Jaydee si Queen. Nagconfess na siya ng feelings niya for Queen. Naguusap sila sa isang sulok. Mga 20 minutes din. Pagkatapos nun, nagyakap sila. Umalis na si Jaydee.

<<END OF FLASHBACK>>

==Author's POV==

sabaw po ba? yan palang nakakayanan ng utak ko eh. haha! feedback nalang po. para tingnan kung itutuloy pa. :) salamat! happy reading! Go easy on me people. :D

So Inlove (FranDeesal Story)Where stories live. Discover now