Chapter 8

39 3 0
                                    

Jaydee POV

Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Si ate Sheki, "andito na tayo Jaydee" tumingin ako sa may bintana, tumambad sakin ang beach. Tumingin ako kay ate Sheki at nagpasalamat. ngumiti siya tapos bumaba na ng bus. Kinuha ko naman ang mga gamit ko at bumaba na din. Hinahanap ng mata ko si Queen kasi alam ko galit pa din to sakin. Umalis daw ako ng walang paalam at kasama si Cole, nakainom pa daw akong umuwi. Di ko daw sinasagot mga tawag niya. Nagsorry lang ako pero galit pa din siya, hindi ko naman masabi kung bakit ako umalis. Diba nga siya ang dahilan. Haist.

Nakita ko ang teammates ko nasa lobby ng hotel. Si Coco at Amy nagkukulitan. Ang fab 5 nasa may front desk. Kausap ang hotel staff. Si Cole at Yzabel, nakaupo sa sofa. Si Gia at Queen magkatabi din, parehas na busy sa pagtetext. Oo na kilala niyo naman na yung katext ni Queen. tsssssss. Badtrip. Umupo ako sa bakanteng sofa. Katabi nila Cole, kaharap ko naman sila Queen. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Ayoko ng ganito. Hindi ko naman inakala na magagalit ng ganito si Queen sakin. Hindi ko kaya.

Tara na Girls. Nasakin na ang mga room keys niyo. Kung sino ang magkaroom sa Dorm, sila din magkaroom dito - si ate Sheki. Nakakaloko ang ngiti nito na nakatingin sakin. Inabot niya na samin ang mga room keys namin. Nasa iisang floor naman kami eh. Pagpasok sa elevator, tinapik ako sa balikat ng mga BE pwera kay Queen. Alam nila kung bakit ako nawala kahapon. Si Queen lang hindi. Alam din nila na di niya ako pinapansin. Nasa elevator na kaming lahat, magkatabi kami ni Queen, kinakalabit ko siya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Tinataponan lang niya ako ng "killer stare" niya.

Sheki: eto na ang floor natin, magpahinga na ang mga gustong magpahinga, basta sabay sabay tayo mag dinner, 7pm. Kita kita tayo sa lobby. Sige na, pahinga na. Mahaba pa naman ang oras. :D

Coco: Ate Gia!!! Pasyal tayo! Di naman ako pagod eh.

Gia: Sige sige. Mag ayos muna ng gamit.

Sela: Ikaw Abby? Pahinga o pasyal? 

Abby: Pasyal na lang. :D

Alice: Tayo din Sheki. Pasyal tayo!

Amy: Me too. I'll come with you guys.

Sheki: Okay okay. Sama kayo babies? Tanong ni Sheki sa dalawang bunso.

Cole and Yzabel: Oo sasama kami!!!

Abby: Kayo FranDeesal?

Jaydee: Papahinga na muna ako ate Abby.

Queen: Sasama ako.

Pumasok na kami sa mga kwarto kwarto namin.

Jaydee: Queen, sorry na. Pansinin mo na ako. Please? Sabi ko pagpasok na pagpasok namin sa kwarto.

Queen: ... ... ...

Huhuhu. Hindi talaga ako pinapansin ni Princess Libero.

Jaydee: Ano ang kailangan kong gawin para patawarin mo ako?

Tinignan lang ako, nakataas pa ang kilay. Urgh!!! Oo na! Alam ko naman kung ano ang gusto niyang gawin ko eh. Eto na!!

Jaydee: Queen. Sorry talaga hindi ako nakapagpaalam. Pumunta lang kaming Antipolo ni Cole, nag usap lang. Magpapaalam na ako sa susunod promise. Sobrang sincere ako habang sinasabi yan sa kanya. Sana hindi na magusisa. Huhu. Hindi ko alam ano ipapalusot ko.

Queen: Eh ba't nakainom ka? Hindi ka naman pala inom ah? Tsaka bakit si Cole na naman, pwede mo naman ako ayain ah? Lagi nalang si Cole!

Jaydee: Sa susunod ikaw na aayain ko. Masaya ka kasi kahapon sa manliligaw mo kaya hindi na kita inistorbo, ayoko masira ang araw mo dahil sakin. Sorry na Queen. Walang bitterness sa boses ko. Argh!

So Inlove (FranDeesal Story)Where stories live. Discover now