Chapter 16

67 2 0
                                    

"True love stories never have endings"

- Richard Bach

Continuation.....

JAYDEE P.O.V

Nakaakbay kaming magkakapatid na pumunta sa Garden kung saan nakaupo kami kanina ni Queen.

"Sige na Jaydee, ayain mo na si Queen dun, mauna na kami. Para mabihisan na din si Baby Shee mo at ready na pagdating niyo" Sabi ni Kuya sakin at tumungo na nga sila sa labas.

Naglakad na ako pabalik kay Queen. Hindi naman maitatago kung gaano ko kamahal ang taong to. Si Queen lang ang nagpatibok ng puso ko. Ang taong kayang pabilisin ang takbo at the same time patigilin ito sa simpleng ngiti niya lang. Napangiti ako nung nakita ko si Queen na nakahiga sa duyan at nakapikit. Lumuhod ako sa tabi ng duyan at hinalikan ang kanyang labi. Hindi ako nakapagpigil, mabilis lang din naman.

Nagmulat si Queen at ngumit nung nakita niya ako. Humawak siya batok ko at hinila ito. Sobrang lapit na ng mukha namin, nanlaki ang mata ko at nakita kong ngumiti si Queen ng nakakaloko. Tapos siya naman ang humalik sakin, masuyo. Napangiti ako at tumugon na sa halik niya. Bago pa lumalim at hindi ako makapagpigil ay marahan kong tinulak si Queen para matapos na. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Queen. Natawa na lang ako sa kanya, tumayo ako at inilahad ang aking kamay.Kinuha niya ito at hinila ko siya patayo.

"Baka hindi ako makapagpigil babe, nasa loob lang sila Mama tsaka may pupuntahan tayo. May papakilala ako sayo" nakangiting sabi ko sakanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad palabas ng bahay

"Who?" - Queen

"You'll see"

Pinagbuksan ko si Queen ng pinto ng sasakyan at inalalayan siya papasok. Tumakbo naman ako at pumasok na din sa driver's seat. Pagkaupo ko tumingin muna ako kay Queen at nginitian ito.

"I love you"

Ngumiti si Queen "I love you too"

"That's all I need to hear babe, tara na." sabi ko at pinaandar ang sasakyan.

15 minutes lang ang layo. At nakarating na kami.

"Wow! Sa inyo to Jades?" tanong ni Queen habang nakatingin sa may bintana at tinatanaw ang kapaligiran.

"Yup!" masiglang sagot ko.

Nakita kong nakapark yung sasakyan nila Kuya kaya dun sa tabi nila ako nagpark.

"Are you ready?" - ako

"Hmmm, tell me first kung sino ang ipapakilala mo" - Queen

"I want you to see her first Queen" - ako

"HER?! BABAE?!" Sigaw ni Queen

"Queen, relax, you don't have to shout. And yes, she's a girl and she's"

"RELAX?! YOU'RE TELLING ME TO RELAX? MAY IPAPAKILALA KA SAKIN PERO AYAW MO SABIHIN KUNG SINO?!"

"Queen, let me finish first, relax okay? Sayo lang ako, hindi mo pa nga siya nakikita nagseselos kana, kaya mahal na mahal kita eh, kinikilig ako pag nagiging possive ka sakin" nakangiting sabi ko kay Queen. Hindi ko na din inantay ang sagot niya at lumabas na ako, pinagbuksan ko siya ng pinto, at hinila palabas.

Hila-hila ko pa din si Queen habang naglalakad kami papunta kela Kuya, nakasalubong naman namin sila Kuya, nakangiti ang mga ito.

"Ready na anak mo" sabi nila sakin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hinila ko si Queen para pumunta na kami kung nasan si Baby Shee pero napansin kong hindi ito tuminag sa pagkakatayo. Nakatingin sakin na parang nagtatanong. Tapos umiling at hinablot ang kamay nitong hawak hawak ko.

So Inlove (FranDeesal Story)Where stories live. Discover now