i. soulbound

112 11 6
                                    

CHAPTER ONE
Soulbound

I SPRAYED mists of water on the bunch of lilies displayed in front of the shop as well as some hanging plants on gold painted pots. Pagkatapos ay dumiretso ako sa receiving counter. Wala akong ginawa ngayong araw kundi ang magbukal ng lupa bilang paghanda sa pagtanim ko ng hibiscus plant. Galing pa ito sa mainland kung kaya't maingat kong tinanim sa maaaraw na parte sa garden.

I can't wait for it to grow into a big shrub and produce yellow gumamelas. The whole shop will be smelling good if it's not already, and I could make tea from it.

Tumunog ang maliit na bell sa pinto. May pumasok na lalaki, who looked like he was still in high school, and I greeted him with a sweet smile.

"Hello, what can I get for you?"

"Uh, ate..."

Namula siya at nagkamot sa batok. Nahagip ng tingin ko ang mga kasamahan niya sa labas, kapwang mga nakasuot pa ng uniporme at pinapanood ang kaibigan habang humahagikhik.

"May binibenta ho ba kayong rosas dito?"

Tumango ako at naglahad ng kamay sa kaliwang banda niya sabay turo sa isang maliit na display. I prepared those roses a few nights ago as a preparation for Valentine's day. Nakabalot na ang mga 'to at pwede nang bilhin. A person can never go wrong with roses for an annual day like this.

Naglakad siya do'n at namili ng dalawang kulay pula at tatlong kulay pink na rosas. Tinanguan siya ng mga kaibigan sa labas sa kaniyang pinili.

"Ayan lang ba? Baka interesado ka sa sunflowers," sabi ko sabay ngiti sa kaniya habang kumukuha ng panukli sa binigay niyang bayad.

"A-Ayos na po ito, ate." Napakamot muli siya sa batok. Tumango ako at binigay na ang sukli sa kaniya. Nakatayo lang siya do'n at mukhang ayaw pang lumabas.

I crossed my arms on my chest and leaned forward on the counter, may multo na ngiti sa labi ko habang hinihintay siyang magsalita dahil parang may gusto siyang sabihin. Hindi niya lang ma-diretso.

"Pinapatanong—" napiyok siya sa kaba at bahagya akong napatawa. I nodded at him to continue when he flushed from embarrassment. "Pinapatanong po sana ni Ate Claire kung may d-date po kayo mamaya."

A chuckle escaped my lungs and I had to bite my lower lip. "Kapatid ka ba ni Claire?" Tumango siya. "Nako, sabihin mo sa kaniya na abala ako ngayong araw."

"Iwan ko nalang po 'to, ate." May inilabas siyang chocolate at pinasalamatan ko siya pagkatapos ay lumabas na habang kinakantyawan ng mga kaibigan papaalis.

I dropped my smile and sighed.

A small 'Happy Valentine's Day!' greeting was scribbled on a sticky-note filled with heart drawings. Napailing-iling ako at kinuha ang isang basket puno ng regalo na ibinigay sa'kin ngayong araw at nilagay do'n ang tsokolate.

I dated Claire for a few months. Claire was a nice girl. She talked a lot, yet was a bit shy. She was still discovering herself so our budding romance was cut short. Ayos na rin 'yon gayong sa simula pa lang ay alam kong hindi kami tatagal. I think the rest of the gifts in this basket came from past suitors and ex-flings today. Hindi ko na matandaan kung sinu-sino sila.

Kung one-night stand, one-night stand lang. Hanggang do'n lang. Pero may iba talagang makukulit at kailangan kong iwasan.

When was the last time I got laid? Months ago? A lot of people haven't piqued my interest for months and loneliness is weighing heavy on me again.

My phone rained with notifications when I opened my Wi-Fi. Messages came from our group chat on Instagram. I leaned my hip on the counter, one hand running through my scalp.

Cats and HickeysWhere stories live. Discover now