Chapter 2

24.8K 584 132
                                    

Agad siyang napahiwalay at tumayo. Pinagpagan niya ang sarili tsaka ganoon din si Heilan. Pansin niyang namumula ang pisngi nito. Tsk. Innocent virgin.

"I-it wasn't my fault, ha?! Baka ipagkalat mong sinadya ko 'yun!" She panicked.

Paano na lang kung makakarating kay Heazen? Tapos na niyang nilinis ang pangalan niya sa ibang Benjamin na inakit niya. She's the villain seductress of the Benjamin, but she's only the Benjamin' seductress that no Benjamin had been seduced.

"Why are you panicking? We're both adult and single and it had no malice, unless if its big deal to you---"

"Hindi no! Kay Heazen lang ako kakalampag." Irap niya at saka nagmartsa papunta sa paper bag.

"Gotta go, Innocent Virgin. See you never---unless if ikakasal na kami ni Heazen. Bye!" Paalam niya at umalis sa office nito.

Nang maisara ang pinto ay napabuga siya ng hangin. Pilit niyang kinakalma si Clittycat at ang puso niya.

Hindi talaga pwede. You cannot fucking beat so fast on wrong Benjamin. Masasaktan ka lang, Ckim. Quota ka na diyan.


Ngumunguya siya ng pop corn habang naghahanap ng mauupuan sa mga bleacher. She's here to watch a race, especially Heazen's race.

Napatingin siya sa isang bahagi ng bleachers. Agad siyang umiwas ng tingin ng makita si Chen, Cleo at Kenzie. Naghanap siya ng upuan na malayo sa dalawa pero nakita niya rin si Clea at Chloe, Ciana sa may kalayuan. Sa bandang likod rin naroon din ang asawa ng dalawang triplets ng Uno hanggang Sais.

Fuck!

Kahit hindi naman naakit ang mga asawa ng mga ito sa kanya ay para pa rin siyang nakagawa ng krimen sa mga ito. She's the antagonist on their story. Aba pasalamat lang talaga sila na antagonist siya para naman protagonist ang mga 'to.

Pumwesto na lamang siya sa may unahan kahit mainit. Hindi pa naman siya nagdala ng payong.

"Ckim, over here!" She heard Ciana shouted.

Nanglumingon siya at nakita niya na nagkakasama na ang mga ito! Magkakatabi na ang mga ito at nasa shaded part ang mga 'to. At may isang bakanteng upuan na lang ang naiwan.

Damn this, women. Pinagkakaisahan ata siya.

Peke siyang ngumiti at kumaway.

"No, thanks. Gusto kong mag-sunbathing, eh." Sabi niya sabay ngiti ng peke at humarap sa race field.

Narinig niya ang tawa ng mga ito. Napairap siya. Damn it, mukhang gumaganti ang mga bruha sa kanya.

The race had started. Si Heazen ay isa sa kasali. Marami ring gustong kalabanin si Heazen because he had been undefeated for years.

Patagal ng patagal, painit ng painit ang araw. Parang laser na tumutusok sa kanyang katawan but she keeps pretending that she loves the sun. Kahit naman ay sumukong kontrabida na siya ay hindi niya pa rin ipapahalata na talunan siya 'no! Kaya kailangan talaga niyang maging Benjamin para hindi talaga siya magmukhang kawawa, best revenge niya 'yon tapos aatend siya ng reunion na siya ang may pinakamagandang damit.

"Go, Heazen!" She cheered along with the crowd.

Pumalakpak siya pero napatigil ng hindi na maramdaman ang init sa balat. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang isang estrangera.

"Pinapabigay nila," sabi ng babae sabay turo sa kababaihan na iniiwasan niya.

Lumingon siya sa direksyon ng mga asawa ng Benjamin na nakangiting kumaway sa kanya, umirap siya at saka tinanggap ang payong.

Innocent's Seductress (4th Gen #17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon