Maternal Grandparents

927 57 7
                                    

" Gwen, Maghanda ka na at malapit na raw dito ang Lolo at Lola mo" Paalala ni Nanay Soleng sa akin habang inaayos nito ang shoe cabinet ko.

" Really? Darating sila ngayon? Akala ko ba nasa Africa sila?" Tanong ko dito habang nagbabasa ng libro na Reason to stay Alive ni Matt hag.

" Aywan ko din ba at kung bakit bigla silang bumalik dito? Hindi naman biglaang umuuwi yung mga iyon dito. Ayon tuloy aligaga sa mansyon. Pinapalinis agad ng Mama mo yung pool, fountain, ballroom yung garden basta halos buong mansyon pinapalinis sa loob nang tatlong oras." Reklamo ni Nanay Soleng sa akin.

" Hindi ka na nasanay Nanay Soleng. Kilala mo naman yung dalawang matanda na iyon. Isang pagkakamali lang ang makita buong pagkatao mo na agad ang huhusgahan" Bago't na saad ko sabay sarado ng libro.

" Ayy.... Naku, Gwen hindi maganda ang tono mo. Lolo at Lola mo ang mga iyon" Suway sa akin ni Nanay Soleng na syang ikinatawa ko nalang.

" Hindi ko ramdam" Tanging sagot ko nalang bago tumayo at naglakad patungo sa bookshelves ko at ibinalik ang libro sa lalagyanan nito.

Ang darating sa mansyon ngayon ay ang mga Maternal Grandparents ko. I really don't like them. I mean wala naman kaming kinalaman sa isat-isa. They are not my relatives by blood. And in my past life hindi maganda ang huli naming pagkikita because I cursed the both of them in their most important company event. I still remember that day, The flashing of the cameras yung mga sigawan nila na huminto ako. At yung pag-iyak ni Mary Santos sa sahig. That was all fantastic. It's such a waste na ako lang makakaalala non ngayon.

That is the day when I broadcast myself a villain in the whole wide world.

That was a really great experience and memory.

" Oh, Bakit ka nakangiti dyan? May naalala ka ba?" Tanong ni Nanay Soleng na tuluyang nagpatawa sa akin.

" May naalala lang akong good memories. It makes me tickle" Naiiling na sagot ko sabay harap kay Nanay Soleng.

"Nako, Ikaw na bata ka. Tama na yan at magpalit ka na ng damit mo formal family dinner ang iyon. Kilala mo naman ang Lola at Lolo mo gusto laging nakapustura kahit sa pagkain" Naiiling na saad ni Nanay Soleng na nagpangiti sa akin.

" Well, What can I say this family want to suffocate each other" Nakangiting tugon ko dito bago lumapit kay Nanay Soleng at hinawakan ito sa balikat sabay patalikod dito.

" Alam mo Nanay Soleng ako na bahala dito at bumaba ka na baka hinahanap ka na ng ibang kasambahay at trabahador sa Mansyon" Malambing na saad ko dito habang inaakay ito palabas ng kwarto ko.

" Ayos lang naman sila doon " Mabilis na saad ni Nanay Soleng na syang ikinailing ko nalang.

" Hindi ka sure Nanay Soleng. Puntahan mo na sila at kailangan ka nila" Nakangiting tugon ko dito at pagkalabas ni Nanay Soleng ay mabilis kong isinarado ang pintuan ng kwarto ko.

Totoo iyon na kailangan sya ng mga katulong at trabahador sa mansyon dahil sa dami na pinapagawa ay nataranta ang mga kasambahay at mya trabahador kung kaya't naging magulo at palpak ang dinner na ito. Alam ko si Nanay Soleng lang makakaayos ng mga yon. She is born as a natural leader.

"Mukhang matutuloy ang Dinner " Ngising saad ko sabay gulo sa buhok ko bago pumunta sa kama ko at kuhain ang damit na inihanda sa akin ni Nanay Soleng. Maski yung mga underwear ko nakahanda na. Ito rin ang mga damit na inihanda nya sa akin sa nakaraang buhay ko. Pero nasayang lang dahil hindi natuloy ang dinner dahil kinancel iyon ng mga magagaling kong Grandparents dahil lang sa may nabasag na vase sa harapan ng pintuan at hindi agad pumunta ang mga kasambahay at mga trabahador sa harapan nila para yumuko.

" What a hypocrite " Bulong ko sabay sa paghubad ng black lingerie dress na suot-suot ko.

Mabilis na sinuot ko ang mga damit na nakalatag sa higaan ko. Pagkatapos kong magsuot ng damit at naglakad ako patungo sa vanity dresser ko at umupo. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakakita but my skin is much paler than before at pumapayat na din ako. Pero mukhang hindi iyon nakikita at napapansin ng mga taong nakapaligid sa akin. Which is impossible. Mahilig mamuna ang mga tao.

I touch my cheeks as I slide my hand down to my neck.

" I look like a dying person" I mumble as I look at the lipstick and put it in my pale lips.

" It's look better now" Tanging saad ko nalang habang nakatingin sa salamin.

" It's time to prepare " I mumble as I put make up on my entire face. And when I satisfy in my looks I put down the brushes and touch my hair.

" Should I put it up? Or down? " Tanong ko sa sarili ko habang tinataas baba ang buhok ko. Gusto ko sanag gawing wavy ang buhok ko pero in any minutes they are here at ayaw nilang may late sa harapan ng lamesa.

" Down" I said as I shrugged my shoulder and get a clip from my jewelry box.

" A little bit design is better" Tanging saad ko habang nilalagay ang ruby clip sa gilid ng buhok ko.

" Finish" Nakangiting turan ko at mabilis na tumayo at sinuot ang sandals na nasa tabi ng Vanity dresser ko.

" All set" Nakangiting turan ko bago naglakad palabas ng kwarto. Taas-noo akong naglalakad patungo sa Dining area at pagkarating ko doon ay nakita ko agad ang tatlong magaling kong kapatid.

" Wow, Akala ko hindi ka na bababa? After all it's a family dinner" Mapang-asar na saad ni Lenard na syang mahinang ikinatawa ko nalang.

" Same for you, Akala ko hindi ka na pupunta sa family dinner after all ang mga Aso ay dapat nasa likod ng mansyon. I didn't know na pwede na palang kumain sa lamesa" I mockingly said.

Lenard glared at me as he clench his jaw. I mocking smirk at him and show my middle finger to him.

Asar talo

" Stop it the both you, They are here we need to be ready. Specially you Gwen" Madiing saad ni Louie sa pangalan ko na syang ikinairap ko.

" Oh, Come on Louie. You should know that I'm born ready"

Author's note:

Thank you for the overflowing support!

Next update: Tuesday

REBIRTH OF GWEN ZAMORAWhere stories live. Discover now