Illusion or death

729 54 3
                                    

" Here Ms. Magbayao"

" Hayst, Alam ko bukas to kanina eh. Sure ba kayong tama yung pagkakabukas nyo?"

" Anong tingin mo sa Amin Ms. Bayao? Hindi alam kung paano magbukas ng pinto? Need na talaga namin magpalit ng damit first subject namin P.E"

" Oo na, Oo na, Bubuksan ko na. Iingay nyo"

" Oh! Nakabukas pala yung pintua- Gwen!?" Napatingin ako sa nagbukas ng pintuan. Tiningnan ko lang ito bago bumalik sa pag-aayos sa sarili ko. Mabilis din akong natapos at tahimik kong nilisan yung restroom.

What happened to me inside the restroom is like a nightmare. Pakiramdam ko lahat ay totoo. Hanggang ngayon nararamdaman ko ang sakit sa buong katawan ko.

Kanina pagkadating ng mga estudyante nasa sahig pa din ako nakahiga pagkatapos ng ilang segundo biglang nawala yung dugo sa sahig at yung kamay at binti ko hindi na bali. Nakakatayo na ako at hindi na ganoon kasakit ang ulo ko.

Sa huling segundo bago ako makita ng mga estudyante himalang nawala lahat ng dugo at sakit sa katawan ko.

But I don't know why those things happened to me.

Okay, lang naman ako kanina. Ayos lang ako noong huling kita namin Leonardo and then after minutes bigla nalang akong napatigil dahil sa sakit ng ulo ko.

Para akong sinusumpa kanina, No, Scratch that word. Para akong kinukulam. Dahil nangyayari sa akin ang mga pangyayaring hindi mapaliwanag.

Dati hindi ako naniniwala sa kulam o sumpa pero pagkatapos ng nangyari sa akin. Namatay at biglang bumalik sa nakaraan. Naniniwala na akong lahat posibleng mangyari sa mundong  ito.

Gusot-gusot na ang uniform ko ngayon dahil sa paghawak at marahas na pagpunas ko dito kanina. Napahiga pa ako sa sahig ng restroom.

F*ck!

Nakarating na ako sa harapan ng hagdanan. Mabilis akong kumapit sa handle ng hagdanan bago umakyat pataas. Napatigil ako bigla nang makita ko ang palapulsuan kong hinawakan at hinila ni Andrus kanina.

Pulang-pula iyon at halatang mag-iiwan ito ng marka sa akin ng ilang araw.

" Isa talaga syang piece of sh*t!" Nanggagaliting saad ko bago ako magpatuloy sa paglalakad.

" Gweneth Marie!"

Nyeta! Bakit pa palagi ko syang nakakaharap these days!

" Mala-late ka na bakit ka pa andito?" Nakangiting tanong nito sa akin na nagpabuntong hininga sa akin.

" And I will be really late if you still blocking my way" I bluntly said as I look at his eyes.

" Chill! Masyado ka namang seryoso. Wait, Balita ko binugbog mo si Andrus kanina? Diba mag bestfriend kayo? Bakit mo yon ginawa?" Napairap nalang ako sa tanong nito.

Nilagpasan ko nalang ito at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Pero hindi pa ako nakakalayo ng hilahin ako nito sa kamay na hinila ni Andrus  kanina.

" Awww!!!" Daing ko sabay bawi ng kamay ko dito.

" Anong nangyari sa kamay mo?" Gulat na tanong nito sa akin sabay tingin sa palapulsuan ko.

" Ito lang naman ang ginawa ng magaling na bestfriend ko" I said with a ungenuinely smiled.

" Walanghiya talagang lalaking iyon, Hindi parin nagbabago" Inis na saad nito na syang nagpairap sa akin.

" Yeah, Yeah. Whatever" bagot na saad ko bago tumalikod dito.

" Hey! Are you okay? Ayaw mo bang pumunta sa clinic?"

Napabuntong hininga nalang ako ng sumabay si James sa paglalakad.

Kailan ba ako titigilan nito? Diba dapat si Mary yung ginugulo nito ngayon.

Mas binilisan ko nalang ang paglalakad para hindi ito makasabay pero ang lalaking ito walang kahirap-hirap na nakakasabay sa akin.

" You're aware na mas mahaba ang hita ko sayo diba?" Natatawang saad nito at sa pagkakataong ito tumakbo na ako papalayo sa lalaking marites.

" GWENETH MARIE! HOY! TEKA!" Rinig kong sigaw nito na mas nagpatakbo sa akin ng mabilis.  Sumilip ako sa likod ko at ang Lalaking marites na ito. Hinahabol ako!

" LUBAYAN MO AKO JAMES DAMIEN!"  Sigaw ko dito bago mas pinabilis ang takbo ko.

Tumakbo lang ako nang tumakbo ng mabilis ng biglang may estudyante sa dadaanan ko.

Enzo?

" TABI!" sigaw ko sabay senyas ng kamay ko. Pero ang tanga napatigil lang sa gitna ng hallway. Hindi na agad ako nakatigil dahil sa bilis ng takbo ko mahirap ng pigilan ang paa ko.

" TABI!" Huling sigaw ko bago ko ipinikit ang mata ko para ihanda ang sarili ko sa impact na pagbangga ko sa sahig.

Pero sa laking gulat ko hindi ako sa sahig bumangga kundi kay Enzo. Napayakap ako sa katawan nito at ganoon din ito sa akin.

" Gweneth Marie! Hindi ko alam na runner ka pala. Hiningal a- Teka! Sino yan?" Bigla akong napabalik sa

Napabalik ako sa ulirat ko ng marinig ko ang boses ni James. Mabilis na humiwalay ako kay Enzo.

" Sorry"  Hinging tawad ko dito bago.

" May masakit ba saiyo?" Tanong ko dito pero umiling lang ito sa akin.

" Gweneth Marie, Ano yung nakita ko kanina? Atsyaka sino itong lalaking ito? At wait-wait. Bakit kayo magkayakap?" Sunod-sunod na tanong ni James na syang ikinairap ko nalang.

"It's an accident" Tanging sagot ko dito bago ko sila iwanan.

Sigh, Still Marites as ever.

Nakarating ako sa classroom ko 5 minutes before the class starts. At sa pagpasok ko sa loob bigla na naman nagharian ang bulungan at lahat ng mapanuring tingin ay napunta sa akin.

Agad na napatingin ako kay Mary na umiiyak at si Andrus na nag-aalo sa maarteng babaeng iyon.

" Kahit ba naman dito may drama?" Malakas na saad ko sabay pasok sa loob.

" Oh, Thank God! You're here. Gwen say sorry to Mary. Kahit hindi ka na sa akin mag Sorry at pinapatawad na naman kita. Pero kay Mary mag Sorry ka. You hurt her feelings!" Biglang saad ni James. Napatingin ako sa mukha nito na puno ng  pasa.

Bigla akong napangiti ng makita ko ang mukha nya na bugbog sarado sa akin kanina.

Sana mas nadagdagan ko pa.

" Bakit ka ngumingiti?" Tanong sa akin ni Andrus na nagpatawa sa akin.

" Why not? Is there something wrong?" Nakangiting tanong ko sabay tingin kay Mary.

" I enjoyed the show and I enjoyed seeing your face in that state. The two of you look miserable and it gives me happiness."

REBIRTH OF GWEN ZAMORAWhere stories live. Discover now