Chapter 3

8.2K 234 30
                                    

Alice

“Hoy bar tayo mamaya, opening ng bar ngayon ni Kuya at invited tayo.  Sumama na kayong dalawa para naman maipakilala ko kayo sa kapatid ko.” ani ni Maxine

Sa tinagal tagal naming magkakasama ni isang beses hindi ko pa nakita ang kapatid ni Maxine.

“At sa wakas naman Max ipapakilala mo na rin kami sa kapatid mo jusko daii kailangan pa talagang abutin ng ilang taon bago mo kami ipakilala ha parang hindi  kaibigan eh.” nagtatampong ani naman ni Cassie

“Sorry na ha diba sabi ko naman sainyo ipapakilala ko rin kayo sa tamang panahon kaya wag na kayo magalit pasalamat nga kayo ininvite pa kayo eh. Anyways hoy Alice ano na susunod mong plano kay Miss Rhian ha?” tanong nito sakin

“Katulad parin ng dating gawi, iinisin ko lang saka paglalaruan.” sagot ko dito

Ganto ako sa lahat ng lumalaban sakin. Call me bitch but I don't care isang malaking pagkakamali na ako kinalaban at pinahiya mo.

“Condom and lubricants ano pa susunod mong gagawin Alice? Baka sa susunod niyan magpadala ka na ng stripper ha jusko daii tandaan mo professor yan at anak pa ng may ari ng school ha.” -cassie

“I don't care kahit kaninong anak pa siya and besides I'm a Martinez after all kaya bat ako matatakot? Kaya ko nga bilhin ang buong school nato kung gugustuhin ko kaya wala ako dapat ikatakot.” dirediretso kong sabi sa kanila.

Mas sosyal lang pakinggan ang apelyido nila pero mas mayaman parin ang mga Martinez sa kanila.

“Una na ako, kita na lang tayo mamaya sa bar ng Kuya mo Max just give me the address.” sabi ko sa kanila bago sila iwan.

Gusto ko muna matulog kaya naisipan kong pumunta ng Library dun na lang ako matutulog tutal tahimik naman dun.

Pagdating ko sa library ay natanaw ko naman si Miss Rhian sa may dulo. May naisip naman akong kalokohan kaya imbis na matulog ay pumunta ako sa pwesto nito.

Nang makarating ako sa upuan nito ay naupo ako sa harapan niya hindi ako nito pinansin at patuloy lang sa pagbabasa ng libro. Mas lalo siyang gumanda sa suot nitong salamin dagdag mo pa ang mapupula nitong labi at chubby cheeks nito. Ang sarap pisilin at kagat kagatin ng pisngi nito.

“Stop staring at me Miss Martinez.” nagulat naman ako ng bigla itong nagsalita jusko naman bat kailangan pa manggulat nito.

“Did you like my gift Professor?” may halong landi na tanong ko dito

Tinignan naman ako nito ng masama

“How dare you para padalhan ako ng condoms at lubricant. Hindi ka ba marunong gumalang Martinez baka nakakalimutan mo I am your professor kaya dapat matuto kang irespeto ako naturingan ka pa namang top student pero wala ka namang galang.” nainis naman ako sa sinabi nito kinikwestyon nya na naman pagiging top student ko at hindi ko yun nagugustuhan mas lalo niya lang talagang pinapalala yung galit at inis ko sa kanya.

“FYI Professor Rhian marunong po ako rumespeto lalo na sa mga professor ko at kung pinoproblema mo ang kawalan ko ng respeto sayo sorry pero you deserve that. A person like you does not deserve to be respected.” inis kong sabi dito bakas sa mukha nito ang inis at galit na nararamdam niya malamang ay nagpipigil lang ito na sampalin ako dahil nasa library kami ngayon.

“Just leave now Miss Martinez bago ko pa makalimutan na estudyante kita.”

“Bakit professor sasampalin mo ba ulit ako? O papatalsikin mo na ako sa school na to? But i guess hindi mo kayang gawin yun.”
Subukan niya lang talaga ako sampalin ikakama ko na talaga siya joke hehe

“You don't me Martinez so you better leave now.”

“Mali ka Professor of course I know you, You are Rhianna Cole Ford daughter of the owner of F.U and...” nilapit ko ang mukha sa tenga nito saka bumulong “my soon to be wife.” yun lang ang sinabi ko dito at saka tumayo na at lumabas ng library.

Looks like it's going to be fun ha. Be ready Professor nagsisimula palang ako hindi kita titigilan hanggat hindi ka bumibigay sakin

----------

Kasalukuyan kaming nasa bar ng kapatid ni Maxine ngayon kasi nga invited kami diba duhh syempre libre lahat ng inumin ngayon kase opening daw at dahil kaibigan kami Ni Max anytime pwede kami pumunta dito at maginom ng walang bayad.

“Hey Alice this is my brother Maximo Lee and Kuya this is Cassie Lopez and Alice Martinez.” pagpapakilala samin ni Maxine

Infairnes ha ang gwapo ng kuya niya pero syempre hindi ko sya type kase nga I'm not into guys.

“Hi thank you for coming I hope magenjoy kayo dito.” ani ni Maximo “Btw guys I want you to meet my fiance, Babe come here.” tawag nito sa babaeng nasa likod namin

Pero gayun na lang ang gulat naming magkakaibigan ng makita kung sino ang tinutukoy na fiance ni Kuya Maximo.

“Guys this is Rhian my fiance. Rhian this Maxine my sister, and mga kaibigan nila si Alice and Cassie.” kung alam mo lang Kuya hindi mo na kami kailangan pa ipakilala sa kanya dahil kilala niya na kami

Hindi na mapakali si Maxine sa may gilid siguro ay kinakabahan ito na baka isumbong sya ni Prof Rhian sa Kuya niya.

“No need to introduce them kilala ko na sila, Actually they are my students in F.U.” sagot naman ng professor sa fiance nito

“Oh well that's good so pano ba yan iwan muna kita dito babe don't worry mabait naman yan sila Max. Titingnan ko lang saglit yung ibang bisita ko, I'll be back later bye.” yun lang at iniwan na kami nito

Wala man lang ni isa samin ang nagbalak magsalita. Gustuhin ko man ay hindi ko na sinubukan baka mamaya isumbong pa nito sa Kuya ni Max yung pinaggagawa namin sa school at mapahamak pa kami mahirap na at saka kawawa si Maxine pag nagkataon baka ilipat yan ng school at ihiwalay samin.

“So mabait pala kayo ha.” napalingon naman kaming tatlo ng magsalita si Prof Rhian.

May halong pangaasar ang ngiti nito ngayon ko lang siya nakitang ganyan malayong malayo sa seryusong mukha niya pagnasa school kami.

“Ano kaya magiging reaksyon ni Maximo kapag nalaman niya ang pinaggagawa niyo sa school? Should I tell him Max?” tanong nito kay Max na ngayon ay nanginginig na ata sa takot

“Wag po Miss Rhian pangako po gagawin namin lahat ng gusto at ipagutos mo wag niyo lang po kami isumbong sa kapatid ko.” pagmamakaawa ni Maxine kay prof Rhian

Mygoddd wala sa ugali namin ang magmaka awa pero wala kaming choice kundi gawin to. Tanggal talaga angas namin dito hayst

“Okay that's a deal, gagawin niyo lahat ng ipaguutos ko kapalit nito.” umiwas naman ako ng tingin dito ng lingunin niya ako “And also Miss Martinez be ready for my punishment.”

A/N: curious ako sa punishment ni Prof Rhian pero mas curious ako sa next chapter. Ready niyo na mga utak niyo sa next chapter bukas.

Own Me Professor Where stories live. Discover now