Chapter 10

6.2K 181 63
                                    

Alice

On the way na kami ngayon papuntang tagaytay. Miss Rhian said na may pupuntahan daw kami dito at for sure daw ay magugustuhan ko. I didn't bother to ask kung bakit sa dinami dami ng lugar ay sa tagaytay pa 'coz I know na hindi rin naman nito ako sasagutin.

Pagka-alis namin ng school ay dumiretso kami sa grocery para mamili ng mga kakailanganin namin. Sabi ni Miss Rhian 3 days daw kami dun at excuse na raw ako sa mga klase ko. Hindi naman halatang pinaghandaan niya ito ha. Tinawagan ko narin na sina Maxine at Mommy para naman hindi na sila mag-alala sakin baka mamaya ipa Missing pa nila ako.

Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin kaya malalim na ang gabi bago kami makarating ng tagaytay.

Nagtaka pa nga ako ng iparada ni Miss Rhian ang sasakyan sa harap ng di gaanong  kalakihang bahay.

“Wear your jacket Martinez baka lamigin ka.”

“Edi painitin mo ako.” agad ko namang tinakpan ang mukha ko dahil aakto na naman itong sasampalin ako dahil sa naging sagot ko dito. Ito talagang bibig ko pahamak talaga kahit kailan.

Sinuot ko muna ang jacket na dala ko bago bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay napunta ang tingin ko sa bahay na nasa harapan namin ngayon. Simpleng bahay lang ito at hindi gaanong kalakihan bukod dito ay tahimik rin dahil malayo ito sa ibang bahay. Sa bandang gilid ng bahay ay ang mga pananim na bulaklak na nakalagay sa mga paso. Karamihan dito ay mga tuyo na dahil siguro hindi ito nadidiligan parang si Miss charot.

“Miss Rhian kayo po ba ang may ari nitong bahay na 'to?” tanong ko sa professor na ngayon ay abala sa pagbababa ng mga gamit na pinamili namin.

“Yes, and pwede mamaya ka na magtanong Martinez, help me carry this things inside.” sumunod naman ako sa utos nito ng walang reklamo dahil baka mamaya pauwiin pa ako nito mag-isa.

Dala dala ko ang mga gamit na pinamili namin hanggang sa harap ng pintuan at habang hinihintay si Miss Rhian na buksan ito.

Nang mabuksan nito ang pintuan ay agad kaming pumasok.

Namangha ako sa nakita ko sa loob. Kung ano ang kinasimple ng labas ng bahay ay ganun naman ang kinabonga sa loob nito.

Malinis ang loob nito at maraming mga paintings na nakasabit sa dingding, meron ring ibat ibang uri ng crafts, artworks at ibang palamuti ang mga nakasabit at nakadikit dito. Halatang malinis at marunong mag-ayos ang tumutuloy dito.

Sa gitna nito ay ang isang maliit na lamesa at sofa. Sa bandang kanan naman ay ang isang kulay brown na drawer habang nasa ibabaw naman nito ang nasa 32 inches sigurong flat screen tv. Katabi ng drawer ay ang isang maliit na-

“Martinez” sigaw bi Miss Rhian na ngayon ay nasa kusina na ata. Sige mamaya ko na lang ikwekwento sainyo yung itsura ng loob ng bahay at tinatawag na ako ng pangalawang tigre ko.

“Martinez, I swear kapag hindi ka pa pumunta dito malilintikan ka na sakin.” galit na sigaw nito sakin

“Eto na po Miss Rhian papunta na wag na kayo magalit.” pabalik kong sigaw dito at saka patakbong pumunta sa kusina.

Pagdating ko sa kusina ay may sandok ng lumilipad ang bumungad sakin.
Anak ka ng buti na lang talaga naiwasan ko ito bago pa tumama sa muka ko dahil kung hindi sira ang beauty ko neto.

“And why is there lubricant here Martinez huh?.” galit nitong tanong sakin. Ahhh napagtripan ko lang naman kasi bumili kanina you know incase na kailanganin ko hindi ko naman alam na nakalimutan ko pala yun kunin jusko.

Own Me Professor Where stories live. Discover now