Chapter 18

4.1K 130 16
                                    

Alice

“Babyyyyyy papasukin mo na ako. Sorry na po uwu.” malakas na sigaw ko.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay ni Rhian ko at kinakalampag ang gate niya.

Shuta naman kasi eh diba nga dapat susunduin ko siya pagkatapos ng klase niya ngayon eh ang kaso tinawagan ako ng nagbabantay sa resthouse namin si Eunha daw ayaw kumain kaya naman dali dali akong pumunta papuntang resthouse. Kaya ayun hindi ko na nagawang magsabi sa kaniya na mauuna na ako.

“Ahh Miss tama na po yan, umalis na po kayo.” sabi ng manong guard

“Manong shoo wag kayong mag-alala kilala ko may-ari ng bahay na 'to.” pagtaboy ko sa kanila.

“Miss umalis na po kayo, pag hindi pa kayo tumigil diyan tatawag na po ako ng pulis.”

“Edi tumawag ka sinong tinatakot mo.”

Wala na akong pake kung tumawag pa sila ng pulis basta ako dito lang ako hanggat hindi lumalabas ang baby ko.

“Miss Rhian, papasukin niyo na po ako o kaya lumabas ka na lang sige na.” sigaw ko pero wala parin talagang Rhian na lumalabas.

Hinahatak na ako ng guard papalayo sa bahay nila Miss Rhian. Ang gago netong guard na 'to sarap suntukin.

“Ano ba manong bitawan mo nga ako.” inis kong sabi dito saka kumawala sa hawak nito.

“Miss makakaalis na po kayo. Wag na po kayong magwala dito.” tsk wala your face manong

“Hindi nga ako aalis dito hanggat hindi ko nakikita si Miss Rhian. Ano ba kayo sabi ko na nga sainyo na kilala ako ng may-ari niyan bat ba ang kulit kulit niyo.” sigaw ko sa kaniya. Tangina naman kasi pag ako talaga napikon sa kaniya ewan ko lang kung hindi siya bumalagta ngayon mismo dyan sa kinatatayuan niya. Epal kasi eh

“Ah miss pero-”

“What's happening here?” tanong ng babaeng kanina ko pa hinihintay.

Sa waka lumabas rin. Agad akong lumapit dito ay yumakap sa braso niya. “Eh kase yan si Manong baby oh kanina pa ako pinapaalis.” sumbong ko.

“Ahh Ma'am kanina pa po kasi siya nagwawala dito.” luhh hindi kaya ako nagwawala si Manong fake news eh.

“Sorry about that. Makakaalis na kayo ako na ang bahala sa kaniya.”

Tumango lang si Manong guard bago umalis. Ay bastos hindi man lang nagsorry sa ginawang paghatak sakin eh.

“What are you doing here Martinez?” she asked using her cold tone.

“Pupuntahan ka syempre at saka don't call me Martinez.” kahit saang lupalop ako mapadpad Martinez sila ng Martinez saeap nila pagtitirisin.

“And why huh?”

“Nothing, basta wag yan iba na lang itawag mo sakin.”

“What are you doing here, Stupid?” hindi makapaniwalang tinignan ko ito. Ano daw stupid?

“Baby naman wala ka na bang ibang pwede itawag sakin? Ang sama mo sakin ha sige ka iisipin ko na hindi mo na ako mahal.” pagiinarte ko sa kaniya pero inirapan lang ako nito at dumiretso sa loob ng bahay.

Alice the great manunuyo for today's bidyow.

“Baby sorry na po ha. Sige na baby babawi na lang ako. Gagawin ko kahit na anong gusto mo. Sige na baby pansinin mo na ako please.” pagmamakaawa ko pero dire diretso lang ito papuntang kwarto niya.

Own Me Professor Where stories live. Discover now