Chapter 7

4.7K 83 1
                                    

Kareen's Point of View

NANGINGINIG ang buong katawan ko habang tuloy-tuloy ang pag tulo ng mga dugo na nag mumula sa ulo ko. Tumama sa isang matigas na bagay ito sa lakas ng impact ng pagkakatulak ni Marco sa akin. Ni wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko gayun ang sa tingin ko ay pagkawala ng boses ko.





Iisa lang ang nasa isip ko ngayon.




Si Khalil. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya, it's been days. Ilang araw mula ng makaalis ako sa Hospital, iniuwi ako ni Marco at simula noon ay paulit-ulit na naman niya akong sinasaktan. Ang cellphone ko, isa iyon sa mga kinuha niya mula ng makauwi kami.






"Huwag na huwag mo akong subukang labanan, Kareen. Dahil hinding-hindi lang yan ang mararanasan mo!"




Sapilitang iniharap niya ang mukha ko sa kaniya, isang makademonyong ngisi ang sumilay sa mukha niya. "Anong akala mo sa akin? Tanga? Akala mo ba hindi ko alam kung anong mayroon sa inyo ni Mr. Cooper?" nanlaki ang mga mata ko, "W-Wala. . . W-Wala . . ." at doon ay tumulo ng isa-isa ang mga luha ko.





Mas hinigpitan niya ang hawak sa mukha ko dahil para pigilin ko ang kamay nito, ngunit hinawi niya lamang iyon.




"Ano sa tingin mo ang gagawin ko kay Mr. Cooper? Hmm? Ano ulit ang ginawa ko sa boyfriend mo noon?" humalakhak siya, "H-Huwag . . . Huwag na huwag mo siyang hahawakan," ani ko, halos pabulong na lamang ang mga iyon dahil wala na akong lakas para humiyaw pa.





"At sino ka para diktahan ako?!" pabalibag na binitawan niya ako, ". . . Talagang magaling kang pumili, si Mr. Cooper pa talaga?"





Hindi ako nakasagot, pinagpatuloy ko lamang ang tahimik na pag darasal na sana ay ligtas si Abacceus. Dahil kung may mangyayaring masama sa kaniya ay hinding-hindi ko kakayanin.






Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pag bubukas ng butones ng longsleeve polo ni Marco, "A-Anong gagawin mo?" nanginginig ang boses na ani ko, pinilit kong gumapang palayo sa kaniya ngunit wala along nagawa.





"Parurusahan kita sa paraan na sa tingin ko hinding-hindi mo makalilimutan sa talang buhay mo . . ."






Abacceus's Point of View


HINDI AKO MAPAKALI habang nasa loob ng opisina ni Agustuss sa City Hall, i've been contacting Lareen this past few days but i haven't gotten any replies from her. Her last reply was 'I love you' and that's the most precious thing i've ever received from her.






Sa sobrang tuwa ko ay pinaprint ko pa at pina-frame sa kwarto ko.





"Kanina ka pa ikot ng ikot, Abacceus. Ano ba? May tae ka ba sa pwet?" sinamaan ko ng tingin si Agustuss na nakaupo sa swivel chair niya at naka sandal, may hawak siyang ballpen at ng longsleeve polo at bahagyang bukas.




"Wala! Iniisip ko lang si Kareen, ilang araw na kasi siyang hindi nag me-message sa akin, eh usually kahit isang beses isang araw sinisigurado niya na may messages akong matatanggap . . ." ani ko atsaka ako umupo sa sofa.






"Baka naman busy lang?" umiling ako, "She always make time for me . . ." may halong pag tatampo ang boses ko, "Or, baka naman nag sawa na sayo? Kamusta ba iyang sawa mo?" binalibag ko siya ng isang kaha ng sigarilyo, "Shut up, Agustuss. Okay na okay ang sawa ko, for your information. . . Gumagana siya,"





Tinawanan niya ako, "Huwag mo na masyadong isipin. Maybe she's just really busy, she'll message you. Mag hintay ka lang," tumango-tango ako, "Sana nga . . ."





Ilang sandali lang ay napuno ng katahimikan ang buong opisina nang biglaang bumukas ang pintuan at pumasok si Khalil.




Napatayo ako, he looks something.




"You dickhead! Marco is hunting you, alam na niya ang sa inyo ni Kareen!"




And with that, i feel like my whole world has collapsed. . .






Kareen, siya lang ang pumasok sa isip ko.





"S-Si Kareen?" nagkakanda utal-utal na ako, "She's nowhere to be found! Man, i send some men to check their house and they're not there! Including Marco!" naiyukom ko ang kamao ko, ang pinakamamahal ko . . .






Akmamg mag sasalita ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, it's Kareen!





Kaagad ko iyong sinagot, "Love-" hindi ako natapos ng biglang walang Kareen na sumagot sa akin, "Kamusta, Mr. Cooper?" it's Marco. "A-Anong . . . Bakit na sayo ang cellphone ni Kareen?"






"Bakit? Bawal ko bang hawakan ang cellphone ng asawa ko?"





"Nasaan si Kareen?" mahinahong tanong ko, nilingon ko si Agustuss st Khalil na kasalukuyang may kausap na rin sa cellphone, "Ha . . . Nasaan pa ba? Edi nandito, katabi ko," aniya, ". . . Makinig ka sakin, Abacceus Cooper, mas mabuting mag tago-tago ka na dahil kung kaya kong saktan si Kareen ay kayang kaya ko rin iyong gawin sayo ng mas malala,"







"Sa tingin mo ba natatakot ako sayo?" mahinang tumawa ako, ". . . Sa lagay mong iyan, nananakit ka ng babae, hindi nakakalalake yan. Pinatutunayan mo lang sa lahat na mahina ka," ani ko, "AH!" nawala ang mapang asar kong ngisi ng marinig ko ang hiyaw na iyon ni Kareen.







"Ang dami-dami mong dada!"






"A-Abacceus . . ." iyon ang huli kong narinig bago mawala ang linya, inis na ibinalibag ko ang telepono ko atsaka ako nagtatakbo pa labas ng City Hall.







"'Ceuss! Hintayin mo kami, sandali lang!"





HABANG nakasakay ako sa kotse ay lumilipad ang isip ko, Agustuss and Sebastian are trying to track them while Khalil is talking to a back up. Well, her wife, Astrid is a police woman after all. Meanwhile there's Klyde who needs to update on her Doctora.






Hindi ko lubos maisip ang sitwasyon ni Kareen, pakiramdam ko bibigay ako kapag nakita ko siya. Ang sitwasyon niya.







"Pare, alam na namin kung saan. Khalil, you can tell them where already. I'll drive," and with that i moved to the shot gun seat, "Pwede bang bilisan mo?" tumango si Agustuss at sinunod naman ang gusto ko, sa gilid ng kotse ko ay nakakita ko ang isang baril.






It's from Mama.





Kung hindi ako nagkakamali, ito ang regalo niya noong last birthday ko.






"Anong gagawin ko dito, Ma? Hindi ko naman po magagamit 'to. Dapat hindi na kayo nag bigay nang regalo, ayos lang naman eh . . ." ani ko atsaka ko pinagmamasdan ang baril na binigay niya sa akin.






Maganda iyon at masasabi kong magandang koleksyon.






"Itabi mo ito, anak. Malakas ang kutob ko ay may dadating na araw na kakailanganin mong gamitin ang bagay na ito. . ."






Mama, tama nga ang kutob mo. At ngayon, dumating na nga yata ang araw na tinutukoy mo. . .








S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Abacceus Cooper [COMPLETED]Where stories live. Discover now