Chapter 14

4.7K 87 3
                                    

A/N: Hi last chapter! Epilogue next! Thank you for reading!🥰




"ABACCEUS COOPER'S WIFE," Kareen smiled after saying that to rhe company employee, it was her first time going to her husbands office because she has something to tell him. And it is very important, sa tingin niya ay hindi na niya kayang ipagpabukas pa iyon.


"Oh, sorry po Ma'am. Hindi ko po kayo namukhaan, ngayon lang po kasi kayo nag punta dito. Sige po, pasok na po kayo. Nasa pinakahuling floor po ang opisina ni Mr. Cooper," tumango si Kareen at ngumiti, "Salamat po," sambit niya bago siya dahan-dahan na nag lakad patungo sa Elevator.


Sumakay siya atsaka niya pinindot ang pinakamataas na floor, "I'm so excited . . ." bulong niya, wala siyang kasama sa Elevator dahil private elevator ng asawa niya ang sinakyan niya, marahan niyang hinaplos ang tiyan. "Finally, after years of waiting. . . May kapatid na ang baby girl ko,"

Two years ago, Kareen and Abacceus got married. But then, due to sudden flashbacks Kareen and Abacceus decides to slow down when it comes to sexual intercourse and having their second baby.




Nang bumukas ang elevator ay agad siyang nag lakad patungo sa opisina ng asawa at agad-agad na pumasok doon, naabutan niya ang asawa na nakadukdok sa lamesa at mahinang naghihilik. Gabundok ang mga papeles na nakapatong sa lamesa nito. "Kawawa naman ang mister ko . . ."



Binaba ni Kareen ang bag niya sa lamesa atsaka niligpit ang mga nagkakahulog na papeles, nang matapos niyang iligpit ang mgs iyon ay ginising niya sandali ang mister niya dahil inihanda niya na ang secret room sa opisina nito para makapag pahinga ito kahit papaano.




"Daddy?" ani ni Kareen at tinapik ang braso ng asawa, agad naman mapabalikwas si Abacceus at hinarap ang asawa. "M-Mommy? Sorry, hindi—" hindi na pinatapos ni Kareen ang asawa, "Get up now, doon ka na sa kama mag pahinga. . . I'll wake you up after 30 minutes," ani ni Kareen.





Nang makahiga ay nagpasalamat si Abacceus sa asawa, "Thank you, Mommy . . . Bawi po ako mamaya," ani nito na ikina-ngiti ni Kareen. Tumango ang babae, "Okay, rest well . . ."




SABAY na kumakain ng lunch si Abacceus at Kareen ng biglaang bumukas ang pintuan, pumasok doon si Karylle na buhat buhat ang umiiyak nilang anak na si Amira. Agad na napatayo ang asawa, "What happened?" seryosong tanong ni Abacceus at nilapitan ang anak para siya na mismo ang mag buhat rito.





"Hinahanap ang Mommy at Daddy, Kuya. . . Kagigising lang niya eh, siguro nanaginip kaya ganon," sagot ni Karylle, nag aalalang tinignan ni Kareen ang anak. "Anak, are you okay? Can you tell Mommy why are you crying?"





"I want to be with Mommy and Daddy," umiiyak na anito, "It's okay now, you're with Mommy and Daddy already. Stop crying na, okay? Tahan na, anak," sambit ni Abacceus, pinasadahan ni Kareen ng tingin si Karylle. "Nahirapan ka ba sa kaniya?"







Umiling ang binata, "Hindi naman, ate. Medyo nagulat lang ako kasi ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganiyan, hindi kaya . . . magkaka kapatid na yan?" nagulat si Kareen sa sinabi ng kapatid, "Saan mo naman nakuha yan?" tanong niya.







"Wala, gawa gawa ko lang naman. . . Pero, malay natin diba?"





"Want baby, Mommy! Want! Want!"






Kareen's Point of View



PAREHAS kami ni Amira na nakahiga sa kama sa loob ng secret room sa may opisina ng Daddy, nang sabihin ko sa kaniya kani-kanina lang na magkakaroon na kami ng baby ay hindi na niya ako binitawan mula sa pagkakayakap.






Kinuntsaba ko rin ang anak ko na tulungan muna akong mag tago ng tungkol sa baby dahil gusto kong i-surprise ang Daddy, and luckily she agreed!







"Mommy, is baby a girl or a boy? I have a classmate, and he has a little sister and little brother," aniya, hinaplos ko ang buhok niya ng marahan, "We still don't know, anak. We need to go to the doctor when Mommy reached five months of pregnancy so that we'll know baby's gender," sagot ko.







"I'm so excited, Mommy! Super excited, i have waited for two years and it's finally here!" natawa ako, "Sorry, medyo natagalan yung promise ni Mommy," ani ko, "It's okay, Mommy. It's already here, it's okay . . ."





She's so understanding.






Nang bumukas ang pintuan ay napalingon kami doon, pumasok ang Daddy na bitbit ang mga meryenda na pinabili namin ni Amira. "Thank you, Daddy," ani ko, "Thank you, Daddy!" Amira said.





"You're welcome, you guys eat well, Okay?"






Tumango kami parehas ng anak namin, iniumang ko sa kaniya ang Takoyaki na siya naman agad na kinain, "Is it good?" he nooded, "Yep, also in the right heat. It's good!"






Napangiti ako, "Here, eat more . . ."




"Wife?" tinignan ko siya, "Hmm? Why?" tanong ko, "I love you," aniya, "I love you too, babe," sagot ko, niyakap niya ako biglaan. "Mahal ko kayo ni Amira . . . Sana madagdagan na tayo kahit isa," aniya, napangiti ako, paano ko ba sasabihin sa kaniya na nadagdag na?







"Nag sisisi ka ba na ako pinakasalan mo?" tanong ko, "Hindi," sagot niya kaagad, "Eh, bakit?" tanong ko, "Bakit? Ikaw ba nag sisisi na pinakasalan mo ako?"






Natatawabg umiling ako, "Siyempre, hindi . . ."






Hinaplos niya ang buhok ko, "Mahal na mahal kita," aniya, ove you too, Daddy!" natawa kaming parehas, "Mahal na mahal ko din kayo. . ."







HABANG nasa loob ng shower si Abacceus ay nag pe-prepare kami ni Amira ng surprise para sa kaniya, we bought a cake that has a dedication; Congrats Daddy! You're a dad of two now!







"Daddy, are you done?!" hiyaw ko, "Yeah!" sagot naman nito, bumungisngis na binuhat ko ang cake na sinindihan ko na ang kandila. Si Amira naman ang may hawak ng baloons, nang makapasok kami sa kwarto ay agad kaming nilapitan ni Abacceus.








"Mommy? It's not my birthday. . ."






Ibig-ibig kong matawa, "Silly, of course I know that it's not your birthday. Read it first," pinasadahan niya naman ng tingin ang cake, "Wait. . ."







"Mommy? A-Anong. . ."






"Congrats to us Daddy! Magkakaroon na tayo ng baby bunso!" ani ng anak ko atsaka niyakap ang Daddy niya, "Seryoso? Meron na? Mahal?" naiiyak na tumango ako, "Oh my god . . ."







"Thank you! Fuck, thank you!"








S W E E T D E N



Billionaire Bachelors: Abacceus Cooper [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें