Chapter 8

4.6K 84 0
                                    

Kareen's Point of View


NAMUMUGTO ang mga mata. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, nakaupo ako sa harap ng Vanity Mirror habang sinusuklayan ni Marco ang mahabang buhok ko. Kung titignan ang mukha ko ay tila hindi na ako si Kareen.





Maputlang maputla ang mukha, ang mga labi. Walang buhay ang mga mata at namumugto sa kakaiyak, putok ang gilid ng labi. Puno ng sugat at pasa ang katawan.




Pinandidirihan ko ang sarili ko. Ang dumi-dumi ko, isinusuka ko na ang sarili ko.




Tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata ko.




Sa palagay ko nga ay hindi ko na kayang tanggapin pa ang sarili ko.




Bakit nangyayari sa akin ang ganitong bagay?




Deserve ko ba ito?



Pagod na pagod na pagod na ako.





"Dito ka lang sa kwarto, hi-hintayin natin ang pag dating ng Helicopter at pupunta tayo sa Isla," ngiting ngiti siya, "Maging mabuti ka lang na asawa, Kareen. Hinding-hindi na mauulit ito," aniya at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko.



Si Abacceus.




Ayaw ko na siyang malapit sa akin kailan man.




Isa akong maduming babae, hindi niya deserve ang katulad ko. Ang dumi-dumi ko . . .




Lumabas si Marco ng kwarto at naiwan akong mag isa, umaagos ang mga luha ko galing sa magkabilang mata ngunit wala pa ring emosyon ang mukha ko at ni hindi ako lumilikha ng kahit na anong tunog.





Hanggang sa ilang putok ng baril ang siyang naging dahilan ng panginginig ng katawan ko at sandaling pagkakahiyaw.




Agad akong gumapang papunta sa gawing kama nang may biglaang bumuhat sa akin, "Calm down, Miss Kareen. Hindi naman nakakatakot ang ganitong itsura," it was Sebastian Laurier.





They're here. My Abacceus is here, hindi niya ako pinababayaan.





Napahagulgol na lamang ako at namalayan ko na lamang na nakasakay na ako sa loob ng isang sasakyan. "I-I'm sorry . . . I'm sorry . . ."




"Damn, you look very different the last time we saw you . . . Anong ginawa nang gago na yon sayo, Kareen? Pwede mong sabihin sa akin . . ." hindi ko na nasagot ang tanong niya, nagpatuloy lang ako sa pag iyak.






Nakakaramdam ako ng takot. Sobrang takot. Umabot na ako sa puntong parang ayaw ko nang mag salita.




Gusto ko na lang kalimutan lahat-lahat.






Abacceus's Point of View




ALALANG-ALALA ako habang nakatingin sa natutulog na si Kareen na nakahiga sa Hospital bed. Nag aalala ako ng sobra kahit ka katabi ko na siya, pakiramdam ko may mali pa rin.



"I. . . I don't know what to fucking feel about this, man. She was raped—" agad kong hinarap si Klyde na katabi ang OB-Gyne Doctor na karelasyon niya yata. "Ano kamo?" tanong ko, pakiramdam ko ay nag pintig ang mga tenga ko.





"I have made some test with the other doctors, it was confirmed. She was raped, really. . . really forcefully to the point that she need to have medication" anito, wala sa sariling naglakad ako papalabas ng silid.







Billionaire Bachelors: Abacceus Cooper [COMPLETED]Where stories live. Discover now