78|Love Over A Thousand Quarrels

52 9 3
                                    

TAEHYUNG's POV

Kakarating lang namin ngayon dito sa Trimage at ipinarada ko na ang Ducati at magkasunod kaming bumaba.
Napansin ko naman ang pananamlay nang katawan at mukha niya nang bumaba siya at tinanggal ang helmet niya.

"You okay?"

Tanong ko naman sabay hipo at inangat nang bahagya ang pisnge niya at saka naman siya napayuko.

Daine: Yeah I-I'm okay....

Tila napawi ang boses niya at kasabay noon ang tuluyang pagbigay nang katawan nito mabuti nalang at agad ko naman siyang nasalo.

"Oh damn! Not again!"

Pagmumura ko sabay kuha sa bag niya at isinukbit sa balikat ko at kinarga siya sa bridal style.

Napatingin ako sakanya at pinakiramdaman ang paghinga niya.
Maayos naman ang paghinga niya at baka hindi na talaga nang katawan niya ang pagod kaya bumigay na ito.

Ipinulupot nito ang braso niya sa leeg ko at ibinaon ang mukha sa dibdib ko.
And i felt that weird feeling again.

Naglakad na ako habang buhat siya patungo sa entrance nang building.
I went straight to the elevator and pressed the number of our floor.
I just can't help but to stare at her while she was sound asleep in my arms.
I love her seeing this way.

Could it really be possible?

No.

Inalis ko ang pagtingin sa kanya at tama lang na nakalapag na ang elevator sa floor namin.
Lumabas na ako sa elevator at naglakad patungo sa apartment namin.

Pagdating sa apartment ay agad akong dumeretso sa kwarto at ihiniga siya sa kama nang maayos.

Tinanggal ko ang suot niyang sapatos at pagkatapos ay dumeretso na ako sa walk in closet at itinabi ang gamit niya sa walk in closet nito.

Dumeretso na ako sa sarili kong walk in closet at itinabi ang gamit ko.
Hinubad ko ang damit ko at inalis ang medyas ko.
Kinuha ko ang tuwalya ko at lumabas nang walk in closet at tumango sa banyo at naligo.

Time Skips....

Lumabas ako nang walk in closet at mahimbing parin ang tulog ni Daine sa kama.
Napatingin ako sa wall clock at alas singko na nang hapon.

Should prepare something for her? Napaisip naman ako.
Baka kasi magutom siya kapag nagising mamaya.

Lumapit ako sa kama ay umupo sa paanan niya.
Himbing na himbing siya pagtulog which is making me nervous sometimes kung himihinga pa ba siya.

Joke.

Her hair was covering her face so i did the move to tuck it between her ear.
She is tired and also because of the incident a while ago when she lost her consciousness.
Alam kong pinilit niya lang ang katawan niya kanina para matapos na kaya naman bumigay na ang katawan niya sa sobrang pagod.

Nabaling naman ang tingin ko sa sahig at napako ang tingin ko dito.
Napayuko ako at napagtantong ang engagement ring niya ito.

Baka nahulog kaya naman nasa sahig na.

Simula noong kinuha namin ito ay hindi na ito naalis sa mga kamay niya ayon sa oberbasyon ko.
Ewan ko kung inaalis niya ito pero tuwing mapapatingin ako sa kamay niya suot niya ito.

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya at isinuot ito sa ring finger niya pero parang maluwag ito.
Napaangat naman ako nang kilay dahil maluwang na nga talaga ito sa daliri niya.

Kasya naman ito dati ah....napailing naman ako at inalis nalang sa daliri niya ang singsing saka inilagay sa drawer sa bedside table.
Tumayo ako sa kama at kinuha ang remote nang air-con at binuksan ito saka kinumutan siya nang kalahati at lumabas na nang kuwarto.

Love Over A Thousand QuarrelsWhere stories live. Discover now