91|SECRECY

57 2 0
                                    

Still TAEHYUNG's POV

Nagising ako nang sumasakit ang ulo at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang maliwanag na ilaw sa silid na kinaroroonan ko ang bumungad saakin.

Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko kaya naman napangiwi ako sa sakit.

Inilibot ko ang mata sa loob ng silid at batid kong wala ako sa bahay.
Malawak ang silid at may living room area.
Pamilyar saakin ang silid na ito at sa natatandaan ko ay minsan na akong namalagi dito.

Biglang kumirot ang kanang kamay ko kaya agad akong napatingin dito.
Nakakabit sa palad ko ang karayom ng dextrose kaya ito kumikirot.

Napabuntong hininga ako at napapikit ng saglit.

Nasa hospital ako at isa lang ang dahilan kung bakit ako nandirito ngayon.
Ang huling naalala kong nangyari ay bigla akong nanghina at bumigat ang mga mata ko at doon na nagdilim ang aking paningin at batid kong nawalan ako ng malay pagkatapos nun.

Iisang tao lang din ang pwedeng magdala saakin dito at iyon ay walang iba kundi si-----

Napatingin ako sa direksyon ng pinto nung bigla itong bumukas at saka pumasok si Daine at si Dr.Jang.

Nagtagpo ang mga tingin namin ni Daine at malamlam ang mga mata nito at puno nang pag-aalala.
Kakaiba din ang naramdaman ko habang nakatingin siya saakin at pansin ko din sa mga titig niya ang pagka dismaya at bigla nalang akong nakaramdam ng konsensya dahil doon.

Lumakad sila palapit saakin nang magkasama.

Nakangiti naman saakin si Dr.Jang at ipinaslak sa tenga ang stethoscope na nakasukbit sa leeg niya at pagkatapos ay itinapat ang dulo nito sa dibdib ko.

Daine: How are you feeling?

Usisa ni Daine saakin at bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Ngumiti ako sakanya at tumango para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala niya saakin.

"I'm fine, don't worry about me".

Pagsisiguro ko sakanya at hinawakan ang kamay niya sabay hinimas ang likuran nito.

Tipid naman siyang ngumiti pabalik saakin at tumango.

Pilit ang ngiting iyon at batid kong hindi siya naniniwala saakin.
Hinayaan ko nalang muna iyon at bumaling ng tingin kay Dr.Jang na kakatapos lang usisain ang kalagayan ko.

Dr.Jang: Your heartbeat's normal,how are you feeling?

Tanong nito saakin.

"Still a little bit dizzy".

Pag-amin ko.
Tumango naman si Dr.Jang saakin.

Dr.Jang: Have you drank liquors this past few days?

Muli nitong tanong saakin at umiling naman ako.

Dr.Jang: Okay...i bet you've been stressing yourself out too much already and that caused you to pass out and lost your consciousness.

Pahayag ni Dr.Jang at alam kong hindi naman talaga iyon ang dahilan pero dahil nandito ngayon si Daine ay kailangan niyang maghayag ng maling konklusyon tungkol sa totoong kalagayan ko.

"Yeah... I've been busy lately helping our Teams for the upcoming interschool sport fest and last time with our school fair ".

Sabi ko naman para sabayan si Dr.Jang.

Dr.Jang: I see...i suggest you to take a rest for a day or much better....a vacation break.

Suhestiyon ni Dr.Jang at napaangat naman ako sakanya ng tingin.

Love Over A Thousand QuarrelsWhere stories live. Discover now