83|SCHOOL FAIR-2

42 8 35
                                    

Still DAINE's POV

Nang makarating sa tent ay inabutan kami ni Calvin ng apron at plastic gloves at kanya-kanya na kami ng suot nito.
Bago ko pa maisuot ang gloves ko ay itinali ko muna sa ponytail ang buhok ko at isinuot ang flower crown saka ko naman isinuot ang gloves.

Nakaayos na rin sina Calvin at Jeremiah, napangiti naman ako nang makitang nakasuot na rin si Jeremiah ng flower crown niya.
Tama nga si Calvin nung sinabing magmumukhang cute si Jeremiah sa flower crown.

Jeremiah: Why are you looking at me like that?

Tanong naman ni Jeremiah saakin sabay pamewang nito.
Umiling naman ako at natawa nalang.

"Looks good on you."

Sabi ko naman at napayuko naman siya sa hiya.

Maya-maya pa ay may nagsilapitan na sa tent namin na mga estudyanteng mamimili at inasikaso na namin ang mga ito.

Naging abala kami ng mga sandaling iyon at natutuwa naman ako dahil ang ibang namimili lalo na ang mga babae ay nakikipag-selfie pa saamin lalo na sa dalawang poging kasama ko.
Panay hatak naman kami ng customer dahil ang baliw na si Calvin ay nagpa libreng selfie sa mga bibili.

Jeremiah: This thing is really working Bro.

Nakangising saad ni Jeremiah kay Calvin na abala naman sa pag-susukli at pagkuha ng bayad ng mga bumibili.
Ako naman ang nakatoka sa pagkuha at pagbigay ng mga binibili nila.
Si Calvin ay syempre abala sa modus niyang libreng selfie pero nadadamay rin si Jeremiah dahil may mga gusto ring makipag-selfie sakanya.

"Here's your Doughnuts and Blueberry Pie,enjoy!".

Hindi napapawi ang ngiti ko sa tuwing may lumalapit sa booth namin at sa tuwing mag-aabot ng mga binibili nito.
Tamang ngiti lang dahil malas ang sumimangot at magsungit sa mga customer.

Mahaba pa ang pila sa booth namin kaya mabilisan din kami kung kumilos at sinisigurado ding wala kaming lugi...you know what i mean.

Time Skips

Sa wakas ay humupa na ang mga namimili sa booth namin at paunti-unti nalang ang lumalapit dito.
Patuloy lang naman ako sa pag asikaso sa mga natitirang bumibili kahit medyo nangangawit na ako.
Hindi na rin nakapagpahinga sina Calvin at Jeremiah,kahit pag-upo ay hindi nila nagawa dahil sa madami ang naging customer namin.

Naubos na ang mahigit kalahati ng mga desserts na ginawa namin at iilang customers nalang ay mauubos na ito.
Ang lemonade ay kaunti nalang rin ang natitira.

Makalipas ang ilang minuto ay nabentahan na rin namin ang mga natirang customer at nakaupo na rin ang dalawang kasama ko na pagod at pinagpapawisan na.
Todo punas naman sila ng mga pawis sa katawan.
Naupo naman ako sa stool at idinampi sa noo ang manggas ng uniform suit ko para mapunasan ang pawis ko.
Hindi rin kasi ako nakadala ng towel na pamunas.
Masyado akong naging excited kaya nakalimutan ko na magdala nito.

Taehyung: Heyy...

Napalingon naman ako ng marinig ang boses ni Taehyung at nasa harapan ko na pala ito.

"Love,Bibili ka?."

Tanong ko naman sakanya habang nakangiti narinig ko naman ang nang-aasar na tunog na nanggagaling kay Calvin.

Calvin: Nothing's free here Pres even though you're the fiance.

Pang-aasar naman ni Calvin kay Taehyung at napangiti naman dito si Taehyung.
Nanibago naman ako dahil unang beses yata ito na ngumiti siya sa mga sinasabi ni Calvin at hindi siya mukhang masungit rito gaya nung nakaraan.

Love Over A Thousand QuarrelsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora