99|Love Over A Thousand Quarrels

74 3 2
                                    

Ilang saglit pa ang nakalipas at nagsimula na ang laro nila Sang Won at tensyunado naman ang dalawang babae na kasama ko habang nanonood,muli akong nakaramdam ng pagka-antok at muli ko namang itinuon ang pansin ko sa laro na nagaganap,baka sakaling mawala ang antok ko.

Unang set palang ay matindi na ang laban sa pagitan ng magkabilang panig,parehong pumupuntos ang team namin at ang kalaban nila at mukhang mahihirapan sila nito na makalusot para sa championship.

Tumagal pa ang laban at nahihirapan na sina Sang Won na makalamang dahil nakakahabol naman kaagad ang kalabang team.Malakas ang depensa ng kabila at mukhang determinado din na makapasok sa championship.

Malapit nang matapos ang first set ng laro at sa tatlong minuto na natitira ay bakas na ang pagod kay Sang Won at sa team niya.Inilihis ko muna ang atensyon sa panonood at kinuha ang tumbler ni Daine sa bag niya at uminom ng tubig.

Suddenly a loud gasp filled the whole arena from the audience like something terrible happened.

Ah Rin: Oh my god!!! 

Gulat na sabi ni Ah Rin at kaagad naman akong napaangat ng tingin sakanilang dalawa.Ibinaling ko ang pansin sa harap at nagtitipon ang mga kasama ni Sang Won sa isang sulok.Makalipas ang ilang saglit ay may itinayo mula sa sahig at iyon ay si Sang Won na akay-akay ng mga kasama niya papunta sa upuan.Hawak niya ang kanang kamay niya at tila nasasaktan ito.

Napatayo ako at tumingin sa ibaba kung saan nakapalibot kay Sang Won ang mga kasama niya at ang medical team na naroon.Sang Won was injured.

Daine: I hope she's okay.

Nag-aalalang sabi ni Daine.

Nasa baba na rin si Jungkook at inuusisa ang lagay ng girlfriend.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero malaki ang epekto nito sa team niya kapag malala ang naging injury niya.

"Ano nangyari?".

Tanong ko.

Daine: Nadaganan niya yung kamay niya,trying to save the ball fom hitting the ground.

Sabi ni Daine at bakas ang pag-alala nito sa kaibigan.Nakatuon lang ang atensyon naming tatlo sa ibaba kung saan tinitingnan si Sang Won ng medic.

Makalipas naman ang ilang sandali ay tumayo siya habang kausap ang coach nila.

"I think the injury is not that ba".

Saad ko.

Ah Rin: I hope so because her team needs her.

Sabi naman ni Ah Rin.

Makalipas ang ilan pang sandali at matapos makausap ang coach at ang ilang staff ng school namin ay bumalik sa court si Sang Won kasama ang ilang teammates niya.Naghiyawan naman ang tagasuporta ng paaralan namin pagbalik ni Sang Won sa court.

She's playing with an injured hand...ang tibay ah.

"Masyadong devoted sa game ang kaibigan niyo,baka lumala lagay niyan".

Sabi ko naman at hindi sa dinadagdagan ko ang pag-alala ng dalawang kasama ko.Sana naman ay nagpahinga muna siya ng saglit dahil may substitution naman,maaring lumala lang ang injury niya.

Minsan nang nangyari saakin ang ganyang sitwasyon at hindi ko talaga nagustuhan ang after effect nito.I once had a bad injury on my leg while I'm on the game playing basketball and I forced myself to play since it was a do or die game on the championship,after the game I had to be confined to the hospital for two weeks because my leg was swelling so bad both the inner and outer part of it.The good thing was we won that time so it's not quite at total regret for me.

Love Over A Thousand QuarrelsWhere stories live. Discover now