Chapter 7

183 4 0
                                    

After a week, nagyayang mamasyal sa favorite park si Martin. Togetherwith his dad and his ate Hannah. Kitang-kita ang kasiyahan kay Martin. Patakbo-takbo ito sa may park, naghahabulan silang tatlo. Sabay-sabay kumain. Maya-maya, naglaro sa park si Martin kasama ang ibang bata. Naiwan sina Hannah at Tristan, pinagmamasdan si Martin.

Tristan – ang laki na ni Martin, hindi ako makapaniwala.

Hannah – at hindi lang yun, bibo at matalino pa!

Tristan – (smile) tama.. lumaki siyang mabuting bata.. kahit na.. may malaking kulang sa pagkatao niya...

Hannah – dahil ba.. sa.. wala siyang kinalakhang mommy?

Tumango bilang pagsang-ayon si Tristan.

Hannah – Tristan..

Tristan – hmm..

Hannah – paano ba nawalan ng mommy si Martin?

Napatingin si Tristan kay Hannah. Agad namang nataranta ang tingin ni Hannah. Hindi rin niya alam kung bakit lumabas sa bibig niya ang tanong na alam niyang masyadong pribado in Tristan's part. Hindi na siya umaasang sasagutin siya nito.

Tumingin bigla si Tristan kay Martin na kasalukuyang nakikipaglaro sa ibang mga bata sa  park. Bumuntong-hininga si Tristan saka nagsalita na ikinagulat naman ni Hannah.

Tristan – it's hard to explain bakit nawalan ng isang mommy si Martin.. but it's easy to say that she left us.. eversince.. even after niyang ipinanganak si Martin. After niyang ipaubaya sa akin ang anak naming si Martin, tuluyan na niya kaming iniwan..

Hannah – iniwan? You mean.. buhay pa siya?

Tristan – yup.. she's still alive, but already died in our lives.

Hannah – bakit—- niya —- kayo iniwan?

Tristan – (sigh) iniwan niya kami ni Martin para sa sarili niyang kapakanan at kasiyahan. She left us because she wanted to fulfill her dreams. Hindi ko rin alam sa kanya. Ewan ko ba, iniwan na lang niya ako ng basta na parang hindi niya ako mahal.

Napahinto si Tristan, bumabalik sa kanya ang sakit na naramdaman niya noon nang iwan siya ng unang girlfriend but then, he continue talking..

Tristan – sobrang minahal ko siya.. ang sakit-sakit sa akin ng sabihin niyang aalis na siya. At ang masaklap pa, iniwan niya pa si Martin. Isang batang walang kamuwang-muwang na lalaking walang ina. Nakakalungkot pero iyon ang totoo, mabuti na lamang at lumaking mabait ang anak ko.

Hannah – hinahanap ba ni Martin ang mommy niya? Especially noongmedyo baby pa siya?

Tristan – of course, he asked about it before.. for so many times. But right after I explained it to him, he understands it very well. I'm just so blessed having a son like him, because he almost understands everything.

Hannah – masaya ako dahil alam kong nagging part ako ng buhay ni Martin at bilib talaga ako sa kanya dahil masaya pa rin siya kahit wala ang mommy niya sa tabi niya. Napakahirap mawalan ng isang mommy lalo na at his very young age.

Tristan – yah.. alam mo ba, nang dumating si Martin sa buhay ko, nagbago ang lahat sa akin.. ang dating ako... mas naisip ko na magsikap para sa kanya, dahil alam kong sa paglaki niya, ako lang ang makikilala niyang magulang.. (smile kay Hannah)

Hannah and Tristan will soon become close to each other, as in.. yung tipong nasasabi na nila ang lahat sa isa't isa. Kapag namamasyal ang mag-ama, palaging request ni Martin na isama si Hannah. Kung kaya't madalas na magkasama silang dalawa. Even sa school nila. Malapit na sila sa isa't isa. Magkainlove-an na kaya sila in the end?

Daddy, NannyKde žijí příběhy. Začni objevovat