Chapter 14

139 5 0
                                    

Isang oras ang travel time para makapunta sa park. Kung kaya't nang dumating siya doon ay madilim na, sobrang alala niya sa anak baka kung ano na ang nangyari dito. May halong inis ang pag-aalala niya. Dahil hindi ito nagpaalam sa kanya. Sa wakas!  Napawi rin ang pag-aalala niya nang makita na ang anak sa favorite spot nilang mag-ama.

Tristan – MARTIN!!!!

Martin – Daddy!

Tristan – Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka dito?

Martin – Kasi—-

Tristan – Pinag-alala mo ako ng husto! Alam mo bang delikado sa batang tulad mo ang pumunta dito ng nag-iisa?

Martin – but Daddy, I'm not alone, I'm with Mommy Hannah!

Nagulat siya sa narinig. Nawala ang pagkakunot ng noo ni Tristan. Hinanap niya si Hannah na nasa kabilang side lang pala ng bench. Nakatingin na rin pala ito sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Nang miuling magsalita si Martin.

Martin – Pumunta kami dito ni Mommy Hannah. Kasiii may pinag-usapan kami. May sinabi ako sa kanya. Now that you're here na din Dad, mabuting mag-usap din kayo.

Biglang tumakbo paalis si Martin, nagulat ang dalawang naiwan.

Silence remain for the both of them. Nagpapakiramdaman. Maya-maya, nagsalita si Tristan.

Malaking espasyo ang nakapagitan sa kanilang dalawa.

Tristan – How are you?

Hannah – I'm—- I'm doing fine.

Tristan – Ahmm.. pasensya ka na kay martin kung inistorbo ka pa niya ngayon.

Hannah – Wala iyon.

Tristan – Namimiss ka lang nun, at isa pa wala na rin sa bahay si Dorothy, umalis na siya.

Hannah – Na—- nasabi nga ni Martin sa akin.

Silence again, and then.

Tristan – Thank you ha..

Hannah – (nagtataka) Ha?

Tristan – (smile) Kasi.. hindi mo ako iniwasan ngayon.

Hindi kumibo si Hannah. Muling nagsalita si Tristan.

Tristan – Sa totoo lang, gustong-gusto kitang makausap. Ewan ko ba,

A beat.

Tristan – Namiss kita, Hannah.

Napatingin si Hannah kay Tristan. Si Tristan naman, hindi nakatingin sa kanya. Nang pagmasdan niya ang mukha nito, nakita niya ang lungkot sa mukha nito.

Tristan – Masakit sa akin noong magdecide ka na magbreak tayo pero I understand you. Para rin naman iyon kay Martin, sa anak ko, pero hindi ko maintindihan kasi mahal na mahal pa rin kita Hannah, hindi ko kaya ang pakiusap mo na buuin ang pamilya ni Martin dahil hindi ko kayang wala ka Hannah. Kailangan kita sa buhay ko, kailangan ka namin ni Martin.

Dito na tumingin sa kanya si Tristan. Hindi niya malaman ang gagawin.

Nilapitan na siya ni Tristan, kumabog ng mabilis bigla ang puso niya.

Tristan – Nakaraan ko na si Dorothy at wala na yung dating nararamdaman ko para sa kanya. Pero ikaw Hannah, ikaw na ngayon ang mahal ko. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Please do accept me again.

Hala! Hindi alam ni Hannah ang gagawin. Kinabahan siya bigla. Wala siyang maisip na sabihin kay Tristan kaya..

Hannah – I don't know, gusto ko munang pag-isipan. Please give me enough time to think.  

Daddy, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon