Chapter 9

121 5 0
                                    

Sem break na.

Nagplano sina Tristan at Hannah na susulitin nila ang sembreak nila by having an outing. Balak niilang pumunta sa isang resort.

Habang nasa biyahe.

Martin – Sayang, hindi nakasama si Lola. I want to be with her too.

Tristan – Don't be sad, my son. Mama is having a meeting at the company eh. Hindi niya pwedeng iwan yun. Masaya pa rin naman kahit tatlo lang tayo, di ba?

Hannah – oo nga naman, Martin. Di bale next time na lumabas tayo, isasama na natin si Auntie.

Martin – Okay.

After an hour. At last! Nakarating din sila sa pupuntahan nilang resort. Nagpahinga na muna sila sa cottage na nirentahan nila. After that, kumain sila and then, go on swimming. Masayang masaya pa rin naman si Martin, he enjoyed a lot! Tuwang-tuwa naman sina Tristan at Hannah dahil naenjoy naman ni Martin ang outing nila kahit noong una ay nalungkot ito dahil hindi nakasama ang lola nito.

Maya-maya, umahon na sila sa swimming pool. Naligo na sila sa shower area.

Papunta na sila sa cottage nila nang biglang may makasalubong si Tristan. Darating ang taong minsan ding naging parte ng buhay niya: si Dorothy, ang biological mother ni Martin, she's back! Ngunit nagsisimula pa lang magbloom ang relationship nina Tristan at Hannah, maapektuhan kaya ito sa pagdating ni Dorothy? Hmm..

Nagkagulatan sina Dorothy at Tristan nang muli silang magkita. Unexpected for the  both parties! Napahinto sa paglalakad si Tristan, napahinto rin sina Martin at Hannah. Samantalang si Dorothy, nang Makita si Tristan, matapos magulat, bigla itong ngumiti at bigla niyang niyakap si Tristan na lalong ipinagtaka ng dalawa sa likuran ni Tristan.

Dorothy – Tristan! Wow! What a coincidence! You're here! At last nagkita na rin tayo! I miss you! I miss you a lot! How are you? I'm happy to see you again!

Ngunit nanatiling hindi nagsasalita si Tristan, nakatingin lang siya sa babaeng nagsasalita.

Dorothy – Tristan... did you miss me too?

Hindi magawang magsalita ni Tristan. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang babaeng nang-iwan sa kanya at ina ng anak niya. Very curious si Martin, kaya't siya na lang ang nagsalita.

Martin – Dad, who is she?

Nabaling ang tingin ni Dorothy kay Martin.

Martin – May I know who are you, Miss? And why did you know my Dad?

Dorothy – (Amazed) Anak ka ni Tristan?

Martin – Yes, he's my father.

Dorothy – Oh! (smile and tuwa na rin)

Nang akmang lalapitan ni Dorothy si Martin, doon lang nagsalita si Tristan at sat ono ng voice niya, parang galit ito.

Hinarangan niya si Dorothy.

Tristan – Hannah, mauna na kayo, susunod na lang ako, okay?

Martin – Pero Daddy..

At umalis na ang dalawa.

Dorothy – Tristan... (naluluha) siya na ba... siya na ba ang anak natin?

Tristan – Hindi mo siya anak! Anak ko lang siya!

Dorothy – A-anong pangalan niya? Ilan taon na siya? Nag-aaral na ba siya ngayon?

Tristan – Hindi mo siya anak!

Dorothy – Hindi! Anak ko rin siya Tristan! Anak natin!

Tristan – Nagagawa mo pa yan sabihin matapos mo kaming iwan? Matapos mong pabayaan ang anak ko?!

Daddy, NannyWhere stories live. Discover now