ESCAPE 02

7.5K 149 0
                                    


SKY's POV:

'APAT di umano ang pinaghahanap ng mga kilalang personalidad.Sila ay may patong na ulo na mahigit isang milyon.Sa makakakita sa mga taong ito ay tumawag agad sa 739-kemberluu-eklabuu'

Napanga-nga kaming lahat sa napanuod at napatigil sa aming ginagawa.Kung itatanong niyo,mahigit tatlong araw na kaming nagtatago.Oo!Kaming apat....kasama si bakla,si Vincent pero sabi niya nga tawagin daw syang Vinah -_-

"Mga babaita,may patong na tayo sa ulo!Gosh!Kumukulot ang hairlalu ko!"maarteng sabi naman ni Vincent este Vinah na naging dahilan para batukan sya ni Ria na kasalukuyang kinukulayan ang buhok nya.Actually,pinalitan namin yung kulay ng buhok namin gamit ang tina na black na pinabili pa namin sa anak ng driver nila Eira,DISGUISE kumbaga.

"Hoy bakla!Baka nakakalimutan mong kasama ang mga magulang mo sa mga humahunting sa atin!Nagjoinforce silaaaaa!Tara nang maglaslas!"-sabi naman ni Eira habang sinusuot yung de-kabit na brace nya.-___-

"Eww!Feel na feel mo naman yang pekeng brace mo!Kadiri ka bhe!Anyway,ano ng plano natin?Wala tayong salapi!Di tayo makapag apply kasi tiyak na kapag may nakakilala sa atin.....goodbye freedom tayo!Ikaw bakla,ipapakasal ka sa tunay na babae!Ikaw Eira,mawawalan ka ng mana kapag di ka sumali sa mafia ng tatay mo!Ikaw naman Sky,patay ka sa buong angkan niyo sama mo pa yung angkan ng lalaking tinakasan mo sa kasal mo!"lahat kami napatingin sa sinabi ni Ria.

"Ano teh?Kami lang may parusa ganurn?Baka nakakalimutan mo ring mas kawawa ka kapag nahuli tayo!"sabi naman ni Vince bakla.

"OO NA AKO NA KAWAWA!"sigaw naman ni Ria na ikinatawa naming lahat.

Sa panahon ngayon,ginagawa nalang naming katatawanan lahat.Ginusto naming maging malaya eh.Pero,naiisip ko palang yung parusa kay Ria,di ko mapigilang matawa imbes na maawa eh.hahahaha

"Ano ba kasing angkan meron ka girl???Pfft." biglang tanong ni Eira na halatang nagpipigil ng tawa

"Naisip ko rin yang mga bhe!Huhuhu imagine??!Kapag nahuli ako ng mga tumutugis sa atin,ipapatapon nila ako sa military...MUSTA NAMAN HAIRSTYLE KO NUN???!Atsaka ako?Tutugis ng mga terorista??Arrgh this is hell!"nagulat nalang kami sa binato nya.

"Pero girl,pinakamalupit talaga sa kapalaran mo eh ay after mong magmilitary,.....isesend ka naman sa kumbento para maging madre!Hahahahahahahahahahaha"

Sa sinabing yun ni Vince bakla napuno ang buong lungga namin ng tawanan.Lungga na pinagtataguan namin sa realidad.

"Kung paparusahan lang din naman ako,sana hindi nalang yung about sa mafia.Sana ipakasal nalang din ako."madramang sabi naman ni Eira habang pinupunasan yung salamin nya na sobrang kapal.Nerdy kasi ang disguise look nya eh =__=

"Kanino naman aber?Kay kuya Heaven??Kasal na yung tao bakla.Move on din!Mag mafia ka nalang!hahahaha Mafia Queen ampeg mo!"pampagaan naman ni Ria sa atmosphere.Gaga talaga to kahit kelan.

"Yeah,He is married already to the son of a bitch"-Eira

"Di naman son of a bitch ang napangasawa ni kuya eh" bigla kong sabi at pinagpatuloy ang paggupit sa mahaba kong buhok.

"Kung hindi son of a bitch,eh ano??"-Ria

"Bitch hahahahahaha"sabi ko.Na naging dahilan nang tawanan.Ganito nalang siguro.

Masaya...

Malayo sa kulungan....

Malaya sa realidad.

HIS POV:

NAPAANGAT ako ng tingin sa pagbukas ng pintuan at iniluwa ang isang taong alam kong maninira lang ng araw ko.

"Ulap,balita ko may patong na sa ulo yung runaway bride mo ah!"

Napapikit nalang ako habang inaalala yung kahihiyang nangyari sa akin 3 days ago.

"Sinadya ko talaga yun just to make sure that she can't get rid on this marriage.Pumirma na ako sa kontrata about merge,ayokong malugi ako."

Pinagpatuloy kong muli ang ginagawa ko.Signing these shit contracts plus having a lot of stress about that fuckin' issue sa tinakbuhang kasal ko kung kaya naman di maiwasang uminit ang ulo ko.Masakit sa ego yung ginawa ng Miss Madrigal na yun at pinahiya niya ako di lang sa angkan ko maski sa ibang tao lalo na't trending yun sa mga balita,maging sa social media...

I swear!I will do anything just to find that bitch!At pagsisisihan nya ang pagtakas nya at pagpapahiya niya sa isang famous bachelor in town.
Makikita mo kung paano gumanti ang isang Cloud Redford.

SKY's POV:

NAKAHARAP kaming lahat sa tv.Syempre kelangang updated kami baka kasi naghire na rin sila ng firing squad para sa amin eh.

"Maiba nga tayo,wag muna tayo kabahan kasi mukhang wala pa silang balak na i-assassinate tayo.Paano tayo mabubuhay nyan?Nakikitira lang tayo dito sa lumang bahay ng personal driver ni Eira.Di nila panghabang buhay na sasagutin ang pagkain natin!Mahirap ang buhay mga bakla!" Napatingin kaming tatlo kay Vince bakla.May point naman sya dun eh!Ginusto naming makatakas,dapat matuto kaming tumayo.

"Sa tingin niyo ba makikilala pa tayo sa bagong look natin??"tanong ko sa kanila.

"Hindi nila tayo makikilala,pero pagtatawanan pwede pa!hahahaha ako lang ba nagmukhang matino dito?hahahahahaha tignan niyo mga itsura niyo?Ikaw Eira,dinaig mo pa si Betty eh!Ikaw naman Ria,ano teh?Mukha kang tigang o rather nalaspag na ewan.At ikaw naman Sky,kay gandang pangalan mukhang katulong!"Sabi naman ni Vince bakla.

"Porket nagmukha ka lang matino at nagmukhang lalaki wagas ka mang asar ah!!!"tawanan naman kami bigla ng sabunutan ni Ria si Vince bakla.

"ako!pwede akong mag apply na katulong!"suggest ko bigla.

"TARAAAAY!May alam ka ba sa gawaing bahay??!Aber?Walang gugustuhin na maghire sayo!hahaha"-Ria

Psh!Pwede naman matutunan yun eh.Atsaka sa new look ko ba namang to!walang magdududa na nga-ngabels ako sa gawaing bahay!

"Pero,kelangan natin ng datung para makakain naman tayo!wag na nga kayong umarte!Ikaw Ria benta mo nalang katawan mo hahahahahaha"sabi ni Vince sabay tawa ng malakas.Baliw talaga haha

"BAKLANG TO!Ano yun si Sky lang magtatrabaho?Tara nang humayo!Maghanap na rin tayong lahat!At oy bakla alisin mo nga yang pasas sa mukha mo!hahahaha"-Ria

"GAGA!Disguise nga eh!Nunal yan kuno!hahahahahaha"ganti naman ni Vince

"MGA BALIW!"bulyaw naman ni Eira na tumatawa rin sa kagagahan nung dalawa.

Ito na yun!

Kalayaan.....

Ang saya pala maging malaya....

To be continued....

Bachelor Code:MAID by Heaven[Cloud Redford] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now