ESCAPE 03

6.2K 149 7
                                    


SKY's POV:

ABALA kaming lahat sa paghahanap ng trabaho.Kanya-kanya muna kami.Kasalukuyan din akong naghahanap ng mga bahay na naghahanap ng all-around katulong. Di ko naman akalain na ito future ko kaloka!!

"Ate,naghahanap daw po kayo ng katulong?"kinalabit ko yung babaeng abala sa pag aayos ng basurahan sa tapat ng isang mansyon kung saan nakita ko ang papel na nakapaskil,na nagsasabing WANTED:MAID

Tinignan naman nang babae ang buong katauhan ko.Teka?Nakikilala ba ako nito sa disguise ko???What to do????Arrrgh!

"Mukha ka pang bata iha"bigla namang sabi nung babae sa akin

"Di naman po.Bente tres anyos na po ako."sabi ko naman.LALIM!SAANG HUKAY NG MAKATA KO NAHUKAY YUN???Kelangan di ako magpahalata na wanted ako.Masakit man isipin pero para kasi talaga kaming terorista na nagtatago eh.

"Ganun ba?O sya pumasok ka.Tatanungin ko lang ang mayordoma namin"

Sumunod ako sakanya papasok ng mansyon.Oo!Mansyon ang bahay na ito sa sobrang laki!Kaloka,kasing yaman din siguro namin este nung mga magulang ko may-ari neto.Sila Ria,Eira at bakla kaya?Nakahanap na kaya yung mga yun ng trabaho??

"Ito na ba yung sinasabi mong mag aapply Elsa?"napatingin ako sa babaeng nagsalita.Gosh!Nandito si Elsa ng frozeeeen!Shocky! Ehem!Kung titignan ang babaeng ito,mapaghahalataan na nasa 60's na ang edad nya

"Ay opo."sabi naman ni Elsa ng frozen

"Pangalan mo iha??"tanong nya naman sa akin

Pangalan??

'Sky Allison Madrigal'

Pero syempre di pa ako ganun ka-gaga para sabihin na yun yung pangalan ko noh!

"Ah ano...Iska...Iska Makababaw!Y-yun po ang aking pangalan."

WTF?MAKABABAW????YAE NA NGA!
Woooh!Buti nalang kahit dakila akong inglesyera sa bahay namin,best in Filipino naman ako noon hahaha

"Iska Makababaw?pfft" sabi naman ni Elsa the Frozen na kita namang magpipigil ng tawa

Napansin ko ang isang lalaking kakapasok lang.

Describe ko pa???

Gwapo sya.

Yun na yun!Pero seryoso,speechless ako sa mukha nya.Teka,bumibilis si heart.Kinabahan ata ako bigla.Weird!Di kaya i-a-assassinate na ako???Nilibot ko,ang paningin ko sa buong mansyon.Baka nandito lang nagtatago yung assassin na inutusan ng mga magulang ko T.T

"Huy,ignorante ka ba?Iyan yan ang tinatawag na chandelier " tinuro naman ni Elsa the frozen yung chandelier.
Anong tingin nya sa akin??TANGA?Siguro yun nga.Obvious naman eh.

"Chandelier?Kanta po yun diba??Yung Im gonna swim on the chandelieeeeer!~"

Oo alam ko di yun yung tamang lyrics!Susko!Mababaliw ata ako sa mga pinaggagawa ko T.T pero keri na!Kinakareer ko na naman ang pagiging Iska,yan ang bago kong katauhan.

Napansin kong halos lahat ng katulong sa bahay na ito,katabi lang pala namin at ngayon nagpipigil sila ng tawa sa kagagahan ko -___-
Maya-maya lang nagyukuan na yung mga maids dun sa lalaking bagong dating.Napatingin naman sya sa akin.

Teka??

Dapat din ba akong yumuko?Eh di pa naman ako hired eh,so di niya pa ako katulong.

"Bakit di ka yumuko?!" binulungan naman ako ni Elsa the frozen

"HA?Maliit na bagaaay~" sabi ko naman ba ikinalaglag ng panga ng mga maid sa paligid.What did I do?Is there something wrong?(.--)

"What did you just say?" napatingin naman ako sa pinanggalingan ng malamig na boses na iyon.

Bachelor Code:MAID by Heaven[Cloud Redford] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now