14

64 3 0
                                    

Sarah's POV :

Nandito kami ngayon sa isang park for an endorsement shoot. It's 9 am in the morning, ang init!

"My? Okay lang po ba kayo? Ang init po kase baka hindi mo kayanin yung sikat ng araw? Dun ka nalang po muna sa tent kayo ni Daddy."

Sinabihan ko si Mommy na sa tent nalang muna maghihintay. Eh paano gusto niya talagang panoorin ako, ang init kaya. Papayag naman ako na manood siya pero yung sikat ng araw kase, mahirap na.

"Anak, sige na payagan mo na ako panoorin ka."

"My naman, papayag naman ho ako pero po kase yung sikat ng araw eh, baka hindi mo kayanin."

"Hay naku, may dala naman akong payong o, saka malakas kaya ang mommy mo."

"Sus. Si Mommy talaga. Oo na po, sige na. Eh alam niyo naman pong sobrang lakas niyo saken eh, kayo ni Daddy."

Before she could answer me, I hugged her fully.

"Ehem, pwede bang makisali diyan sa lambingan ng mag ina?" Si Daddy.

"Ay naku! Syempre naman po. Halika po dy!"

"Naku, dalagang dalaga na ang Sarah namin. Anak, tandaan moto ha, kung meron mang manakit diyan sa puso mo? Tandaan mo, ako ang makakalaban ng tarantadong lalaking yun."

"Eto talaga si Delfin oh, parang hindi tumatanda."

"My, Dy, kung meron man pong gustong manakit nitong puso ko, hinding hindi po ako papayag na tuluyan niyang madurog itong puso ko. Hinding hindi ko po hahayaan yun, promise po."

I hugged them as I say those words to them. I was wondering kung bakit wala akong narinig na sagot sa kanilang dalawa kaya tuluyan ko ng binitaw yung pagkakayakap ko sa kanila para makita ko ang mga mukha ng dalawang taong pinakamamahal ko. I was surprised when their tears are falling from their faces.

"Oh, bakit po kayo umiiyak dalawa? Akala ko po ba masaya kayo para sa akin?" Birong tanong ko sa kanila , alam ko namang naiiyak sila dahil malapit na ako makapag buo ng sarili kong pamilya, pero sa totoo lang , hindi pa ako handang humiwalay sa kanila. But I know, it will happen someday, at kailangan kong sanayin ang sarili kong wala sila sa tabi ko.

"Anak, masaya lang, masaya kami dahil alam naming masaya ka, masaya ka sa piling ni Matteo, at alam namin na siya yung lalaking gusto mong makasama habang buhay. Tandaan mo'to anak, kung ano man ang mangyari, nandito kami palagi, kami ng Daddy mo."

"Si mommy talaga o, alam ko naman po yun. Pinalaki niyo kaya akong sigurado sa buhay. Saka mommy daddy, hindi ko naman po papabayaan ang sarili ko."

"Sars, shoot na tayo?" Si Direk.

"Yes po, direk."

"My, Dy, mamaya nalang po ha. Love you po." Sabay halik sa mga pisngi nila.

"Sige nak, dito nalang kami sa loob, mainit nga." Si mommy.

"Mabuti naman po kung ganun, shoot na po kami. " Paalam ko sa kanila.

Finally ! We've done our shoot for almost 5 hours! Nandito na kami ngayon sa van and it's almost 7 pm na . I don't think I can eat right now, wala akong gana. Maybe I should rest at babangon nalang ako kapag nagugutom na ako, hindi na kase talaga kaya ng katawan ko, masyado ata akong napuyat kanina. Hindi ko na din na text si Matt that we're heading home, hindi din naman siya nag text o tumawag man lang sa akin ngayon, I'm wondering why. Lagi naman kase ito nangangamusta sa akin, minu-minuto oras oras may natatanggap akong messages and calls niya pero ngayon, wala. Literal na wala, ano bang nangyayari sa lalaking yun, bahala siya puyat ako ngayon, bukas ko nalang siya tatawagan o i text.

With You In My Life Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang