33- How To Why, Princess?

16 0 0
                                    

Warning: A little spg

Jane's P.O.V.

"Dare, ako ba niloloko mo?" Binagsak ko ang mga dala ko sa paahan ng kama niya.

"No, no, no. I'm not cheating." Mabilis niyang pinagsaklob ang kamay namin. Hinatak ko iyun.

"Hindi cheating! Eto," Hinatak ko ang kuweliyo niya. Bumalik ang natulis niyang paghinga na nilabanan ng paghinahon. "Bakit ka may iniinda?!"

"Careful." Kinapitan niya ang kamay ko at dahan-dahan inaalis. Napapikit siya ng madiin nang muling umayos ng upo. Hirap na hirap siya sa paggalaw.

"Dare, anong nangyari sa iyo? Hindi ka naman ganiyan kanina. Bakit may sinat ka?"

Napapikit ulit siya nang lumapat ng malakas ang kamay ko sa noo niya. Tamo, sakit na sakit pero hindi nagsasalita. Sinipa ko ang kama niya sa inis.

"Bakit hindi ka sumasagot?! Ano?! Masasaktan ka sa akin!"

Tumawa ito ng pigil. "Doll, calm down. I'm okay, just a little headache."

"Little ka d'yan, tapos masakit ang katawan, ano 'yun?! Ha?!"

"I'm really fine. Geez, calm down. You're much scarier now than our previous head to head." Kinapitan niya ang kamay ko para iupo ako. Pinagsaklob nito ang kamay namin. "What brings you here?"

Sinamaan ko ito ng tingin. Dati pagganito katahimik, nancha-chansing siya. Baka nga nakayakap na siya eh, pero ayan, may tinatago sa katawan kaya ayaw dumikit. Ako pa lolokohin nito.

"Naandito ako dahil hindi ka kumain." Binato ko ang bitbit sa tabi niya. "Ayan, kainin mo."

Binuksan ko ng madalian ang pre-made lunch. Sana panis. Inabot ko rin ang water bottle na baon. Nakakatamad siya. Ako na nga ang nagmagandang loob na pumunta dito, ako pa pagtataguan.

"Doll, don't get mad." Pilit niyang hinuli ang paggalaw ko. Lahat binuksan ko at inabot. Tapos kung makangiti siya akala mo ikakatuwa ko. "It's nothing serious. Come here, wag ka ng galit."

"Kumain ka." Tinuro ko ang pagkain at lumayo. Parehas kaming magkatinginan. "Dare, hindi mo makakain 'yan kung titingin ka lang. Hindi mo ako katulong kaya kumain ka mag-isa mo."

"Why are you mad? You think I made miracles somewhere here?"

Miracles like se...tsk'. Mas lalong sumama ang timpla ko. "Hindi ko maiisip 'yan kung hindi mo sasabihin. Wag kang maglagay ng kung ano sa utak ko kung ayaw mong mabawasan ang tiwala ko sa iyo."

"But that's what you're thinking?" Sumeriyoso ang tinig nito.

"Gumawa ka nun dito?!" Tumaas ang dugo sa ulo ko. Kung kaya niyang isipin at sabihin, edi kaya rin niyang gawin! Grabe! "Hindi 'yan ang iniisip ko! Ano, ginawa mo nga?! Dare, sinasabi ko sa iyo, once na pinasok mo sa utak ko, asahan mong ganiyan na lagi ang iisipin ko kaya umayos ka ng sagot ngayon!"

Nagulat siyang may panic. "No! I didn't do that! Bakit ka kasi galit?!"

"Hindi nga ako galit! Pero ngayon oo na! Kanina ka pa, akala mo hindi ko pansin na may tinatago ka at ayaw mong magpakapit! Anong meron sa loob ng damit mo?!"

"Nothing! Will you calm down?!"

Umayos siya ng upo at kunting umipod palayo. Hindi na ako nagsalita. Ayaw niya, edi wag! Wala akong pakialam kung defensive siya! Itago niya lahat ng kagaguhan niya, wala akong pake! Gusto niya ng magulo, bahala siya!

"Kumain ka na. Babalik na ako sa amin." Kinuha ko ang gamot sa bulsa, nilagay ko 'yun sa tabi ng pagkain. "Wag mong kalimutan inumin."

"Doll," Ngawa niya. Tumuon siya at lumapit. Lumayo ako ngunit tinabig niya ang pagkain sa gilid bago ako hinatak papalapit. "Don't be mad. I'm not hiding anything."

How To Be A Princess To Troublemaker's GirlWhere stories live. Discover now