15- How The Princess Gets Trouble?

14 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Namamawis ang kamay ko. Ang dami kong nakuhang make up dahil hindi ako tinantanan ni Cecilia. Bukod dun, si Alex ang nagbayad. Wrong choice. Hindi puwedeng silang magkasama at naiipit ako sa fantasy ni Cecilia.

"May date pala kayo ng boyfriend mo, I feel sorry tuloy for dragging you here. Enjoy your dinner ha." Madiin na kinapitan nito ang kamay ko para isabit ang ilang maliliit na paper bags. "Here's my gift for you. I chose them too, pero siymepre hindi ko lahat ibinigay sa boyfriend mo ang mga best choice. I personally think these products ay okay rin kung ita-try mo. I lied nung sinabi ko kaninang simple lang ang bagay sa iyo. I picked some daring red colors too. Good luck!"

Pagkatapos nun tumakbo siya sa sundo niya. Wala akong masabi. Iyan ang tunay na Marven's High student! Mayaman! Binurin iyun, nagbigay ng make up kahit mamahalin.

Hay, ang sayang at hindi ko siya magiging kaibigan.

Pinagmasdan ko ng may panghihinayang ang pag-alis ng sasakiyan nito. Umubo naman ng peke si Alex kaya napalingon ako.

"Let's go?"

"Teka, seriyoso ba 'yung sa dinner na sinasabi mo kanina?"

"Yeah." Tumango siya bago ako pinagbuksan ng pinto ng sasakiyan. Wala akong nagawa kundi pumasok.

Kinakabahan ako. Unti-unting nagiging malinaw kung anong gulo ang pinasok ko. Dinala ako ni Alex sa isang restuarant. Again, pangmamahalin ulit. Standard niya, pang higher class.

Pumunta siya sa tapat ng isang reception. Pinapili kami kung saang lugar ang 'preferred' daw namin. Lahat si Alex ang pumili. Mula sa upuan hanggang sa pagkain. Wala akong sinabi dahil bukod siya ang magbabayad, hindi ako sanay.

Mayaman ako dati pero hindi ako pumapasok sa ganito simula't sapol. May dahilan. Masama ang kutob ko sa ganito kaseriyosong okasiyon. At parang matitikman ko nga ata ang rason na 'yun ngayong gabi.

"Don't be nervous, kakain lang tayo." Saad niya habang pinaglalagyan ako ng tubig.

Feeling ko mapupuwersa ang table manners ko.

"Hindi naman. Med'yo ano, kakaiba lang." Tinignan ko ang kisame na parang bano. Hangga't maari gusto kong iuli ang paningin sa buong lugar dahil hindi ako mapalagay sa tingin niyang binibigay.

"You can relax, think of this as a payment."

Bumuntong hininga ako. Walang nagbago sa expresiyon nito. Hindi ko alam kung ramdam niya pero hindi kasi normal 'to.

"Alex, straight forward akong tao. Gustuhin ko mang isipin pero ang laki na talaga ng ginagastos mo sa araw na ito, tapos dadalhin mo pa ako dito? Paano ako makakapagbayad kung gagastos ka ulit?"

Nawala ang ngiti niya at malalim na napa-isip. Nabalot ng kaseriyosohan ang buong aura nito. "You want a straight forward answer?"

"Ha?" Nakakabiglang parang may iba pa siyang gustong sabihin.

"I want to date you." Ngumiti ulit siya. "I think we're the same. Our interest matched, our preferences and choices are coherent. You challenge me on studying and in everything that you do. I'd like to experience a date with someone like that."

Teka, bakit parang ang gulo?

"Gusto mong i-date ang sarili mo?" Naningkit ako dahil sa bigla niyang pagtawa.

"Hahaha, yeah, something like that."

Naweweirduhan ako sa mga magkakaibigan na 'to. Akala ko si Sam at Dare lang ang self-centered, lahat pala sila may kunti. Pero tama naman siya, magkaparehas kami. 'yun nga lang pinanganak talaga siyang matalino, hindi katulad ko na trying hard.

How To Be A Princess To Troublemaker's GirlWhere stories live. Discover now