Prologue

14 0 0
                                    

Acquaintance party.

Kung may isang bagay man na gusto kong gawin ngayon, iyon ay humiga sa aking kama at magbasa ng libro. Unfortunately, compulsory ang um-attend dito kaya walang takas ang mga katulad ko. It's nearly 11:00 p.m. pero mas lalo lang nagiging hype ang mga tao.

Nasa isang sulok lang ako kasama ang nag-iisa kong kaibigan kaya kahit papaano ay hindi ako mukhang loner dito. Kasama rin namin ang high school friends ni Jessica. Well, kung tutuusin, ako lang naman ang sampid sa kanila.

Napailing ako sa aking mga naiisip. Mabuti na lang at may banda. Syempre hindi mawawala ang battle of the bands sa tuwing may ganitong okasyon kaya aliw na aliw ang mga tao.

Pagkatapos ng unang banda ay sumunod agad ang pangalawang magpe-perform pero parang nagkakagulo pa sila. Mukhang kulang sila ng isa at 'yon ay ang base guitarist.

“Ayan na sila! Debhe!”

Napalingon ako kay Jessica sa biglaang pagsigaw niya. Hinatak niya ako sa braso at kumapit sa'kin.

“Sila 'yung sinasabi ko sa'yo,” aniya nang may kilig sa boses. “Sikat 'yang mga yan sa campus namin dati tapos hanggang ngayong college mas lalo lang silang sumikat.”

Tumango-tango ako. Palagi Kasing binibida ni Jessica 'yung long time crush niya at ang banda nito. 'Yung drummer ang crush niya at mukha namang okay ito. Hindi talaga ako marunong kumilatis ng tao kaya medyo awkward sa akin ang first impressions thingy.

Lumipas ang oras at natapos ang battle of the bands. As expected, panalo ang banda ng crush ni Jess. Well, magaling talaga sila at sa audience pa lang ay panalo na agad sila.

Umupo ako sa isang stool malapit sa malaking halaman. Nakuha ng isang lalaki ang atensyon ko dahil pinapalibutan ito ng apat na babae. I can't deny the fact na he's attractive, pero apat talaga? Ang lala ng charisma ng lalaking ito!

Halatang nagpapa-pansin sa kaniya 'yung apat na babae pero cool lang siyang nakikipag-usap sa mga ito.

“Deb,” sambit ni Jessica sabay abot sa akin ng juice.

“Salamat,” sabi ko at sumimsim sa aking juice habang nakatingin doon sa lalaki kanina — nang bigla siyang tumingin sa'kin at naibuga ko ang aking iniinom.

“Gagi, ano 'to?” reklamo ko kay Jessica sabay punas sa aking bibig. Hindi ko bet 'yung lasa. Hindi ito juice for sure!

“Bakit? Anyare sa'yo?” nagtatakang tanong niya sabay tingin sa sahig na ngayon ay medyo nabasa na.

“Ang panget ng lasa, eh,” reklamo ko pa at tumayo.

“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Jessica.

“Itatapon ko lang 'to, ayaw ko nito.”

Natatawang umiling lang si Jessica at hinayaan ako. Pumunta ako sa pinakamalapit na basurahan at tinapon ang plastic cup na hawak ko.

Paglingon ko pabalik ay nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na 'yung lalaki kanina. Nakataas ng konti ang isang kilay niya na para bang nagtataka sa presensya ko.

“Excuse me?” sabi ko dahil nakaharang siya sa daraanan ko. Maaaring pogi nga siya lalo na sa malapitan pero hindi ko siya kilala at hindi ako interesado lalo na sa mga lalaking pagpo-pogi lang ang alam.

“Are you stalking me?” tanong niya.

Ngayon ay ako naman ang napataas ng kilay dahil sa kaniyang sinabi.

“Excuse me?”

“You heard me, right?” maarteng sabi ng lalaki.

“Bakit ko naman gagawin 'yon? I don't even know you.” Syempre, palaban si Ate mo, girl.

That Rebellious GuyWhere stories live. Discover now