Chapter 02

6 0 0
                                    

“What? Sigurado ka ba?” 'di makapaniwalang tanong ni Jess.

“Oo, pero hindi one hundred percent,” pag-amin ko.

“Bakit ba gulat na gulat ka? Hindi naman sa pagiging judgemental, pero 'di ba, hindi naman bago 'yon kay Clark. Noong high school nga mas worst pa 'yung nagawa niya,” pagku-kuwento ni Crizza kaya napatingin ako sa kaniya. Curious tuloy ako sa lahat ng nalalaman niya.

“Kahit na, pwede namang nagbago na 'yung tao. Hindi ka ba naniniwala sa second chances?” ani Jess.

“Everyone deserves second chance. Pero kung inuulit lang din at walang pagbabago, iyon ang hindi pwede,” sabi ko.

Kumunot ang noo ko nang biglang dumaan ang isang grupo ng lalaki at isa na roon ay si Mr. VVIP as he claimed.

“Sinong sinisipat mo riyan?” rinig kong tanong ni Jess.

“Omg, kaya ba ayaw mong sabihin sa guidance dahil crush mo siya?” dagdag pa niya.

Mabilis akong umiling. “Anong crush? Hindi, 'no! Number one enemy ko nga 'yon simula pa lang ng pagpasok ko rito sa university, eh.”

“Basta, huwag na huwag kang ma-iinlove sa lalaking 'yon, Deb. Sinasabi ko sa'yo, baka masaktan ka lang. Kay Eugene ka na lang, complete package pa,” ani Crizza sa seryosong boses pero ngumiti rin pagkatapos.

Ganon ba kasama ang taong 'yon? O baka masyadong exaggerated lang ang pagkakasabi ni Crizza? Kasi kung si Harriet ang magsasalita tungkol sa lalaking 'yon, she would always make him as the good guy.

Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko at nakitang malapit na pala ang oras ng klase.

“Don't worry, hinding-hindi mangyayari 'yon,” sagot ko sa kanilang dalawa. “Mas mabuti pa pumasok na tayo sa klase at baka ma-late pa tayo sa kadaldalan niyo,” sabi ko at sumang-ayon naman ang dalawa.

“Sigurado ka ba rito?” tanong ni Miss Olaivar, ang aming guidance counselor.

I decided na sabihin ang nalalaman ko. Nakaka-stress kasi kapag may iniisip ka and then you would suddenly overthink of the consequences. Kung anuman ang kalabasan nito, I will deal with it later.

“Yes po, Ma'am. Narinig ko po talaga.” I inhaled a large amount of breath. Hindi dapat ako kinakabahan, eh.

“Okay, sige. Thank you for this information. We'll try to dig with this and see if this is true. Basta huwag mo na lang ipagsabi sa iba ang nalalaman mo hanggat hindi natin na verify na siya nga 'yon. Understood?”

I nodded. “Yes, Ma'am.”

*****

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa mall upang bumili ng highlighter pens. Bumili na rin ako ng paper bag na may design ng happy birthday.

Naglalakad ako papunta sa exit ng mall nang biglang may humawak sa braso ko.

“Eugene, ikaw pala,” sambit ko nang may gulat sa boses.

“Sorry, nagulat kita,” sabi niya at alanganing ngumiti.

I shook my head lightly. “Okay lang, walang problema. Bakit pala?”

“Uhm, nakita kasi kita, so I thought of inviting you since we're already here. I mean, I've been wanting to treat you since matagal na rin 'yung huli, but we're both busy lately kaya I thought it's a perfect timing?” Tinignan niya ako na parang kinakabahan as if I was going to reject his offer.

I shrugged. Katulad ng sabi niya, nandito na kami so why not. “Yeah, sure. Saan ba?”

His face lit up. “Okay, tara. May bago kasing open na restaurant and I want to try it with you. Dito tayo.”  Tinuro niya 'yung daan at nagsimulang maglakad kaya sumunod na rin ako.

That Rebellious GuyWhere stories live. Discover now