Chapter 01

4 0 0
                                    


“Prepare for a long quiz tomorrow. Thank you everyone! Class dismissed,” anunsiyo ng prof at nagsimula ng magligpit ang lahat sa kanilang mga gamit.

“Hi, Deb, ito nga pala 'yung notes na hinihingi mo kahapon,” saad ng blockmate ko na si Vanessa.

“Uy, thanks, ah. Balik ko na lang bukas, okay lang ba?” Um-absent kasi ako kahapon dahil 'di talaga kaya ng katawan kong pumasok. Kaya ngayon ay kailangan kong mag-catch up ng lessons.

“Sure, wala namang sched for tomorrow. Text mo na lang ako,” nakangiting tugon niya.

“Sige, salamat talaga.” Ngumiti ako.

“You're welcome. Sige, una na 'ko.”

Tumango ako at kumaway kay Vanessa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang class schedule na nasa lockscreen nito. Cleared, wala akong klase for the next two hours.

Naisipan kong pumunta na lang ng library upang maghanap ng libro para sa thesis namin. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng malamig na aircon. Niyakap ko ang sarili habang naglalakad papunta sa section ng thesis books.

Kukunin ko na sana ang libro nang biglang makarinig ako ng mahinang ungol sa isang sulok. Nanlaki ang mata ko. These impulsive young people! Why can't they just do it at home or at least somewhere else?

I sighed exasperatedly, ready to leave when I heard a familiar voice.

“Hannah, you're getting wet already.”

Napatigil ako sa paglalakad at napakunot ng noo. I knew it! Boses pa lang alam ko na kung sino. I shook my head when I felt goosebumps all over my body.

Nagmadali akong umalis sa lugar na iyon pagkatapos ma-register sa librarian 'yung librong hiniram ko.

Umuwi ako ng apartment upang doon na lang magbasa pero bago iyon ay bumili muna ako ng snacks sa cafeteria. Pagtingin ko sa aking cellphone ay may tatlong missed calls galing kay Harriet at isang text.

Naiwan ko plates ko sa apartment, bhe. Wala kang class 'di ba? Pakisuyo naman please. Tsaka baka pwede pakihatid na rin dito sa room puhlease!

Mabilis akong naglakad papunta sa apartment. Pagkalabas ng university, makikita na agad 'yung five storey building na apartment namin. Hindi na ako nag-payong kahit sobrang init kaya pagdating sa apartment ay pinagpapawisan ako.

Unfortunately, nasa 5th floor 'yung room namin pero it's worth it. I like being on top.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla itong bumukas ng kusa at niluwa nito ang taong pinaka-ayaw kong makita. Kumunot ang noo ko. I knew having a mutual friend like Harriet, and the fact that we were both at the same university, it was hard not to see him everywhere.

Still, I manifested to avoid interaction. Of course, not until today.

His expression mirrored mine. But I was more shocked than annoyed.

“Anong ginagawa mo?” iritado kong tanong. Hindi niya ako pinansin at lalagpasan niya sana ako nang hinarangan ko siya, nanghahamon. Sino siya sa inaakala niya?!

“Paano ka nakapasok, ha! Stalker ka ba?”

He sighed exasperatedly. Itinaas niya ang isang expanded envelope na may nakalagay na pangalan ni Harriet. With that, na-gets ko kaagad. Parang nawala ang inis ko sa katawan at napalitan ng kahihiyan. Shocks!

“Sa susunod Miss, huwag kang assuming, okay?” sagot niya. I was left dumbfounded.

Miss? Miss?! Hindi niya ba ako kilala? Ugh! As if naaalala ko rin pangalan niya!

That Rebellious GuyWhere stories live. Discover now