Chapter 03

3 0 0
                                    


“Ah, I'm hungry now!” sambit ni Gela. Katatapos lang namin mag-snorkeling at banana boating. Pabalik na kami ngayon upang mag-lunch at pinag-uusapan nila ang mga nangyari kanina lang.

“Grabe, tawang-tawa ako kay Gela! Muntik pang mahulog, eh!”

“Baliw! Si Chiena kasi... Buti na lang hindi ako nag-two piece.”

Kausap naman ni Harriet ang jowa niya— LDR sila dahil nasa Canada ito at nag-aaral ng medicine.

“So Clark came?”

“Oo, na-scam na naman kami ng mokong!” Harriet laughed. Biglang huminto si Clark nang marinig iyon at nagtama ang tingin namin bago siya sumabay kay Harriet sa paglalakad.

I'm facing their backs now. I almost rolled my eyes when I heard him say he's gwapo pa rin nang kamustahin ito ng jowa ni Harriet. Yes, he was that conceited jerk.

Pagdating namin sa restaurant ay kaagad naming binanatan 'yung pagkain sa mesa. It was a lunch buffet. Sobrang sarap ng mga pagkain. At dahil busog ang lahat ay nakaramdam kami ng pagod.

We decided to take a rest for two hours dahil by 3:00 p.m, mag-su-surfing kami at speed boating while waiting for the sunset.

“Tara, sa jacuzzi tayo while watching Netflix, what do you think?” nakangiting tanong ni Chiena habang naglalakad kami papunta sa aming hotel room.

“Magandang idea 'yan!” ani Harriet.

“Wala ba kayong napapansin?” biglang tanong ni Gela at binigyan ako ng isang makahulogang tingin.

I stared back at her, confused. Bigla naman siyang ngumiti.

“May something kayo ni Clark, 'no?” nakangising tanong niya.

I frowned. Tumawa naman silang tatlo sa naging reaction ko. I quickly shook my head as a response.

“Actually, napansin ko rin... Hindi sila nagpapansinan. 'Yung parang pinakikiramdaman nila ang isa't isa.”

Gela clicked her fingers in front of us. “Exactly! Omg, are you guys hooking up at nahihiya lang kayong aminin sa'min?” Hindi ko akalain na overacting rin pala 'tong si Gela.

“Totoo ba 'yan, Bhe?”

Napalingon ako kay Harriet. “Seriously, pati ikaw? Kaka-rant ko lang sa'yo last week, 'di ba?”

Harriet grinned. Pati na rin ang dalawa at binigyan pa ako ng nanunuksong tingin. I sighed after realising it was a trap for me.

“Is this about Clark?” usisa naman ni Chiena.

“Kung ano man 'yang iniisip niyo, nagkakamali kayo,” paniniguro ko sa kanila saka binilisan ang paglalakad hanggang sa dumating kami sa tapat ng hotel room.

“Kahit crush, wala? As in konting-konti? Promise 'di namin sasabihin,” pangungulit ni Gela. Natawa naman sina Harriet at Chiena. Ang kulit, eh.

“Negative, sis. As in zero, wala,” confident kong sagot. “At paano naman ako magkaka-crush doon, hindi siya boyfriend material.”

Napa-ooh si Chiena at Gela sa sagot ko.

“Sinong boyfriend material?” Napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita si Jim.

“Nandito na naman ang chismoso,” komento ni Chiena. Hindi ko talaga maintindihan ang dalawang 'to— away-bati lang ang peg.

“For your information lang, Madam, dito rin po ang room namin. Kaya maririnig ko talaga kayo,” mabilis na paliwanag ni Jim.

Gela laughed. “For girls only, sorry.”

Pumasok na ang tatlo sa room kaya kumaway ako kay Jim bago sumunod sa loob. Kaagad nagbihis sina Harriet ng two piece nila. Dumiretso naman ako sa banyo upang mag-shower.

That Rebellious GuyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum