Chapter 2 "I Have A Name"

37 9 8
                                    

Chapter 2 "I Have A Name"

Yujin's P.O.V.

"Good afternoon."

"Oh Yujin, nandito kana pala." saad ni Macky sa akin at ibinato sa akin ang isang red apron.

Sinalo ko 'yon at kaagad na sumimangot. "Bakit red 'to? Nasaan na yung black apron ko kahapon?" tanong ko sa kanya.

"Ah. Siguro...ewan, hindi ko na matandaan eh." sagot din naman niyang napapakamot sa ulo. I sighed.

"Ikaw ang naglinis at nagtapon ng basura kahapon 'di ba?" tanong ko ulit.

"Oo. Ako nga."

Lumapit ako sa kanya't few inches lang ang pagitan na itinapat ko ang mukha sa mukha niya. "A-ano bang ginagawa mo?" halos mamula na ang mukha niya habang sinasabi 'yon. She is a girl, natural lang na mailang siya kapag may lalaking gumawa ng ganito sa kanya.

"Just stay still for a moment." matigas kong utos sa kanya.

"A-ah ok."

Tiningnan ko ang mga mata nito and in just for a few seconds na ganun kami napabuntong-hininga naman ako. "Isinama mo pala sa mga basura ang apron ko."

"H-ha? Paano mo naman nasabi? Ahh! Tama ka. Mukhang natatandaan kong may naitapon nga pala akong gano'n sa basurahan kahapon." and she laughed trying to lighten the mood but it did not worked on me. Mas lalo lang 'yong nagpasimangot sa akin.

"Sa susunod na magkamali ka ulit, ikaw na talaga itatapon ko sa basurahan." pagbabanta ko rito.

At natawa nalang ulit siyang humihingi ng paumanhin sa akin nang walang tigil. Nilagay ko muna sa counter top ang hawak na apron at lumabas ng coffee shop na 'yon.

Kunting lakad lang at narating ko rin ang corner na pinagtatambakan ng basura rito sa may tabi ng isang madilim na eskinita.

"Sa pagkakatanda ko, dito banda 'yon." bubulong-bulong ko namang sabi habang sinimulan ng kalkalin at buksan ang trash bag na nandodoon.

Macky is such a clumsy girl. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya and her parents owned the coffee shop I am working with. Na-hire lang nila ako dahil matalik kong kaibigan si Macky.

Ang sabi ng parents niya, bantayan ko raw lagi ang anak nilang ito dahil masyado pang bata para humiwalay ng bahay sa kanila. Clumsy at palaging nakakahanap ng gulo saan man pumunta kaya't palagi talaga akong naka-monitor sa kanya.

Binuksan ko 'yong isang trash bin at do'n ko nga nahanap sa loob ang black apron ko. Hay. Nadumihan pa tuloy. Masasapak ko talaga mamaya ang babaeng 'yon.

And before I returned the lid back of the trash bin may napansin naman akong isang pigura sa madilim na eskinitang ito.

I thought, taong lansangan lang dahil nakasandal lang do'n sa pader at nakaupo sa maruming lupa. Pero nung maaninag ko ito kahit kunti, napansin kong nakasuot ito ng isang school uniform.

A girl. Mukhang wala itong malay dahil nakayuko lang at hindi gumagalaw. Is she one of the students na lulong sa droga at kung saan-saan nalang napapadpad?

Pero no'ng akmang aalis na sana ako bigla biglang may grupo ng kalalakihan na mga gangster ang pormahan na niluwa mula roon sa kabilang side ng eskinita. Bandang highway kasi ang kinatatayuan ko ngayon while 'yong walang malay na babae ay nasa bandang gitna nitong eskinita.

Nagtatawanan ang mga lalaking ito nang mapatigil din nang mapansin ang babae sa may tabi.

"Uy. Ganda pre oh."

"Ano naman kayang ginagawa ng babaeng 'to dito?"

"Tamang-tama, papunta tayo sa kabilang hideout."

"Ano pang hinihintay nyo, bitbitin nyo na para maisama sa mauulam."

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon