Chapter 10 "Medium Psychics"

28 8 8
                                    

A/N: Shout out sayo Shine_Aster. Eto na oh. May update na kaya magbasa kana :D

Chapter 10 "Medium Psychics"

Erika's P.O.V.

"Hindi mo pa rin ba nakikita?"

"Hindi eh. Akin na nga 'yang flashlight, kung saan-saan mo naman tinututok eh."

"Tinutulungan kita."

"Pwes hindi ka nakakatulong."

"Fine. Search it yourself." at dabog nitong nilagay sa mesa ang flashlight bago nakapamulsang lumabas ng room.

Kinuha ko 'yon at ako na mismo ang nag-iilaw sa paligid nitong classroom trying. Looking every dark corners of the place. Every chairs, every drawers every shelves pero wala talaga.

Almost fifteen minutes na kaming naghahanap dito pero walang senyales ng bag ko. I'm sure dito ko lang naiwan 'yon eh. Kanina pa natapos ang festival at kanina pa rin nakaalis ang lahat ng mga estudyante. Sarado na rin ang faculty office at pansamantala munang nag-brownout dahil kasalukuyang may inaayos na poste ng kuryente sa malapit.

Buti natapos mo na ang festival bago nagkaroon ng sira ang posteng 'yon. Talk about lucky.

Maliban sa akin, dahil sa pagkamalas-malas ko biglang nawala rito sa classroom ang bag ko.

"Sino ba naman kasing baliw ang magdadala ng bag sa araw ng school festival nila." nagulat ako't inis na inangatan sya ng tingin. Nakapamulsa at nakasandal lamang sya sa may tabi ng doorway at nakaharap sa akin. "Why are you looking at me like that? You planning something?" dagdag pa nito.

"Yeah. I'm planning on throwing you out of the window."

"I can fly, don't even bother."

"Edi sasaksakin na lang kita ng ballpen para madali."

"How can striking someone with a ballpen big as you an easy way to kill? Martial art expert ka ba?"

"Don't talk to me or I'll choke you to death."

"So choking me is another option. Murderer."

"Tumahimik ka. Rapist." sagot ko rito at lumabas na ng classroom.

"So I raped you in your dream? Parang hindi naman yata ako 'yon?" I heard a door closing at napapansin syang nakasunod sa akin.

"Tumigil ka na nga. Ang laswa pakinggan."

"You entertained that topic first."

"So kasalanan ko?"

"Yes."

"FYI. Kasalanan mo 'yon. Kung hindi ka pumasok sa shower room habang naliligo ako edi sana. Auurrrgh! Ayoko na talagang alalahanin pa ang nangyaring 'yon." I controlled myself at itinuon nalang muli ang isip sa kung saan na ba napunta ang hinayupak na bag ko.

"You're stressing yourself with just a mere dream."

"Hindi lang 'yon dream. Nightmare 'yon. Nakakakilabot kaya ma-rape."

"Hindi nightmare 'yon. It's a 'dream-come-true' scene."

Natawa ako. "Anong pinapalabas mo? Na gusto kong magpa-rape sayo?"

"We don't know. Hindi ko nababasa utak mo so I'm curious too."

"Alam mo, ang feeling mo."

Tahimik kaming naglalakad ngayon. No'ng sandaling makababa na kami sa ground floor bigla akong natigil nang biglang lumamig ang hangin. Nanindig bigla ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon