Chapter 12 "Mafia"

23 5 7
                                    

Chapter 12 "Mafia"

Yujin's P.O.V.

That kiss at the way while going to school was intentional and does not make a meaning at all. Nainis lang ako sa kanya kaya ko 'yon ginawa. I thought it might annoy her too and so she was indeed angry at me.

But the second kiss inside that classroom was not. Because it has a reason.

The presence of her mysterious stalker was just right there. Hindi ko matukoy kung saan mismo nanggaling dahil tila ba'y scattered ang presence nito kaya't hindi ko ma-pin point kung saang direksyon ba dapat ang bigyan ko ng atensyon.

Pero alam kong nasa school lang ito. Nasa paligid lang ito ng campus. He probably sensed me too pero ang babaeng ito ay hindi man lang 'yon namamalayan.

Wala syang kaalam-alam na napapalibutan na sya ng masamang enerhiya ng stalker nya kaya't no'ng akmang aalis na sya sa room saktong walang ibang tao rito maliban sa amin kaya't sinarhan ko sya ng pinto.

Sa natutunan ko, there are many types of ways to brush-off demonic energies from people. Pwede mo silang pitikin sa noo nang sobrang lakas para mawala ang enerhiyang 'yon. Pero gagana lang kapag psychic ka or nararamdaman mo ito.

Pwede ring pisilin ang pisngi nito or tainga o sampalin sa mukha. And the last thing and the limited way to do it, is by making that person felt hot or excited enough para mapaalis ang enerhiyang mababalot sa kanya.

Kapag hindi 'yon naagapan agad, that person surrounded by the bad energy will developed sickness or any body aches. Even heart attacks or anxiety.

It needs to be avoided na mabalot sya ng tuluyan dahil magiging cost din 'yon ng suffocation na walang normal na rason kung ordinaryong tao lang ang makakasaksi o makakaramdam nito.

Why did I kiss her? Kung pwede namang sampalin o kurutin sya? Well. It's none of your business. It's the most effective way to get her excited that's all. Isa pa, she might hate me more kung sasaktan ko sya. Dahil it needs intense pinching para talaga mawala agad ang bad energy.

It's not right to hurt girls, obviously.

I don't have to let her know. Dahil kapag sinabi ko sa kanya ang rason, she might scare herself more kahit na alam kong nasa mga kamay na sya mismo ng stalker na 'yon at kunting panahon na lang bago sya nito tuluyang makuha talaga.

Sapat nang malaman nya na may psychic stalker sya maliban do'n sa bad energy na nakapalibot sa kanya. Kapag nalaman nya 'yon, siguradong matatakot sya lalo at magiging sign of weakness nya 'yon na mas magiging vulnerable pa sya pagdating ng panahon.

By that time, mas mabilis syang mababalot at malalapitan ng bad energy at siguradong hindi ko na 'yon magagawa pang pigilan like the last time I protected someone. We don't want to make the same mistake, do we?

Siguro naman, hindi nya bibigyan ng malisya ang ginawa ko.

******

Erika's P.O.V.

Hindi ko talaga kayang balewalain ang bagay na 'yon eh. How can that jerk kiss me two times nang gano'n lang kadali?

Para bang naglalakad lang sya sa clouds sa sobrang dali lang ng ginagawa nya habang ako itong halos atakihin na sa puso sa pinaggagagawa nya sa 'kin. Ano ba ako sa palagay nya, kissing dummy? Pwede lang halik-halikan kahit kailan nya gusto?

What does he even mean he needs to do it, huh? May rason ba talaga 'yon? Or rason-rason nya lang 'yon para makalusot? Hindi ko talaga alam kung saan ako matatakot, sa kanya or sa stalker ko.

"Ba't ba ganyan 'yang mukha mo? Nag-away ba kayo ng asawa mo?" tanong naman sa akin ni Macky at naupo sa kaharap na chair. Nandito kami sa coffee shop na pinapatakbo nya at dahil weekend naman, ay dito muna ako nakikitambay. It's raining so it's a better timing na magkape rito.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon