Chapter 11 "Kiss"

31 7 11
                                    

Chapter 11 "Kiss"

Yujin's P.O.V.

"Hoy. Saan ka ba naligo kanina?" naglalakad kami pareho nitong babaeng 'to nang biglaan nya akong tinanong. I looked at her with my usual snob face.

"Edi sa shower room." tipid na sagot ko rin bago ibinaling muli ang atensyon sa harapan.

"Saang shower room?" she asked again.

"Kay Joven."

"Wehh. Totoo?"

"Is that even worth asking?" I remarked looking at her again while both hands slid down my pants pocket.

"Eh napansin ko kasi. Parang may amoy shampoo na yung shower room no'ng pumasok ako." saad pa nya. "magsabi ka nga ng totoo, saan ka ba talaga naligo?"

I sighed. "Sa shower room nga. Sa shower room ko. Happy?"

"Happy." she answered back with a thumbs-up while smiling.

Kinunutan ko lang sya ng noo. "Why are you smiling?"

"Why not?" she answered. "masaya lang ako na hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako sinisingil sa renta sa apartment mo. Pero pramis, maghahanap na ako ng trabaho kapag may free time para magka-pera na ako. Pwede pa ba sa coffee shop nyo? May bakante pa?"

"Wala na." sagot ko rin dito at tila napanghinaan agad sya ng loob at napabuntong-hininga.

"Siguro maghahanap na lang ako ng ibang shops na mapapasukan." saad din naman nito sa sarili. "pwede siguro do'n sa nadaanan nating convenience store 'di ba?"

"'Di mo ba nakita yung nakalagay sa wall katabi sa main door nila?" I asked kaya't taka syang napatingin sa akin. "it reads 'No vacancy'."

"Ha?" gulat nitong tugon sabay nilingon ang shop na tinutukoy namin na isang minuto na rin mula ng madaanan namin ito. "bakit yata 'di ko nakita 'yon kanina? Sure ka ba talagang may nakalagay do'n?" then she looked at me again with still a confused expression.

"Do I looked like a liar to you?" I questioned her instead na tinaasan pa ng isang kilay.

"Yup. I guess liar ka naman minsan eh."

"Maiwan na kita." nilakasan ko na ang paglalakad na kanya rin namang ikinabigla at napasunod agad sa akin.

"Hoy! Hintayin mo 'ko. Baliw ka." sigaw nito sa'kin but I ignored her.

"Go away. Hindi kita kilala." sungit kong tugon din dito.

"Galit ka ba dahil tinawag kitang liar?" nakakasunod pa rin naman sya sa 'kin kahit hinihingal na.

"What would you expect my reaction would be then?" I asked still not looking.

"You should just laugh about it? Joke lang kasi 'yon ikaw naman, pikon ka talaga masyado." she answered before cutely laughing. "'wag kang mag-alala, mawawala 'yang init ng ulo mo kapag nakahanap na ako ulit ng part-time job."

I suddenly stopped walking at hinarap sya, so itong halos patakbo ng sumusunod sa likuran ko, hindi nakahanda kaya't bigla syang bumangga sa katawan ko. "Aray." she whispered bago napatingala sa akin ng gulat nyang mukha while inches apart lang ang distansya naming dalawa.

"You don't have to find any part-time job to repay me. Kapag walang klase, sa apartment ka lang. Kapag lalabas ka dapat kasama ako and lastly lahat ng utos ko dapat sundin mo. It's for your own good. Got it?" saad ko rito habang nakatitig sa mismong mga mata nya.

Hilaw syang napangiti habang pilit dini-distansya ang mukha mula sa akin. "Pero kasi. Hindi naman siguro tama 'yon."

I sighed in desperation. "You're annoying." I said in a serious tone.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon