Chapter 5 "The Stalker's Presence"

23 9 5
                                    

Chapter 5 "The Stalker's Presence"

Erika's P.O.V.

Dahil sa dami ng nangyari at sa mga iniisip ko kagabi lagpas 8 am na ako nagising. Natataranta naman akong nagpunta kaagad sa shower at halos dalawang minuto lang ang ligo ko bago na rin mabilis na nagbihis ng uniporme.

Oo nga pala, hindi pa ako nag-aagahan. Pero ipagpapaliban ko na muna 'yon dahil late na talaga ako.

Pagkatapos kong maisuot ang doll shoes lumapit na ako sa pinto but before I can open it up bigla kong naisip na nandito pala 'yong lalaki sa room ko natulog kagabi.

Lumingon ako sa sofa and he is not there as I think. Siguradong umuwi na 'yon kanina habang humihilik pa ako. Sa sobrang pagkataranta ko, hindi ko namalayang may lalaki pala akong kasama rito kagabi.

Hindi man lang ako ginising, 'yan tuloy late na ako.

Hay, bahala na nga 'yon. Binalik ko na sa pinto ang atensyon at pinihit na ito pabukas pero hindi ko 'yon natuloy ulit dahil sa isang sticky note na nakadikit sa may bandang itaas lang ng seradura nito.

Napakunot ang noo kong tinutukan ang nakasulat. At dahil cursive ang estilo ng pagkakasulat inis ko itong hinablot doon at tinutukan pa lalo dahil hindi talaga mababasa kapag malayo ang mata mo.

The letter said; "Thanks for the shower last night. Except for letting me sleep on the couch. You looked stressed so I did not bother waking you up instead I made some breakfast for you. I was planning on poisoning that food but unfortunately I did not bring some with me so you are still lucky. If you don't eat it now, then die in hunger. You are already late so don't bother running to school in a hurry. Always be careful with that stalker of yours. I can still sensed his presence even in the middle of the night so I ended up guarding you till morning. What a nuisance, really. . . ...from stranger."

Halos dumugo ang mata ko sa hirap ng pagkakasulat nya but I still managed to read the whole message. Nang dahil dito, mas na-late pa ako sa school.

Bumalik naman ako sa kusina at hinanap 'yong pagkain daw na hinanda nya para sa 'kin. Hindi naman gano'n kahirap 'yon hanapin so kinain ko nga 'yon.

Hindi ko inubos para may makain pa ako mamayang gabi. Pero infairness, ang sarap nya pa lang magluto.

"Miss Gomez. Bakit ka late?" nandito na ako sa school at tinatanong ng second subject teacher ang maaaring ipapalusot ko sa kanya.

"Ahm. Hindi po kasi ako maayos na nakatulog kagabi kaya. Kaya nahuli ako ng gising." pagpapaliwanag ko rito. Honest ako, pero ang mahirap walang ni isa ang buong magtitiwala sa sasabihin mo.

May 50% or 80% tyansa na pagdududahan ka talaga nila lalo na kapag common na sa lahat ang mga rason na ganyan. Pero ano nga ba ang magagawa natin kung 'yon naman talaga ang totoo?

"Ayoko ng maulit pa ito, naiintindihan mo ba? Busy ang lahat sa darating na school fest kaya dapat hindi rin kayo maging pabaya sa mga preperations. Pagkatapos ng school fest, exam na for third quarter kaya hindi nyo rin dapat kalimutang mag-aral okay? Take rest, study, preparations, enjoy. Ganyan ang buhay ng estudyante. Be responsible enough."

"Yes maam." sabay-sabay na tugon ng mga kaklase ko sa aming guro.

Sa wakas nakaupo na rin ako at pasalamat ako dahil busy talaga ang lahat ngayon na parusahan ang mga lumalabag sa school rules. I am saved!

"Erika. May pinapasabi raw si maam. Sabi nya may parusa ka. Ihatid mo raw ang mga music sheets pabalik do'n sa music club room." si president ang sumira sa magandang pakiramdam ko kaya't kahit sungitan ko sya hindi ko pwedeng gawin.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon