Kabanata 8

20 2 12
                                    

Kabanata 8

"My god!"

Halos mapaigtad ako sa lakas ng tiling iyon. Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nangyari, the only thing I was certain right now, is I bumped with one of the most notorious brat in the campus!

It was Jam, ang nakababatang kapatid ni Krystel.

"What the eifin' fvck is wrong with you?! Hindi ka ba nakakakita?"

My lips pulled at one corner. She's no different—and uglier. Kung ang kapatid niya ay mukhang super model, ito naman ay mukhang gangster. Don't get me wrong, 'di naman mukhang tambay. She has this dark aura kasi.

I took a deep breath and utter, "I'm sorry."

I was about to leave but she pulled a strand of my hair and that draw creases on my forehead as I turned around and asked, "Bingi ka ba?"

Mas namula ang mukha niya. "What?!"

"Nag-sorry na ako dahil hindi ko naman sinasadyang makabangga ka. Bukod sa paghahanap ng gulo, saan pa ba kayo magaling ng kapatid mo?"

She rolled her eyes. "The audacity?!" Walang ano-ano'y lumapit siya sa akin. "Napalapit ka lang kila Maverick, tumapang ka na?" Amo'y na amo'y ko ang sigarilyo mula sa hinginga niya. Doon ko lang napansin ang hawak-hawak niyang sigarilyo at pinagmasdan siyang paglaruan iyon sa pagitan ng kaniyang mapulang labi.

Hindi ba't bawal manigarilyo sa school?

Iba talaga ang nagagawa ng maiimpluwensiyang tao. Malakas ang loob na sumuway kasi alam nilang kaya nilang tumbasan ng pera ang kalakaran. Hindi ko naman sinasabing lahat ng mayayaman ay katulad nila, sadyang iba lang ang ikot ng bituka ng isang 'to.

Bakit pa nga ba ako magtataka? Kung ano ang puno, pare-parehas din ang bunga. Kung makatili nga lang ang isang 'to, akala mo naman ay napakalaking kasalanan na ang aksidente kong pagkakabunggo sa kanya. Palibhasa maaarte.

Nagbalik lang ako sa ulirat nang ibinuga niya sa mukha ko ang usok na nagmumula sa bibig niya!

Wala na ngang itsura, mukhang hindi pa naturuan ng pakikipagkapwa tao ang babaeng 'to.

"And don't you dare compare me to that bitch, hindi kami magkapatid, kuha mo ba?!" Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang panggagalaiti niya habang sinasabi iyon. Kakaiba ang riin at emphasis niya sa bawat salitang tinuran.

I wondered to myself, "Hindi pala magkasundo ang magkapatid na 'to."

I smirked when I suddenly remember how Maverick and Mhiko argued. Mas cute nga lang silang mag-away, may humor ang mga asaran.

"Wag mo nga akong nginingitian dahil nakakairita ka." Doon ko napansin nakangiti nga ako. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo."

"Gaano ba kahirap intindihin ang aksidente?" malamyang tanong ko. "Look, I'm sorry, Jam. I didn't mean it, okay?"

She raised a brow. "Mag-ingat ka sa mga binabangga mo, Ms. Constello dahil hindi ako katulad ng estupidang si Krystel at isa pa," gamit ang kanyang hinlalaki ay ini-angat niya ang baba ko upang magpantay ang aming tingin. "Hindi ako takot sa mga Amadeo." Pabarag niyang hinatak ang kanyang kamay saka naglakad papalayo.

Nang hindi ko na siya maabot ng tanaw ay naparoloyo na lang ako ng mata. Inayos ang aking postura saka naglakad patungo sa building namin.

Hindi pa man ako nakakapasok sa lilim ng building ay may mga lalaking naka-suit na humarang sa akin. Sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, muntik pa akong mawalan ng balanse, buti na nga lang ay nagawa ko pang makahawak sa railings doon.

Chasing After His Fearsome Soul (Amadeo Series#1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें