Kabanata 7

15 1 0
                                    

Kabanata 7




Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay dali-dali akong nagtungo sa aking kwarto para maligo. Inilapag ko ang mga gamit ko sa side table, hinablot ang tuwalya sa gilid ng wardrobe saka parang kidlat na nagtungo sa banyo. Ramdam na ramdam ko ang sobrang lagkit sa aking katawan at ganoon na rin ang sobrang pandidiri sa mga pangyayari kanina. Lininis at mariing kinuskos ko ng sabon ang aking sarili, mula ulo hanggang paa. Ngunit kahit ano yata ang gawin ko, kahit magkandasugat-sugat ang balat ko sa diin ng pagkuskos, hindi iyon magiging sapat. Nandidiri ako!

Nang matapos ay agad akong lumapit sa shower at pinadaos-dos ang tubig sa aking katawan. Napapikit ako habang dinadama ang lamig nito, gayon pa man ay walang gaanong epekto sa akin iyon dahil sanay naman ako.

Nakapanghihinang isipin ang paulit-ulit na pasakit na nararanasan ko buhat ng lumipat ako sa paaralang iyon. Hindi ko lubos akalaing magagawa ng demonyitang Kristel na 'yon ang ipagahasa ako. Sa kahit ano yatang anggulo ay hindi siya tatanggapin sa langit, baka nga pati sa impyerno ay itakwil na siya ni Satanas.  Walang kasing itim ang budhi niya, napakasama.

Muling namutawi sa aking isipan kung paano ako tinulungan ni Maverick. Hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako sa kabila ng alitan sa pagitan naming dalawa, and I'm thankful for that. Baka nga kung wala siya roon ay wala na rin akong pechay na sariwang maihaharap sa mapapangasawa ko, charot! Kung wala siya roon ay baka napahamak na ako. Iyon ang katotohanang kahit hindi ko gustuhin ay wala na rin akong magagawa. Lubos na kagalakan at pagpapasalamat sa kanya, iyon na lamang ang dapat Kong maramdaman ngayon.

"Hailee!" tila anim na yatang sunud-sunod na katok ang narinig ko mula sa pintuan ng aking kwarto.

Nawala akong ng gana at naapektuhan no'n ang buong sistema ko. Gusto kong kalimutan ang lahat ng mga nangyari ngayon. Kahit itong ngayon lang, nagsusumamo ako, diyos ko.

"Baby, are you there?! I could here the shower!" Mom sounded desperate this time.

I opened my eyes and turned of the shower. "Yes Mom?!"

"Bilisan mo na riyan at nakahanda na ang hapunan!"

Napabuntong-hininga ako. "Wala ho akong gana."

"Do you want something, my love?" animo'y may pag-aalala sa boses niya.

"Rest, I guess?" Hindi ko na naman nagawang pigilan ang bugso ng aking damdamin matapos mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi naman ito kapansin-pansin dahil basa ang aking mukha, gayunpaman ay ramdam ko pa rin ang kakaibang init ng likidong ito. Hindi na bago sa akin ang umiyak nang tahimik ngunit iba pa rin talaga ang kirot ngayon.

"Kumain ka pa rin pagkatapos mong maligo. No more buts, Hailee." I heard the footsteps outside my door, evaded. She's not outside anymore, for sure.

"Opo," payak na sabi ko sa aking sarili. Muli kong binuksan ang shower at agad na nagbanlaw.

Nang matapos ay agad kong inabot ang tuwalya at binalot ang sarili. Nagpunas ako at tinuyo ang aking mga buhok saka kumuha ng pares ng pantulog sa aking damitan, nagbihis at dali-daling nagtungo sa baba.

"How's school?" Nakangiting bungad sa akin ni Mommy. "You don't look well, tonight, baby. What's wrong?" Lumapit siya at hinigit ako ng yakap. Napapikit ako habang dinadama ang marahang paghaplos ng kamay niya sa aking ulo, pababa sa aking batok.

Unti-unting namutawi sa aking isipan ang panyayari kanina sa parking lot. How I beg, "'Wag ako, maawa kayo, kuya."

Should I tell her or not?

Baka ma-praning din siya. Knowing my Mom, she never want to know I have been in trouble.  Paniguradong mag-aalala lang siya. Kung hindi ko naman sasabihin ay baka iba naman ang makapagsabi. Kung paiikliin ang eksplinasyon, malalaman at malalaman niya pa rin. Mas mabuti na rin yatang magmumula sa akin.

Chasing After His Fearsome Soul (Amadeo Series#1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat