Kabanata 5

37 4 12
                                    

Kabanata 5

Warning: Mature contents are waiting ahead, read at your own risk!



"Ayos ka lang ba, Hailee? May masakit ba sa 'yo? Kumusta ang pakiramdam mo? Bakit ka umiiyak? Anong ginawa niya sa 'yo?" sunud-sunod at hindi mapakaling tanong ni Vlaighn sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa harap ng salamin sa loob ng washroom. Pinakatitigan ko ang sarili na para ng basahan dahil sa pangbababoy sa akin ng babaeng iyon. Mabuti na nga lang at nakaganti ako, nakaapat din yata siya ng sampal. Hayop na 'yon.

"Ano bang nangyari?" Muling nanumbalik sa aking isipan ang busina. Walang ano-ano'y nangatal na naman ako.

I looked at Vlaighn and said, "I h-heard the s-sirens, Vlaighn. I'm s-scared," nangangatal ang labing tugon ko. "I s-shouldn't heard t-the s-sirens," dagdag ko pa. Naiiyak na hinatak niya ako papalapit sa kanya at hinigit ako ng yakap saka patuloy na inalo.

"Shh. What did he do to you?" muli niyang tanong. "Ihinampas ka niya sa busina."

"Eh, kung sampalin kita?" umiiyak pa ring biro ko.

"So, ano ngang nangyari?"

"Her girlfriend slapped me multiple times," ani ko kung kaya't agaran siyang napakalas at bumakas sa mga mata niya ang matinding galit at inis. "Pinagtulungan ka nila?" Lumabas ugat sa litid niya.

I smiled and wiped my tears. "Si Kristel lang sinampal sa akin. 'Yung iba mukhang nag-atmospheric modeling lang, may mga putok naman," tipid na ani ko saka umupo sa inayos ang blusa ko. "Wag mo na ring isipin masyado dahil nakaganti naman ako."

"Good to know. 'Wag mong hahayaang basta-basta ka na lang nilang aapakan. The only realization that hit me as soon as I step a foot in this school, kawawa ang walang laban. Mas kakawawain pa ang walang lakas ng loob na lumaban."

"Let's go! Maaga pa sa guard ang History Lecturer natin."

Naglakad siya papalabas at gayon na rin ako. She's way better than me, stronger than me and above all, she's prettier. Haha, Wala nga lang silang business partner na Amadeo. Asar.

Narating namin ang classroom at walang pasabing dumiretsiyo sa upuan naming dalawa. "Amoy basura na naman," pagpaparinig niya sa nagkukumpulang mga marites doon.

"Siya 'yung babaeng nakanti ni KM kanina," rinig kong bulong ng isang kaklase ko.

"Maybe, hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya."

"Pero nakaganti raw, mga sampung beses daw sinampal si KM," bulong pa nung isa.

"Siyam lang,"sabat ko na ikinatigil nila. Napatingin sila sa akin at nakakaloko ko silang nginisian.

"Nakasampal ka ng siyam?" gulat na tanong ni Vlaighn. Napatango ako saka isinalansan ang sarili sa aking upuan.

"Saglit, makiki-chismiss nga ako!"

"Wag mo na lamang sila pansinin, magsasawa rin ang mga 'yan," pabulong na ani ko. Kumpara kanina ay mas kumalma na ako, marahil dahil kasama ko na si Vlaighn at naiiyak ko na ang kaba at sakit na naramdaman ko.

"Paano mo naatim na sampalin?" tanong ni Rebecca. "Hindi ka ba natakot man lang?"

"Bakit ako matakot sa kanya, eh hindi nga ako natakot kay Maverick sa kanya pa kaya."

"Yabang mo naman!"

Binalingan ko siya ng tingin at Inalis ang aking salamin. "Lintek lang ang walang ganti." Naiirita siyang umalis sa harap ko.

Chasing After His Fearsome Soul (Amadeo Series#1)Where stories live. Discover now