Kabanata 2

62 23 6
                                    

Kabanata 2




Lumapit si Mhiko sa gawi ko. Sinipat niya pa ako ng tingin at napailing saka kinuha ang panyo sa kaniyang bulsa bago ito inilahad  sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa simpleng bagay na iyon. Idinampi ko ito sa aking mukha at nanuot agad sa aking ilong ang napakabangong pabango niya. Bigla yatang nawala 'yung inis ko nang makita ko siya!

Nalintikan na! Lord, kung hindi siya para sa akin, kunin mo na po siya.

I snapped out of my tiny bubble when Mhiko started to talk.

"What's your problem with her?"

Maverick's eyebrow logged in line. "It's none of your business! Ano bang pakialam mo?" Animo nama'y galit na galit siya sa pakikialam ng binata.

"She's a girl for pete sake," kunot-noo pa ring dagdag ni Mhiko habang papalit-palit ng tingin sa amin. Pinukol niya ng tingin si Maverick sabay tanong, "Bakla ka ba?"

"Pfft... HAHAHAHAHA!" rinig naming tawa ng dalawang babaeng kasama nila.

Ang mga nakapaligid sa aming estudyante ay halatang nagpipigil na rin ng tawa ngunit dahil sa kakaibang dating ng mga titig nitong si Maverick ay walang naglalakas loob na tumawa.

Alam niyo ba 'yung pakiramdam na tawa mo mismo ang maghahatid sa 'yo sa huli mong hantungan? Don't you ever dare to laugh at any serious moment of his life. Or you'll be buried six feet below the ground, dead or alive.

"Ano bang pakialam mo?" Agad na naagaw ni Maverick ang atensiyon ko. Nation Ang aking mga mata sa sobrang pagkuyom ng kamao niya. Parang isang kalabit na lang ay maisusuntok niya na ito!

His eyes locked with mine. I don't know why I feel so nervous right now. "—and stop covering her up! I wan't her to be fully aware of whom she messed up with," seryosong angil pa nito ngunit inirapan lang siya ni Mhiko. "You must be out of your mind." At muli niyang ibinaling sa akin ang tingin.

He tried to smile. "Ayos ka lang ba, Hailee?"

His smile makes me feel that I'm in the world's safest place.

Ngumiti ako saka tumango bago siya sinagot. "Hmm, salamat."

He looked at Maverick with a sharp look. "Mag-usap tayo mamaya," seryosong aniya.

Maverick raised his left eyebrow. "Ayoko nga!" malakas na sigaw niya. "Matapos kang makialam kakausapin mo ako? Who do you think you are?" napailing si Mhiko dahil sa sagot ni Maverick.

"Let's talk. I'll get back to you, Maverick."

"There's nothing to talk about! Walang dapat ayusin at walang dapat pag-usapan. Daig mo pa ang jowa ko."

Humakbang papalapit si Mhiko. "Nasaan nga ba ang jowa mo at magagawa mo pang makipaglampungan sa iba?"

"What the fuck?!"

Ibinaba ni Mhiko ang tingin saka kinuha ang kaniyang telepono mula sa kaniyang bulsa. "Hello, Kristel?"

Maverick tried to snatch the phone from him but Mhiko moves quicker than he does. So, he failed. "What the heck are you doing?!"

"Nakalimutan mo yatang itali 'tong aso mo," Mhiko said. I bet he's pertaining to Maverick. "Nandito siya ngayon sa cafeteria, panay ang tahol. Alright, thanks."

Iniwan niya ang nagngingitngit sa galit na si Maverick saka lumapit sa akin. "May dala ka bang damit?"

Napailing ako nang maalalang first day ko pala ngayon at wala pa sa aming nai-a-assign na locker, kaya't wala akong nadalang pamalit. "No one's expecting this by the way," I stage-whisper.

Chasing After His Fearsome Soul (Amadeo Series#1)Where stories live. Discover now