Kabanata 4

50 3 4
                                    

Kabanata 4



Nagising ako sa sobrang ingay sa baba ng bahay! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman buha nang ako'y magising sa aking pagkakahimbing. Bagama't labag sa kaloobang, tmayo ako at kinusot ang aking mga mata. Sinalubong agad ako ng nakasisilaw na liwanag mula sa malaking bintana ng aking kwarto. Siguro ay nakalimutan ko 'yong isara kagabi.

Inalis ko ang nakabalot sa aking comforter at isinuot ang sapin sa paa. Pahikab-hikab pa akong lumabas ng veranda at mula room, tanaw na tanaw ko ang isang magandang dilag. Ang ina ko'y nakatayo sa may paanan ng pool na pinapaayos niya.

"Good morning, Mom!" Sinadya kong isigaw para naman marinig niya. She shifted her glance and waved at me. She mouthed, "Good morning, my love."

Nakangiti pa akong napailing saka pumasok sa banyo at naligo. Pinadaosdos ko ang malamig na tubig sa aking katawan. Minsan ko lamang Makita si Mommy rito sa bahay at kadalasan ay ganito pa. Kung Hindi may ipinapa-renovate, may kausap na business partners, o kaya naman investors. Hindi na bago sa akin ang mga tagpong ito, sanayan lamang.

"Hailee!" naimulat ko ang aking mga mata dahil sa sigaw na nagmula sa labas ng pintuan.

Napahilamos ako gamit ng aking palad "Yes, Mom?"

"Someone is looking for you!"

"Someone is looking for me?" I asked myself. Lumalim ang gitla sa noo ko habang patuloy na winawari kung sino ang tinutukoy niya.

Could it be Vlaighn? I guess so. Nakagawian na rin ng loka-loka na maagang pumasok para rito sa amin mag-drop by. Ginagawa pang personal driver ang driver namin. Well, it's not as if I mind. Maaga lang talaga akong nabubulabog ng pagbubunganga niya.

"Malapit na po," seryosong tugon ko.

Agad akong tinuyo ang aking katawan at nagtapis ng tuwalya bago tuluyang lumabas ng banyo at nagbihis.

Back to my signature look. My hair was tied bun. thick eyeglasses on, and my not-so-perfect bare face. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Nothing looks new.

Owtomatiko naman akong napangiti. "Sabi nila, wala raw ginawang pangit ang panginoon." Hinarap ko muli ang sarili saka walang pakundangang napailing. "Tangina! Edi, sino ang gumawa sa akin?"

I laughed, crazily!

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hadgan. As I'm on my way there, I was wearing my casual jolly smile but it eventually evaded when I saw the man sitting in the couch, right next to my gorgeous mother. They are laughing.

"Hailee!" Agad rin naman akong napansin ni Mommy na hiniling kong sana'y hindi niya na lang madaling nagawa. "Come here, darling."

Hindi pa rin mapawi ang ngiti niya habang nagpapalit-palit ng tingin sa amin ng bangaw, na medyo hotness.

"What are you doing here?" taas-kilay na tanong ko.

"Magkakilala kayo?" bakas ang kagalakan sa boses ni Mommy.

Mapakla akong napangiwi. "Obviously, Mom. I forfeited any desire to forget the face of this asshole!"

Literal na nanlaki ang mga mata ni Mommy dahil sa sinabi ko. Parang walang epekto sa akin ang naging reaksiyon niya dahil totoo naman ako sa aking tinuran.

He laughed. "I thought we're in a good terms, Ms. Constello? I even caught you flustered last night, right?"

Gusto ko siyang sapakin! Kitang-kita naman na naguguluhan na ang nanay ko sa mga nangyayari. Sino ba namang hindi, 'di ba? Ang kapal-kapal talaga ng lalaking 'to! Sa  mismong bahay ko pa napiling mandemonyo.

Chasing After His Fearsome Soul (Amadeo Series#1)Onde histórias criam vida. Descubra agora