Prologue

42 5 13
                                    

Suzy Ramirez The Female Protagonist’

End of Chapter’







@yvonne
Ano‘ng nangyari?

@clark
Bakit nag-iba?

@james
May ilang beses ko na ‘tong binasa pero bakit naging ganito?

@kyla
Hindi kaya pinalitan ng author ang plot?

@yana
Pinalitan? Nabago lahat sa isang araw lang?

@mikko
Ano‘ng ginawa ni 782?

@chelsea mentioned @mikko in comment
‘sinisisi mo ba ang author? Baka naman may nangyari lang.

@anna
Tama, hintayin na lang natin si 782

~~






Ano‘ng nangyari? Bakit ganito? Tsaka nasa‘n ako? Bakit hindi na ako ang nasa libro? May pumalit sa ‘kin? Sino?”

“Gusto mo bang sagutin ko ang mga tanong na ‘yan?”

Napalingon si Suzy sa likod nang may magsalita, halata sa tinig nito ang katandaan. Nakasuot ng salamin, itim na pants, t-shirt na pinatungan ng vest. Kung titingnan, mukha siyang magician.

“Sino ka?”

Tumawa ang matanda at na-meywang. “Valencia—apelyedo lang ang me‘ron ako.”

“Po?”

“Ehem... Hindi ba gusto mong masagot ang mga katanungan mo?”

Opo.

Nakatingin lamang si Suzy kay Mr. Valencia ang humahawak sa Fairies Shop—ang book publishing, o mas tamang sabihin na, ang nag-aasikaso sa mga fictional character.

“Ano‘ng nangyari? Hiniling ng babae na makapasok sa libro mo—at nangyari nga. Siya ang gumampan sa buhay mo—at ikaw ang gagampan sa buhay niya kaya, nandito ka sa totoong mundo.”

“Po?”

“Isa lang ng paraan para maayos ang lahat—well, hindi lang dahil sa hiling ng babae, kun‘di dahil na rin sa author mo.”

“Hindi ko po maintindihan.” Umiling si Suzy nang sabihin ‘yon.

Mahinhin ang kan‘yang boses, Mahinahon, Magaan at Malambing.

“Nasa totoong mundo ka Suzy, alam kong alam mong hindi ka tao.”

“Hindi ako tao?”

“Oh, ang ibig kong sabihin, tao ka—pero imahinasyon lamang. Hindi ka tunay, mali rin ako dahil akala ko alam mo na.” Tumikhim si Mr. Valencia, aminin nating medyo komedyante ang matanda. “Ang paraan lamang para bumalik sa lahat ang dati ay hanapin ang author mo at sabihin sa kan‘yang ibalik sa dati ang plot.”

“Dahil kung hindi, mawawala ka Suzy, mawawala ang lahat nang sa ‘yo na parang hindi nag-e-exist.” Mataman lamang na nakikinig si Suzy.

“Naiintindihan ko na po.”

“Malalaman mo pa ang ibang kasagutan sa author mo.”

“Kung gano‘n,... sino po siya?”

The Pulsation Of HeartbeatOnde histórias criam vida. Descubra agora