Reconcile
Lorence Pov
“Ikaw lang ang lagi kong nakikita, ikaw lang ang gusto kong makasama.”
Inangat ko ang kamay at marahang dinala sa pisngi niya. Nilapitan ko siya nang hindi siya gumalaw.
“Walang distans‘ya ang pag-ibig na meron tayo Qeuiry.”
Hindi siya nag-salita. Matagal din kaming nagaka-titigan. Lumapit pa ako sa kan‘ya para yakapin...
“Cut!”
Napa-ayos ng tayo nang putulin na ang scene. Pareho kaming tumingin kay Ms. Jen.
“Perfect!” Masayang puri niya tsaka umakyat ng stage.
“Ang galing. Ang ganda. Gano‘ng klaseng emosyon ang gusto kong makita.” Tuwang-tuwang saad niya. “Lorence,” baling niya sa ‘kin. “Hindi ko inaasahan na magagawa mo ang gano‘ng klase ng role, dahil alam kong hindi ito ang style mo. But you did your best! Sabi na, kaya mo at bagay sa ‘yo.” Tumango lang ako.
“Suzy,” Baling naman niya sa kan‘ya.
“Po?”
“Wala akong masabi, dahil ang galing mo talagang umarte, kuhang-kuha mo ang karakter ng babae sa role.”
“Talaga po?”
“Oo naman.” Hindi na siya sumagot, pero nginitian niya siya.
“Sige, take your break. Sa ngayon, ang aasikasuhin muna natin ’yong mga dancers.”
Tipid ko s‘yang tinanguan. Tsaka inaya si Suzy na bumaba na ng stage. Ngumiti pa siya kay Ms. Jen at kumaway. Nginitian rin siya nito pabalik.
“Nasa‘n na ang mga dancers natin?” Sigaw niya, tsaka naman sila nag-labasan sa back stage.
“Position! Alice, ikaw ang mag le-lead sa kanila okay?”
“Opo.”
“Okay. Let‘s start. Play the music.”
“Tara.” Bulong ko sa kan‘ya, dahilan para lingunin niya ‘ko.
“Saan?”
“May pupuntahan tayo.”
“Pero, ‘di ba, bawal tayong umalis?”
“Tapos na ‘yong sa ‘tin.”
“Hindi ba tayo papagalitan?” Hindi na ako nag-salita at hinila siya palabas ng theater.
“Okay! Ready...”
Huling salitang rinig namin pag-labas.
ESTÁS LEYENDO
The Pulsation Of Heartbeat
RomanceLorence Garcia is a college student, he's smart and excellent in science and history. He is admired by many people and is also a famous author, but only his friends know about it. He was cold and didn't care around. And the day came, he met Suzy Ram...