Chapter 9

4 2 0
                                    

Lorence Pov

“Lorence.”

Imposible.

Ikaw ba ang author ko? Si Lorence Garcia?

Nakatingin lang ako sa kan‘ya. Lumapit siya sa ‘kin at ngumiti nang itanong ‘yon. But...

Ano‘ng ibig n‘yang sabihin?

Hindi niya ‘ko kilala?

Wala siyang alam?

Siguro nga ikaw ang author ko.” Nakangiting saad niya. Nabalik ako sa sarili nang muli s‘yang mag-salita.

Ako nga pala si Suzy Ramirez.

Oo nga pala—huh... Mahinang daing niya nang hilahin ko siya para yakapin.

You‘re here.” Bulong ko.

Bakit mo ako niyakap?

Napa-bitaw ako nang sabihin ‘yon, na-itulak ko rin siya at pinakalma ang sarili.

Hindi mo dapat ginawa ‘yon, dahil hindi magandang tingnan, lalo na‘t tapat ako sa male protagonist ko. Hindi ko pa man siya nakikilala, pero alam ko kung ano ang gagawin. Isa pa, nandito ako para hanapin ang author ko. At ikaw ‘yon.

Gano‘n ba? Maang-maangan ko.

Oum. ‘yon ang sabi sa ‘kin ni Mr. Valencia. Ang dalhin ako sa lugar kung nasa‘n ang author ko.Tipid ko lang s‘yang tinanguan. Ngumiti naman siya.

You mean you came from the book?” Kahit alam ko ang sagot, tinanong ko pa rin.

Oo. Tama. Sa librong ‘to ako nag-mula.” Lahad niya sa ‘kin ng libro, kinuha ko naman ‘yon.

Alam ko ang araw ngayon, ang araw na nagpakita rin siya. Hindi ko lang pinansin dahil alam kong darating siya kung nasa‘n ako. Kaya nagmadali akong umalis kanina dahil ayaw kong may maka-kita sa kan‘ya

Gusto ko sana na, ibalik mo na ang dating plot ng k‘wento ko.”

Binalik ko ang tingin sa kan‘ya. Gusto ko s‘yang itaboy, gaya no‘ng una. Pero niyakap ko siya.

Alam kong hindi ka naniniwala

“Naniniwala.”

“T-talaga?” Umisang tango ako.

“Kung gano‘n sisimulan mo na ba?”

“Oum.”

“Kailan?”

“Sasabihin ko rin, may tatapusin lang ako.” Tsaka ako lumapit sa study table at sinimulan na ang procedure.

Pero hindi ko ma-focus, nilingon ko siya na nililibot ang tingin sa kabuuan.

Alam kong naninibago siya ulit pero alam ko rin‘ hindi na niya gagawin ang mga pinakita niya no‘ng una.

“Lorence, may pagkain ka?”

Ngumiti ako tsaka at tumayo tsaka ako lumabas ng k‘warto, nakasunod naman siya sa ‘kin.

Ito ba ang bahay mo? Ang ganda!” Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

The Pulsation Of HeartbeatWhere stories live. Discover now