XXVII - Berberoka [Isang paglalakbay (2)]

2.1K 114 43
                                    

CHAPTER - XXVII


Nang matapos ang pag-uusap namin nina Tatang at Jotaro ay nagmamadali akong nag-ayos, minadali ko ang paglalagay ng mga gamit sa maliit kong bag, nag-hilamos ng kaunti, inayos ang buhok gamit ang basa kong mga kamay, nagpalit ng damit at muling humarap sa salamin.


All check. Pogi na naman ako (ang umangal, may pigsa sa noo).


"Handa ka na?" Tanong ni Jotaro sa akin ng nakita ko silang dalawa ni Tatang na nakatayo sa labas ng tarangkahan nitong templo.


"Yung Tamales?" Tanong ko. Hehe, feel na feel ko 'yung pang-boboss ngayon e. Humingi sila ng pabor, dapat hihingi rin ako--'di ba?


"Ito, buhatin mo." Bulalas ng pinuno na pagkatapos ay biglang inihagis sa akin ang isang mabigat na sako.


Nanlaki ang mga mata ko habang inaabangan ang dahan-dahang paglapag ng sako sa direksyon ko, mabilis kong inilahad ang mga kamay ko para saluhin 'to--nasalo ko naman.


Kaya lang mabigat.


"Bigat nito?" Tanong ko habang dahan-dahan kong inaalalayan ang sako.


"'Di ba gusto mo ng maraming pagkain? Ayan! Hindi lang puro tamales 'yan a." Nakangising sagot ng pinuno.


"Bubuhatin ko?" Tanong ko.


"May reklamo ka?" Sagot ng pinunong si Jotaro.


Sabi ko nga. Sus.


Kung kailan ramdam ko na 'yung pagiging boss eh--nandoon na eh!


Pasikat na ang araw, nagsama na ang ginaw at ang init na nagmumula sa sinag ng bukang liwayway, mahamog pa rin ang buong kagubatan ng Tanlimook; inaantok man--nagsimula na kaming maglakad nina Tatang at Jotaro palabas ng kakahuyan.


Tumambad sa amin ang maliit na nayong nakatayo may ilang metro lamang ang layo sa kakahuyan ng Tanlimook, 'yung maliit na nayon kung saan ako madalas papuntahin ni Jotaro para humingi ng asin at asukal? 'Yung nakwento ko dati? Doon.


Kilala kami sa nayong 'to, alam nilang mga tulisan kami--mga bayarang bandido, pero magka-ganoon man eh hindi naging handlang ito para tingalain kami ng lahat ng mga narito.


Isa kasi ang nayon na 'to sa mga tinutulungan namin. Sabi ko nga 'di ba? 'Yung mga pabuyang natatanggap namin sa bawat misyong ipinapagawa sa amin eh ipinamimigay lang namin sa mga maliliit na nayong katulad ng nayon na 'to.


Hindi naman talaga namin kailangan ng pera. Basta may pagkain lang okay na eh. Hindi naman namin naging problema ang pagkain dahil binigibyan kami ng mga taga rito ng ilang mga pagkain at alak bilang pasasalamat, tsaka kung hindi man nila kami bigyan okay lang; okay pa rin.


Marami namang prutas sa Tanlimook.


Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now