LVIII - Agam-agam

1.8K 96 17
                                    

CHAPTER - LVIII


Maliwanag na nang marating namin ang baybayin ng isla ng Batonakwan, at katulad ng isla ng Tanauwi—halatang walang taong naninirahan dito. Tahimik lamang ang buong isla na napapalibutan ng makapal at nagtataasang mga puno,makapal rin ang hamog sa paligid at nakakabingi ang katahimikan.

"Handa na ba kayo?" Tanong ni Jotaro.

Isa-isa naman kaming nagsitanguan at pagkatapos noon ay tahimik na kaming bumaba mula sa sinasakyan naming barko.

Ang isla ng Batonakwan ay makikita sa gitna ng malawak na karagatan, sa timog at dulong bahagi na nasasakupan ng kaharian ng Arentis. Sobrang isolated ng isla na 'to; ni wala man lang akong makitang mga bangka ng mangingisda sa paligid.

Wala talaga. Sobrang tahimik nitong isla na hindi ko mapigilan ang kabahan.

"Dito tayo magkikita-kita pagkatapos ng dalawang oras." Simula ni Jotaro, habang inuukit nito sa katawan ng puno ng niyog ang simbolo ng tribo ng Uruha. Humarap ito sa amin at tinitigan kami ng seryoso. "Maging alerto kayo, hindi pangkaraniwan ang mga halimaw na namamalagi dito sa Batonakwan. Kung maipit man kayo sa isang sitwasyon ay gamitin n'yo ito."

Iniabot niya sa amin ang dalawang uri ng bagay, na napagtanto ko namang mga paputok—base sa hugis at mitsang nakalawit sa dulo nito.

"Ibinigay iyan sa akin ni Erting kagabi." Sambit ni Jotaro. "Sinabi niyang malaki ang maitutulong ng mga pasabog na 'yan upang matunton natin ang isa't isa, kung sakaling maipit tayo sa gitna ng labanan." Mungkahi niya.

"Dalawang piraso lamang 'yan. Kaya kung maaari ay gamitin n'yo lamang ang mga 'yan sa tamang pagkakataon—" Dagdag naman ni Tatang.

"Bata," Tawag sa akin ni Jotaro. "Mag-iingat kayo, 'wag kang magpapadala sa galit—alalahanin mong mabuti ang mga natutunan mo sa templo." Nginisian ako nito.

Pinakinggan ko iyong mabuti at mabilis na tumango. Hindi ko maitatangging kahit papaano eh nahimasmasan ako sa mga sinabing iyon ni Jotaro. Hindi ko napigilan ang ngumisi.

Tama s'ya—ano ba 'tong ginagawa ko? Bakit ba parang napakadali ko namang matakot?

Muli kong binalingan ng tingin si Jotaro, nginitian ko ito para ipahiwatig sa kanyang naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin—iba talaga 'tong pakiramdam ng pinuno. Ginantihan naman niya ako ng ngiti at pagkatapos noon ay nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay upang gampanan ang mga gawaing naka-pataw sa aming grupo.

Sa kanlurang bahagi ng islang ito kami inatasang hanapin sina Kheena at Marie, habang sa kanang bahagi naman ng Isla hahanapin nina Jotaro at ng iba pa sina Marie, Kheena at ang ikaanim na anino ni Minukawa.

"Tamales?" Alok sa akin ni Je'il habang iniaabot sa akin ang Tamales na nakabalot sa makapal na dahon ng saging.

"Salamat." Sagot ko. Kinuha ko kaagad ang Tamales na 'yon at mabilis na binuksan, naalala kong hindi pa pala ako kumakain simula kanina—hindi kasi ako sumabay sa agahan.

Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina...

Ang totoong dahilan ng pagkuha ni Bakunawa sa sinumpang bato ng Balani.

Nagsimula na naman akongm aging tahimik.

"Okay ka lang kuya?"

Nilingon ko kaagad ang katabi kong si Paolo na nang mga oras na 'yon ay nakatingin na sa akin at halatang nag-aalala.

"Okay ka lang?" Tanong niyang muli. "Napansin ko, kanina ka pa tahimik eh—anong meron?"

Umiling naman ako. "Wala, masakit lang tyan ko." Tanggi ko.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now