LXI - Dos

1.8K 95 7
                                    

CHAPTER - LXI


Sinimulang ipunin ni Nakuayen ang itim na liwanag mula sa kanyang kamay na nakaturo naman sa aming direksyon, sinundad pa ito ng dahan-dahang pagngisi ng kanyang labi at pagdilat ng mga mata na tila ba naninindak, dahil ano mang oras ay magpapakawala na ito ng isang pag-atake.

Dali-dali ko namang inipon ang aking enerhiya sa nakatiklop at nanginginig kong kamao. Bumuwelo ako ng kaunti.

"Hindi naman 'ata tama kung hindi ako makikisali sa inyong kasiyahan." Bulalas ni Nakuayen. "Ngayon pa't mukhang nakakamangha ang inyong ipinapa—Gwookh!!"

Akma na sana akong susugod, nang bigla naman akong mapahinto ng dagliang humampas sa katawan ng mambabarang ang kamao ng Talimao na si Batluni. Napakabilis ng pangyayari at halatang hindi ito inaasahan ni Nakuayen, na mabilis namang napaurong mula sa kanyang kinatatayuan at malakas na humampas ang likuran sa matayog na puno ng mangga.

"Magaling. Hindi ko inaasaha—huh?!"

Muli na namang natigilan si Nakuayen ng biglang pumalupot sa kanyang magkabilang mga kamay at binti ang mga lubid ni Je'il. Sinubukang magpumiglas ni Nakuayen subalit katulad ng naunang nangyari'y, hindi nito magawang makalaban; lalo na noong mabilis siyang hilahin ni Je'il palapit sa sangga ng punong kanyang kinatatayuan.

"Hehehe... Alam mo, palagi kong iniisip kung kailan ba ulit tayo magkikita." Nakangising bulalas ni Je'il. "Nabitin kasi ako sa huling laban natin eh—"

Mabilis na ipinatikim ni Je'il kay Nakuayen ang kamao nitong tumama naman sa malambot niyang tiyan. Nanlaki ang mga mata ng mambabarang at umakmang para bang maduduwal—kahit pinapanood ko lang ang mga nangyayari, alam kong napakasakit ng suntok na 'yon.

Kilala ko si Je'il. At sa loob ng tatlong buwan na pagsasanay ko sa tribong Uruha eh alam na alam ko na kung gaano kalakas ang mga suntok ng unggoy na 'to.

"Gruhh..." Dinig kong ungol ni Nakuayen.

Isa-isang nagsikalasan ang mga lubid na nakatali sa nanlalambot na katawan ng mambabarang, at kasunod nito ay mabilis siyang sinipa ni Je'il paitaas. Mabilis namang tumalima ang hinang-hinang si Nakuayen na matulin namang rumaragasa sa mga dikit-dikit na sangang inaararo ng katawan niyang tila ba hindi makakilos.

Kasunod nito'y mabilis na tumalon si Je'il mula sa sanggang kinatatayuan niya upang habulin ang tumilapong si Nakuayen, at nang maabutan niya ito'y isang malakas na sipa—gamit ang kanyang sakong ang malakas na bumira sa likuran ng hinang-hinang si Nakuayen na dahilan naman ng mabilis niyang pagbagsak sa lupa na sinundan ng isang malakas na lagabog at pagkalat ng makapal na alikabok.

Hindi ko na nagawang makapagsalita sa mga nakita kong ginawa ni Je'il. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapangisi habang pinagmamasdan ang mga mata ng kaibigan kong Orano na unti-unti nang nagbabago ang kulay ng balahibo habang dahan-dahan itong bumababa patungo sa isang sanga. Doon siya naupo tahimik na pinagmasdan ang nakahandusay na katawan ni Nakuayen sa lupa.

Kapansin-pansin ang tila ba hindi mapatid na ngiti sa labi ni Je'il habang unti-unting nagiging itim ang kulay abo nitong balahibo—kapansin-pansin rin ang pagbabago ng kulay ng mga mata nito na dahan-dahan nang nagiging kulay luntian.

Alam ko ang ibig sabihin ng pagbabagong anyo nitong si Je'il. Pero ang ipinagtataka ko lang...

Bakit?

"Hehe..."

Mabilis kong ibinaling ang paningin ko sa pinagbagsakan ni Nakuayen at nakita siyang unti-unting tumatayo habang marahang humahagikgik. Nakayuko ito at nanginginig ang mga tuhod—halatang naramdaman ng katawan niya ang pinsalang kayang tinamo. Nanghihina man, ramdam kong may pagbabago kay Nakuayen—hindi ko maisplika eh, basta nakaramdam ako ng kaba.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang