LXIII - Ultimo Saluto

2.2K 105 17
                                    

CHAPTER - LXIII 


Muling umihip ang napakalakas na hangin, maragsang nagsi-sayawan ang mga punong kahoy sa paligid, mangilan-ngilang mga dahon ang napigtas mula sa mahigpit nilang pagkakakapit sa payat at mahahabang mga sanga. Nagkaroon ng bahagyang pagyanig sa lupa na mabilis namang humupa...

"Sigurado ba kayo sa inyong hinihiling?" Dinig kong bulalas ni Bakunawa habang marahan nitong inililingon ang matatalim niyang mga matang nakatuon sa aming direksyon.

Balot na balot ng itim na usok ang kanyang katawan, na lalo namang umigting nang muling umihip ang malakas na hangin. Subalit hindi naman namin ito ininda—

Sa halip ay lalo kaming naging handa.

Nagsimulang dumilim ang buong paligid. Wala namang hamog na kumalat pero parang biglang nawala ang mataas na sinag ng araw—patuloy pa rinsa pag-ihip ang malakas na hangin na s'ya namang nagpalamig sa buong paligid.

Napalunok na lang ako habang pinagmamasdan ang mabilis na pagbabago ng paligid.

"Puro ka nyak-nyak eh, sugod na." Nakangising bulalas ni kuya Gayle. "O kung ayaw mo—"

Itinaktak niya ang kanyang baston sa lupa, kasunod nito ang paglabas ng mga yelong tulos na isa-isang nagsi-sulputan sa kanyang likuran at mabilis na nakatuon sa direksyon si Bakunawa. Napakarami ng mga tulos na 'yon—hindi ko mabilang.

Basta ang alam ko lang, uumpisahan na ni kuya Gayle ang laban.

"...Kami na muna ang magsisimula." Bulong ni kuya Gayle.

Ipinitik ni kuya Gayle ang kanyang magkadikit na hinalalaki at hintuturo, at kasunod noon ay ang mabilis na paglipad ng mga tulos patungo kay Bakunawa, na mabilis naman niyang naiwasan. Maragsang tumarak ang mga tulos sa lupang kinatatayuan ni Bakunawa, inakala kong hindi nagtagumpay si kuya sa ginawa niyang pag-atake, dahil mabilis na nakatalon patungo sa mga sanga si Bakunawa.

Kaya lang, nagulat na lang ako ng biglang igalaw ni kuya ang hintuturo niya at marahang itinuro sa direksyon ng kalaban naming mandirigma, kasunod nito ang mabilis na pag-ahon ng mga nakatusok na yelong tulos sa lupa at mabilis na tinungo ang direksyong itinuturo ng daliri ni kuya.

"Hangga't kaya ko pang kontrolin ang mga tulos na 'to, siguradong susundan at susundan ka ng mga ito!" Saad ni kuya Gayle, habang sinusundan ng kanyang hintuturo ang bawat paggalaw ni Bakunawa. Kasunod naman ng bawat pag-galaw ng kanyang hintuturo ang mabilis na pagtalima ng mga yelong tulos.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha. Ang galing. Ganito pala kagaling ang kapangyarihan ni kuya: kaya n'yang kontrolin ang mga tulos—ang galing!

Paulit-ulit na nagpatalon-talon sa mga sanga ng puno si Bakunawa upang iwasan ang mga tulos, subalit patuloy pa rin ang mga ito sa pagtugis sa kanya. Hindi niya magawang maka-alpas mula sa mga tulos, at mukhang walang balak si kuya na tantanan ang ginagawa niyang pagkontrol sa mga ito.

Kaya naman biglang huminto si Bakunawa at iniamba ang nagliliwanag niyang espada at mabilis itong iwinasiwas sa papalapit na mga tulos. Isang asul na liwanag ang kumawala mula rito na mabilis na sinalubong at tinunaw ang mga yelong tulos.

Subalit magkaganoon ma'y hindi naman nabahala si kuya, sa halip ay ngumisi pa ito.

"Inaasahan ko na yan..." Bulalas niya.

Muli na namang itinaktak ni kuya ang kanyang baston, na sinundan naman ng muling pagyanig ng lupa. Kasunod nito ang dagliang pag-galaw ng sangang kinatatayuan ni Bakunawa at mabilis siyang pinaluputan.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon