Chapter 26

355 21 3
                                    

Sumibol ang hapon at nag bihis kami. Dinala din namin si Asha. Bibisitahin namin ang puntod ng mga kamag-anak niya. Pag karating namin dun ay agaran niyang itinuro ang puntod ng lolo at lola niya, aunties and uncles pati pinsan at napansin kung parehong araw silang namatay maliban sa isa. Itinuro niya iyon.

"That is one of my uncle, kabit siya ni mama. Father killed him"

Oh! That's so sick!

"Who killed the rest?"

"Mother"

Napatikom ang bibig ko. Puntod ito ng mga Wade. Kilala ko ang karamihan sa kanila. Mga malalaking negosyante ang mga 'to at may malaking nagawa sa komunidad.

Pumunta kami sa puntod ng ibang kamag-anak niya. Pamilya na ito ng mama niya, hindi naman gaanong karami, mas marami ang Wade.

"Why did your mother killed the Wades?"

"Generally, the Wades doesn't like her."

Napatango-tango ako. And she wasn't yet arrested because she was reportedly missing.

"My mother killed the entire clan of Wade. And almost of the entire people at the street. Kaya mas ayoko sa kanya" dagdag nito.
"Pero ngayong naliwanagan na ako sa lahat. My mother is indeed the victim."

I look at his eyes. Hinawakan ko ang bisig niya at yumakap doon. Yumakap din si Asha sa kabilang gilid niya na ikinangiti ko.

"What about the relatives of your mom?"

"They died naturally. Hindi naman kasi sila taga rito, sa simula pa lang."

Napatango-tango ako. Nanatili kami dun ng mga ilang minuto bago napag pasyahang umalis na. Dumiretso kami sa palengke at namili ng mga gusto kung kakainin. Naka face mask pa ako maliban kay Asha.

Halos maubos ko na ang mga paninda sa prutasan. Pati Durian na ayoko kinuha ko. Mabango eh. Ang manga kahit hinog inubos ko. Habang namimili ay kumakain ako ng manggang hilaw. Pumunta kami sa karnehan at isdaan. Natuwa pa ako kanila Asha at Dojun nung makitang komportable na sila sa isa't-isa, nagtatawanan na eh. Sumilip pa si Asha sa mga isdaan. Hindi niya ito maabot at makita ng maayos kaya kinarga siya ni Dojun. Turo na ito ng turo. Halos karne tinuturo. Titikman pa nga sana 'yung dugo ng isda buti nalang natampal ko ang kamay. Iiyak na sana siya kaya inaliw siya agad ni Dojun.

Nasanay sa dugo ng tao itong batang 'to.

Nilagay na namin ang mga pinamili sa trunk. Dumiretso kami sa market store at namili din dun. Dojun let Asha buy all her want. Ako halos junkfoods naman kaya nagalit siya.

"Hindi ka na nga vegetarian lakas mo pang bumili ng junkfoods"

"Ano bang pake mo? Ako naman kakain?"

"Eh ano din bang pake mo kung papakealaman kita??"

"Sinisigawan mo na ako??!"

Bigla siyang umiwas ng tingin at hinarap ang mga biscuits.
"Sabi ko nga bibili tayo ng biscuits at junkfoods mo."

"Akala ko ba gusto mo akong maging mataba?"

"Tumataba ka na nga eh"

"Oh ngayon ayaw mo na?"

"Hindi ah, masarap ka pa din."

Tinaponan ko siya ng pack of biscuits at natawa lang ang animal.

"Ate~"

Nilingon namin si Asha at marami ng dalang spaghetti, macaroni, at may dala pang tissue at cotton.

"Hoy bata ka. Aanhin mo 'yang tissue at cotton?" Binaba ko ang mga kinuha niya.

When The Killer Falls In LoveWhere stories live. Discover now